WARNING: Huwag mo nang ituloy ang pagbabasa dahil mabibitin ka lang. May ilang parts akong tinanggal dahil sa hindi ko na siya pwedeng ipost ng buo. Published book na po kasi ang story na ito at mayayari ako sa publisher ko. Haha! Maraming salamat sa makakaintindi. :)
PROLOGUE
"LIGHTS on!"
Nakakasilaw ang puting liwanag na tumama sa mata ni Jason na nasa loob ng malaking hawla. Ang hawla ay nasa gitna ng malaking at engrandeng bulwagan. Mamahalin ang mga nakasabit na chandelier at maging ang naglalakihang vase ay ganoon din. Ang dingding at sahig ng bulwagan ay yari sa mamahaling marmol.
May takot sa mukha na inilibot ng lalaki ang mata niya sa paligid. Tanging ang kulay puting brief ang suot niya kaya bahagyang nanunuot sa kanyang balat ang lamig na ibinubuga ng aircon. May kadena siya sa magkabilang kamay at ganoon din sa kanyang leeg. Maraming tao sa kanyang harapan. Lahat ay may hawak na kopitang may laman na alak. Ang mga babae ay nakasuot ng mamahaling gown at ang mga lalaki naman ay naka-tuxedo o hindi naman kaya ay coat. Halata na mayayamang tao ang mga iyon. Ngunit hindi naman makita ng lalaki ang mukha ng mga taong iyon dahil lahat ay nakasuot ng magagandang maskara na ang tanging kita ay ang mga ilong at bibig. Tila may nagaganap na masquerade party.
Ang labis na ipinagtataka niya ay bakit siya narito sa lugar na ito? Paano siya napunta dito at ano ang gagawin niya dito?
Ang huli niyang natatandaan ay nasa isang bar siya kagabi. Umiinom at nagpapakasaya kasama ang kanyang mga kaibigan. Matapos iyon ay nagpunta sila sa isang casino. Nagsugal siya habang pinapanood lang siya ng kanyang mga kaibigan. Ang alam niya ay natalo siya at nagkautang pa ng halos kalahating milyon sa hindi niya kilalang lalaki. Nasa mid-40's siguro ang naturang lalaki. Nangako siya na magbabayad dito kahit kinukulit siya ng lalaki na magbayad. Sa sobrang kulit nito ay nasuntok niya ito. Bumalik ulit sila sa bar at nagpakalasing nang husto. At iyon na ang huli niyang natatandaan.
"Hoy!" sigaw niya sa mga taong nasa harapan niya upang maagaw niya ang pansin ng mga iyon. Busy kasi ang lahat sa pakikipag-usap sa isa't isa. Lahat ay may ngiti sa labi maliban sa kanya na hindi alam ang nangyayari.
"Hoooy!!!" sa pangalawang pagkakataon ay sigaw niya. Mas malakas ngunit wala pa ring pumansin sa kanya.
Napapitlag pa siya nang marinig niya ang tunog ng feedback ng mikropono. Nakita niya ang isang lalaking matangkad na paakyat sa entablado kung saan naroon siya. Pumwesto ito sa unahan, sa may gilid. Naka-tuxedo ito at tulad ng iba ay nakasuot din ng maskara. Ngunit iba ang maskara na suot nito-isang kulay itim na rabbit. Kita ang bibig at ilong nito sa naturang maskara at tanging mga mata lamang ang natatakpan.
"Good evening, ladies and gentlemen. May I have your attention please..." anito sa mikropono habang nakangiti. Lahat ng tao na nasa bulwagan ay tumigil sa pagkukwentuhan at humarap sa stage.
"Hoy! Nasa'n ba ako at sino kayo?" tanong niya ngunit hindi pa rin siya nito pinansin, bagkus ay nagpatuloy lang sa pagsasalita ang lalaking nakasuot ng maskarang rabbit.
"'Andito na naman tayo sa isang gabi na puno ng excitement at thrill. Tonight, I know na lahat kayo ay matutuwa dahil 'all-in' ang aming item ngayon!"
Mahinang nagpalakpakan ang lahat.
Kanina pa siya naaasar. Bakit kanina pa walang pumapansin sa kanya? Sigaw siya nang sigaw at salita nang salita ngunit tila bingi ang lahat.
Muling nagsalita ang lalaki. "And by the way, hayaan niyo muna akong ipakilala ang aking sarili sa mga tao na bago lang sa Human Auction. I am Mr. Black-your host, your auctioneer. At ipapakilala ko na rin sa inyo ang ating item," may kinuha itong white envelope sa bulsa nito. Binuksan at may kinuhang papel sa loob. Iniladlad iyon at binasa. "Well, heto ang basic information sa item natin tonight. Ang item natin ay si Mr. Jason Fajardo, twenty-five years old from Quezon City. Walang trabaho. Drink and smoke occasionally at wala naman siyang any kind of disease. Ibinenta siya sa akin ni Mr. Henry Tamayo sa halagang one million pesos, so, aasahan ko na mahihigitan niyo ang perang ibinayad ko kay Mr. Tamayo!"
May pinindot ang lalaki sa tabi nito at mula sa projector sa gilid nito ay lumabas ang picture ng isang lalaki. "Siya si Mr. Tamayo. Bidder din siya dito but wala siya dito ngayong gabi. Nagpapakasawa siguro siya sa perang nakuha niya sa akin..." anito.
Labis na nagulat si Jason sa lalaking nasa projector. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking si Mr. Tamayo ay ang nakatalo sa kanya sa casino at pinagkakautangan niya ng halos kalahating milyon! So, ibig sabihin ay ibinenta siya nito bilang kabayaran sa utang niya dito? Pero, ano ito? Tao na bumibili ng tao? At may narinig siyang salitang 'bidder'. Ibig sabihin ay isa itong auction at siya ang item na tinutukoy ni Mr. Black!
Natigilan si Jason sa naisip. H-hindi...
Pinatay na ni Mr. Black ang projector at nakangiting nagsalita. "So, lets start now. I repeat, 'all-in' ang ating item tonight. Ibig sabihin, buong katawan niya ang item. Ilang araw niyo rin na kakainin 'yan! How much is our first bid?"
Isang babae ang nagtaas ng kamay at sumagot. "Two million pesos!"
"Wow! Going once... twi-"
"Two million five hundred thousand!" sigaw naman ng isa pang babae.
"Five million!" ani ng isa pa.
Biglang natakot si Jason sa nangyayari. Hindi tama. Alam niyang may masamang mangyayari sa kanya!
"Teka! Ano ito? Pakawalan niyo ako dito!" sigaw niya ngunit patuloy lang sa pataasan ng presyo ang mga tao na naroon.
"Ten million pesos!" sigaw ng lalaki na medyo mataba.
"Ten million pesos! Big amount!" sinundan pa iyon ng halakhak ni Mr. Black. Pakiramdam niya ay nanunuot sa tenga niya ang bawat tawa nito.
"Ano baaa?! Tama na!!! Pakawalan niyo na ako ditooo!!!" parang masisiraan na ng ulo na sigaw ni Jason. Pinagpapawisan na siya. Litong-lito kung ano ang gagawin.
"Eleven million pesos!"
"Eleven million one hundred!"
"Twelve million six hundred!"
"'Tang'na niyo! Pakawalan niyo ako!!!" sigaw niya habang pinagkikiskisan ang kadena sa kanyang kamay sa rehas ng hawla.
Ngunit wala pa ring pumapansin sa kanya.
"Fifteen million pesos!" ani ng isang ginang.
Namayani ang katahimikan sa mga tao sa harapan habang si Jason naman ay napagod na sa kakasigaw. Ang kabog ng kanyang dibdib ang tanging bumibingi sa kanya ng sandaling iyon.
"Going once..." sabi ni Mr. Black. "Going twice..." unti-unti itong tumingin sa kanya. Kahit nakasuot ito ng maskara ay nakikita niya sa mga mata nito ang saya. Nakakatakot din ang ngisi sa labi nito.
"SOLD!" anito at biglang namatay ang ilaw.
-----***-----
AUTHOR'S NOTE: Hello, guys. Heto na po ang bago kong horror story. Medyo susubukan ko naman na pabaligtarin ang inyong sikmura ngayon. Sana magawa ko kasi ito naman ang goal ko sa kwentong ito. HAHA! Info lang po, ang SICK po ay naglalaman ng tatlong stories (Auction, Fly at Flesh). Sa ngayon, Auction ang uunahin ko. Bawat story po ay may 10-chapters lang. Sana naman po ay mag-comment kayo kasi medyo kailangan ko po iyon. Para malaman ko kung mga reaksiyon niyo...
Oo nga po pala, promote ko na rin iyong MEET AND GREET/ MINI BOOKSINGING ko this March 28, 2015, 2PM sa SM CALAMBA (2nd floor @Precious Pages store). So, sa mga taga-Laguna at sa willing pumunta, kita-kits po tayo sa 28. Salamat po!
BINABASA MO ANG
SICK
Ужасы(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kap...