Ika-anim na Kabanata: Princess Charlotte
Biglang nawala ang sigla sa mga mata ni Charlotte. Naging tikom ang kanyang bibig na kanina lang ay nagpa-ulan sa akin ng mga katanungan. Nawala ang ning-ning ng kanyang mata at tila nawalan ito ng buhay.
"Tara na at mayroon pa akong papatayin na mga halimaw." nanlamig ako sa biglang pag-usal ni Charlotte sa mga salitang iyon. Seryoso siya at handang-handa na siyang sumugod sa mga kalaban.
Nauna na ngang maglakad si Charlotte patungo sa kung saan at naramdaman ko na lang na hinahatak na ako ng kasama kong Prinsepe pasunod sa pinsan niya.
Nakarating kami sa lugar kung saan nagaganap ang labanan. Sumusunod lang ako kay Zero at napunta kami sa isang tagong lugar. Pinayuko niya ako at saka sumugod sa labanan ngunit iniwan niya ako ng mga katagang di ko maintindihan.
"Watch how this war ended in just a blink of an eye. Umaasa ako na maitatala mo ng patas at totoo ang bawat kaganapan na makikita mo." nasilayan ko ang bahagyang pag-ngiti niya bago tuluyang sumugod sa labanan.
Maraming tanong sa aking isipan ngunit iwinaksi ko iyon ng pansamantala upang hanapin ang dalawang kasama ko. Hindi ko na sila makita sa dami ng mga tao o legerdemerian na nagpapalitan ng atake gamit ang kanilang mahika. Makulay ang paligid dahil sa pagsasalpukan ng ibat-ibang mahika ngunit hindi dahil sa pagbibigay ng aliw sa manunuod ngunit dahil sa paglaban nila para mabuhay. Maingay ang paligid pero hindi iyon ingay ng kasiyahan na lagi kong naririnig tuwing mapapadpad ako dito, ang ingay ay nanggagaling sa bawat sandata na nagtatama at mga pagdaing sa sakit dahil sa mga sugat na natamo.
"Why I am here? Bakit nandito ako at pinapanuod ang pagkawala ng buhay ng maraming indibidwal. Bakit nandito na naman ako sa sitwasyon na wala akong magawa upang iligtas ang mga taong unti-unting nawawalan ng buhay sa harap ko."
Hindi ko namalayan na tumulo na ang aking luha dahil sa mga ala-alang bumabalik na naman sa akin. Ang pagkamatay ng magulang ko sa harap ko at wala akong nagawa kundi ang manood at umiyak, ngayon ay nangyayari na naman at nanonood pa rin ako. Napatigil ako sa pag-iyak at binalot ng kaba ang aking puso ng may makita akong isang babae at may hawak siyang sanggol. Nakaluhod siya habang pinuprotektahan ang kaniyang anak. Nagtama ang aming mata at nagulat ako ng ngumiti siya sa akin kasabay noon ay ang pag-agos ng dugo sa kanyang bibig. May sumugod sa kanyang lalaki at pinatamaan siya ng isang itim na apoy.
"I need to do something!"
Natataranta ako dahil nakita ko kung paanong ngumisi ang lalaki habang natingin sa sanggol na hindi tumitigil sa kakaiyak. Nakita ko na may nabuong itim na apoy sa kamay ng lalaki at itinutok niya ito sa direksiyon ng sanggol.
"WAG!" natigil ang lalaki sa gagawin at napunta sakin ang atensyon niya. Agad akong tumakbo ng sobrang bilis papunta sa sanggol. Mas malapit sa pinagtataguan ko ang pwesto ng mag-ina kaya naunahan ko ang lalaki sa paglapit sa sanggol. Nakahinga ako ng mahawakan ng aking kamay ang walang muwang na paslit ngunit nagulat ako sa itim na apoy na mabilis na lumipad sa amin. Napapikit ako at sinigurado ko na sa likod ko iyon tatama at hindi sa sanggol.
"Go back to that place and dont interfere. You should watch and write what you see. Hindi ka dapat nangingi-alam dito." nagulat ako sa boses na nanggaling sa likuran ko at ang hindi pagtama sa akin ng itim na apoy. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko ang isang lalaki na siguro ay kasing edaran ko lang din at ang lalaki nagbato ng itim na apoy na may nakasaksak na matulis na bato sa dibdib nito.
"T—thank you." mahina kong usal ngunit sapat na upang marinig ng lalaking nagligtas sa akin at sa sanggol.
"Psh! Alis na, hindi ka dapat nangingi-alam dito." nagulat ako sa sinabi niya. 'Seriously?! Sinabi ba niyang dapat ay hinayaan ko na lang mamatay ang sanggol na ito at manood na lang doon!'
Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanya. Sisigawan ko na dapat siya pero agad na lang siyang umalis at nawala sa harapan ko. Naiinis akong bumalik sa pinagtataguan ko kanina. Maingat akong yumuko at inaalo ang sanggol upang tumigil ito sa pag-iyak.
"Shhh baby tahan na...plss wag kang maingay baka marinig tayo ng mga kalaban." naiiyak na rin ako dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Naaawa ako sa sanggol, kinakabahan din ako dahil baka may makapansin sa amin dito at hindi ko man lang makita si Charlotte o si Zero.
Sumilip ako sa nangyayaring labanan at nagkaroon ako ng pag-asa ng makita ko si Charlotte. Tatawagin ko sana siya ngunit nagimbal ako sa sumunod na nangyari.
Charlotte's power killed all the enemy in just a blink of an eye. Her power is so beautiful yet dangerous. Doon ko lang napansin na nagtitipon ang ibang mga nilalang sa isang lugar na pinalilibutan ng isang violet na inerhiya na nagsilbing shield nila upang di sila madamay sa kapangyarihan ni Charlotte.
My admiration to her rose up and at the same time I fear her. Sobrang linaw na nakita ko kung paanong sumabog ang bawat katawan ng mga kalaban pagkatapos dumapo sa kanila ang tila usok na may ibat-ibang kulay at hugis tao. Para itong mga kaluluwa ngunit hindi puti o itim ang kulay kundi parang rainbow ito at napakarami nila. Nakakamangha ito ngunit mabilis ang mga itong kumilos at tuloy-tuloy na dinadaanan ang bawat may buhay doon at ngayon nga ay patuloy nitong pinupuntirya ang mga nagkukumpulang mga nilalang sa likod ng kulay violet na parang shield.
Nakita ko na tila unti-unti nang nasisira ang shield. Akala ko ay mga kalaban rin iyon ngunit natigilan ako ng makita ko doon si Zero na kasama ng dalawang babae at ng isang lalaki at tila sa kanila nanggagaling ang violet na shield. 'Anong nangyayari? Bakit maging sila Zero ay kinakalaban ni Charlotte?' Tiningnan ko ang Prinsesa at nagulat ako ng bigla itong lumingon sakin at nakita ko ang kulay puti nitong mga mata. Sa isang iglap ay nalipat ang atensiyon sa akin ng mga kaluluwa na nanggaling sa kapangyarihan ni Charlotte. Mabilis itong kumilos upang puntiryahin ako at ang sanggol. Wala akong nagawa at nanatiling nakatayo doon, isang liwanag ang sumilaw sa akin at tila hinigop nito ang aking lakas dahil unti-unti akong nanghina and everything turns black.
All rights reserved 2023
©IamForYouOnly
BINABASA MO ANG
World of Legerdemeris
FantasyIsang Mundo na sa panaginip mo lang mararating. Mundo na walang nakakaalam kung ito ba ay totoo o isa lamang kathang isip. Paano mo tatanggapin ang katotohanan kung ang kasinungalingan ay tuluyan mo ng niyakap. Sabay sabay nating tuklasin ang mist...