Paunang Salita

14 5 0
                                    

Paunang Salita

    Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako makatulog. No scratch that, ayaw kong matulog. Tatlong araw ko ng pinipigilang hindi bumagsak ang talukap ng aking mata dahil natatakot ako na baka mapunta na naman ako sa napaka ganda ngunit nakakatakot kong panaginip.

      Inaantok na ako pero pinapangunahan ako ng takot na baka sa muling pagmulat ng mga mata ko ay ang kakaibang mundo na naman ang bumungad sa akin. Its been one week since it start. Noong una ay nasiyahan ako dahil sobrang ganda ng mundong iyon. Magical, punong-puno ng nakamamanghang bagay. Mga taong nakakagamit ng mahika, mga lugar na parang out of this world sa sobrang ganda at mga nilalang na hindi ko akalain na nageexist. Pero ang nakamamanghang panaginip na iyon ay nagpatuloy sa loob ng isang linggo. Ibat-ibang pangyayari pero nasa loob pa rin ng mundong iyon na umaabot sa punto na napapatanong ako sa aking sarili kung panaginip pa ba ang mga pangyayaring iyon o talagang totoong nakakapunta ako sa isang magical world? Ang lugar kung saan nakita ko ang lahat ng mga bagay na pinaniniwalaan kong imposibleng mangyari. Ang lugar na sa panaginip ko lang nararating. Ang lugar na kung tawagin ng mga nilalang doon ay ang mundo ng Legerdemeris.

Tumayo ako sa aking kama upang alisin ang aking antok ngunit sa nakikita ko sa aking paligid ay mukhang di ko na nakayanan ang antok dahil nakikita ko na naman sa paligid ang mga taong gumagamit ng ibat-ibang mahika. Nandito na naman ako sa panaginip na ito. Sa mundong noong una ay hinangaan ko ngunit ngayon ay kinatatakutan ko na. Tumulo ang aking luha dahil sa kaba na nararamdaman ko. Ipinikit ko ang aking mata sa pag-asang sa muli kong pagmulat ay nandoon na ako muli sa aking kwarto ngunit hindi ko inaasahan ang nangyari.

"Miss ilag!" napamulat ako at naramdaman ko na lang na tumama sa akin ang isang liwanag. Natumba ako at ramdam ko ang pananakit ng aking katawan.

Agad binalot ng kaba ang aking sistema nang mapagtanto ko ang nangyari. Bakit nakararamdam ako ng sakit? Panaginip lang ito hindi ba? Bakit masakit? Nahihilo ako! Nanlalabo na ang paningin ko at hinayaan ko na lang iyon dahil umaasa ako na katulad ng mga nakaraang gabi ay magigising rin ako sa bangungot na iyon.





All rights reserved 2023
©IamForYouOnly 

World of LegerdemerisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon