Kabanata Apat

5 2 0
                                    

Ikaapat Na Kabanata: Magulong Ala-Ala

"Zyr, are you ok?" iminulat ko ang aking mata at nakita ko si tita Agnes. Niyakap ko siya at umiyak ako ng umiyak sa kaniyang balikat. Its too much hurt. Ang sakit sakit balikan ng mga ala-alang yun well except dun sa letter part. Speaking of that pwede bang mangyari yun? I mean diba hindi naman yun part ng mga ala-ala ko pero bakit nakita ko yun? Ang weird. Dapat ay sabihin ko ang nga iyon kay tita pero pinili ko na lang na wag na lang sabihin ang tungkol sa liham.

Hinatid ako ni tita pauwi at agad akong dumiretso sa aking kwarto at nakatulog dala ng pagod at sobrang pag-iyak. I woke up the other day and I went to our home to, our old house to check for that letter. Its an abandoned house now at walang nagbabantay dito kaya di na ako nagulat ng makapal na alikabok ang bumungad sakin.

"Miss anong ginagawa mo diyan? Magnanakaw ka ba?" nagulat ako sa biglang pagsulpot ng isang batang lalaki. Tinignan ko siya ng masama at lumapit ako sa bench sa may hardin ng aming bahay kung saan siya nakaupo. Napansin ko na may iilang bulaklak na maayos na nakatanim dito na aking pingtaka.

"Sino ka? Bakit ka nandito sa 'bahay ko'?" diniinan ko ang pagkakabigkas ng bahay ko para malaman niya kung sino yung pinagbibintangan niyang magnanakaw. "Ako pa talaga ang pinagbintangan mong magnanakaw eh ikaw nga ang mas mukhang magnanakaw sa atin." dagdag ko pa ng hindi siya nagsalita o gumalaw man lang sa kinauupuan niya.

"Miss, hindi ako magnanakaw. Hindi ko nga sinubukan man lang na pumasok diyan sa bahay na yan eh. Isa pa ay binabantayan ko ang bahay na yan dahil yun ang bilin sakin ng tatay ko."  hindi ako nakaimik dahil sa pagiging judgemental ko. Hindi ko alam kung tama ba na pagkatiwalaan ang batang iyon pero mas pinili ko na papasukin siya sa bahay pagkatapos kong buksan ang pinto.

Bumungad sa amin ang makapal na alikabok pagkapasok namin sa loob ng bahay. Sa bungad ay nakita ko ang isang painting na natatakpan na ng alikabok. Kinuha ko ang panyo ko ay pinunasan ang larawan. Ito ang larawan na nakita ko. Hinarap ko ang bata upang sabihin sana na maaring maglibot muna siya at iwan muna ako doon ngunit wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Inilibot ko ang aking paningin upang hanapin ang bata ngunit di na siya nahagip pa ng paningin ko. Isinawalang bahala ko na lang iyon sa pag-iisip na baka naglilibot lamang siya sa bahay na matagal na niyang binabantayan. Muling nakuha ng larawan sa harapan ko ang aking atensiyon.

"You can do this Zyrna. Kaya mo yan, kailangan mong kayanin." pagkumbinsi ko sa aking sarili.

Inabot ko ang maalikabok na larawan gamit ang naginginig kong kamay. Puno ng pag-iingat kong ibinaba ang painting ng larawan ng aking magulang kasama ako. Katulad ng nakita kong imahe sa aking pagbabalik-tanaw ay nandoon ang masayang mga mukha ng aking magulang, litrato ng isang masayang pamilya na sa larawan na lang makikita. Sandali akong napatitig sa larawan. 'Miss ko na ang pamilya ko.'

"Miss ayos ka lang?" nagulat ako sa biglang pagsasalita ng batang kasama ko. Parang kabute, basta-basta na lang nasulpot.

"Wag ka ngang mang-gulat. Aatakihin ako sa puso sayo eh!" naiinis na pagsita ko sa bata. 'Teka nga sino nga ulit ang batang ito?' kesa pasakitin ko ang ulo ko kakaisip ay tinanong ko na lang ang bata kung sino ba talaga siya at kung bakit siya nagababantay dito sa bahay namin.

"Ako po si Zero, ihinabilin ng aking ama na dating guard dito sa bahay niyo ang pagbabantay ng inyong tahanan. Si tatay Ernie po ang aking ama." pagsagot niya sa aking tanong.

World of LegerdemerisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon