Ikalawang Kabanata: Ano Ang Totoong Mundo?
"Hey kamusta?" napatingin ako sa nagsalita. Si Charlotte iyon na seryosong nakatingin sa akin. Ngumiti siya bigla na nagpakaba sa akin.
'Ang creepy naman huhu!'
Nilibot ko ang aking paningin at napagtanto ko na nandito pa rin pala ako sa palasyo."Pero—paano?" hindi ko malaman ang tamang salita na sasabihin. Sobrang naguguluhan ako. Bakit nakita ko ang secretary ko kanina tapos biglang nandito na naman ako. Napatingin ako kay Charlotte ng bigla siyang nagsalita.
"Dont think too hard. Maistress ka lang." nakangiti pa rin siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya, nagmamasid sa bawat kilos niya mahirap na baka mamaya kung ano na namang mangyari. "Dont look at me like that. Pinakita ko lang ang isa sa mga kapangyarihan ko. Pinapunta kita sa lugar na iyon ngunit saglit lamang dahil gaya nga ng sabi ko hindi ko pa gaanong nakokontrol ang aking kapangyarihan." paliwanag niya sa akin. Napansin ko lang na ang bilis niyang magpalit ng emosyon. Bigla-bigla na lang magiging seryoso tapos ngingiti na naman tapos parang bata na lalapit sa akin at parang excited then seseryoso na naman.
'Ang gulo niya!'
"For now go back to that place Zyrna. I'll give you time to clear your mind and I think one week is enough?" ngumiti na naman siya sa akin pero makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata kahit na nakangiti siya. Parang may gusto siyang sabihin sa akin ngunit pinipigilan niyang hindi ito sabihin, basta ganon. "I'll wait for you Zyrna Jade. Nauubusan na tayo ng oras kaya sana malaman mo na ang katotohanan. Sana mapagtanto mo kung saang mundo ka talaga nabibilang at kung saan mo gustong manatili." huli kong nakita ang mga mata niyang puno ng lungkot. Sa isang linggo na napapanaginipan ko ang lugar na iyon ngayon lang ako payapang gumising. Pero sobrang daming katanungan naman ang pumuno sa isipan ko at di ko alam kung ano ba ang paniniwalaan ko.
'Panaginip lang ba talaga yun?'
Kusap ko ngayon si Dra.Agnes at katulad ng mga nakaraang araw kinuwento ko na naman sa kanya ang napanaginipan ko. Sabi niya baka daw dahil sa trauma ko nung namatay sila mommy at daddy kaya ko napapanaginipan ang mga ganong bagay. My parents died in front of me, they are tortured by those man with a mask of a demon. Pagkatapos nilang patayin ang parents ko ay hinatid nila ako sa bahay at hindi ko na muling nakita pa ang mga yun. Hindi sila nagbanta o ano pa man. Malaking palaisipan yun sa lahat dahil hindi malinaw ang intensiyon nila kung bakit nila kami kinidnap at pinatay ang magulang ko habang hinayaan nila akong mabuhay at hindi na pinakialaman pa. Naputol ang aking pag-iisip sa biglaang pagsasalita ni Dra.Agnes.
"Zyr, I think its the time." seryosong sabi niya sa akin. Naguguluhan ako sa sinabi niya ngunit bago pa ako makapagtanong ay nagsalita na ulit siya. "Kailangan mo na sigurong harapin ang kinatatakutan mo. Face the fact na patay na ang magulang mo at pinatay sila sa mismong harapan mo. Zyr, anak kailangan mong alalahanin ang mga nangyari upang tuluyan ka nang makalaya sa nakaraan. Hindi lang basta namatay ang magulang mo hindi ba? Zyr sila ay—" natigil siya sa pagsasalita ng sumigaw ako.
"NO! STOP! HINDI—WAG—TUMIGIL KA NA. UMALIS KA NA DITO HINDI KITA KAILANGAN!" halos magwala ako dito dahil sa mga ala-ala na bumabalik sa isip ko. Yung mga ala-ala na bumabalik at bumabalik sa aking isip kahit na pilit ko itong inaalis. Napapanaginipan ko gabi-gabi sa loob ng 4 years yung pagkamatay nila mommy at daddy sa mismong harapan ko. Tumigil lang iyon isang linggo na ang nakararaan at doon din nagsimula ang kakaibang panaginip ko, ang mundo ng Legerdemeris.
"Calm down Zyr. I know di ka pa handa pero kailangan. Its been 4 years and look at you, tinatakasan mo pa rin yung nakaraan. I know its hard but you need to be strong for you to overcome it. Zyr trust me, Im your tita and your savior right? Please Zyr you need this bago pa mas lumala yan, pinabayaan kita ng 4 years pero hindi yun nakatulong. Please Zyr overcome it dont let it overcome you." umiyak lang ako ng umiyak hanggang nakatulog na ako.
Nagising ako at inaasahan ko na nandito akong muli sa aking panaginip ngunit kakaiba ngayon. Sa loob ng 4 years ay ngayon lang ako hindi nagkaroon ng masamang panaginip. Hindi ang kakaibang mundo ng mahika at hindi rin ang pagkamatay ng magulang ko. Nagising ako na nakikita ang payapang paligid ng aking silid. Napatingin ako sa pinto ng bumukas iyon at iniluwa nito si Dra. Agnes. She's my doctor and also my tita, bunsong kapatid siya ni Daddy.
"Zyr, halika at magbreakfast na tayo." lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo.
"Dra. Agnes—" pinutol niya ang aking sasabihin at nagsalita ng may ngiti sa labi.
"Im your tita Zyr." sabi niya at tumango-tango. "Its ok, I can wait for you downstairs. Go ahead and do your morning rituals." hindi na niya hinayaang makapagsalita ako dahil tuluyan na siyang lumabas ng aking kwarto.
Ipinagwalang bahala ko na lang iyon at ginawa na ang dapat kong gawin upang makababa na ako at makakain ng umagahan. Payapa akong kumikilos at agad din na bumaba upang kumain. Siguro kaya hindi ako naiirita ngayon o kung ano pa man ay dahil wala akong napanaginipan na kahit ano. Hindi ako natatakot, nagagalit o naguguluhan dahil walang bumabagabag sa aking isip na kung ano ang ibig sabihin ng panaginip ko o ano pa man. Mapayapa ang isipan ko ngayon at parang ang gaan ng kalooban ko.
"Good morning Zyr, kain ka na." nakangiting sabi sa akin ni nanay Mer. Nginitian ko rin siya at naupo na sa harapan ng hapag. Naabutan ko doon si Dra. Agnes—tita Agnes at sinuklian ko din ang mga ngiti niya. Nag-agahan kami nang tahimik at walang problema sakin yun dahil sanay na talaga akong tahimik dito sa bahay.
Pagkatapos mag-agahan ay niyaya ako ni tita Agnes na magshopping.
"Dra.—tita hindi naman po ako mahilig magshopping at isa pa ay marami pa akong damit sa bahay." pagrereklamo kahit na nandito na kami sa loob ng isang mall.
Nginitian lang ako ni tita na para bang sobrang haba ng pasensiya niya dahil ni minsan ay hindi ko siya nakitang nagalit sa akin. "Ikaw talaga ang kj mo. Dinala kita dito para magunwind, sobra mo kasing inistress ang sarili mo eh. Dapat minsan din ay magliwaliw ka naman." sabi niya at pumasok sa isang boutique dito at agad naman akong sumunod dahil wala din naman akong choice.
Sinamahan ko lang si tita na magshopping at binibilihan din niya ako ng kung anong magustuhan niya. Paminsan-minsan naman ay bumibili rin ako ng mga makita kong da tingin ko ay magagamit ko. Hindi ko namalayan ang oras at kahit na puro reklamo ako sa mga binibili ni tita ay inaamin ko na nakatulong nga ito upang kahit saglit lang ay mawala ang mga gumugulo sa isip ko. Umuwi kami sa bahay ng mga bandang hapon na dahil doon na kami sa mall nagtanghalian. Nakakapagod ang pagsashopping pero nakakaenjoy din pala at nakakarelax.
"Zyr, napagod ka ba? Magpahinga ka na muna tatawagin na lang kita kapag maghahapunan na." inalalayan ako ni tita na makatayo at itinulak-tulak pa ako paakyat kahit na sinabi ko na ok lang ako at gusto kong tumulong. Sinunod ko na lang ang sinabi ni tita at nagbabad na lang ako sa bath tub. Maligamgam ang tubig na nakapagparelax lalo sa akin. Napangiti ako habang inaalala ang mga ginawa ko ngayong araw. Matagal na rin pala nung huli akong nakapagshopping.Ipinikit ko ang aking mata at ninamnam ang nakakarelax na katamtamang init ng tubig.
'Hihintayin ko ang pagbabalik mo Zyrna. Sana ay malaman mo na ang totoong mundo na kinabibilangan mo. Nauubusan na tayo ng oras kaya sana ay magmadali ka.'
Napamulat ako sa aking naalala. Yun ang huli kong panaginip at ngayon ko lang naalala na yun pala ang hiling sinabi sa akin ng Prinsesa na iyon.
'Charlotte ano ang ibig sabihin mo sa totoong mundo na kinabibilangan ko? Panaginip ka lang pero bakit ganito ako kung maapektuhan sa mga sinabi mo? Ano ba ang totoong mundo?'
All rights reserved 2023
©IamForYouOnly
BINABASA MO ANG
World of Legerdemeris
FantasyIsang Mundo na sa panaginip mo lang mararating. Mundo na walang nakakaalam kung ito ba ay totoo o isa lamang kathang isip. Paano mo tatanggapin ang katotohanan kung ang kasinungalingan ay tuluyan mo ng niyakap. Sabay sabay nating tuklasin ang mist...