CHAPTER SIX
NANG araw na iyon ay pinagbihis siya ni Russel. Ayon dito ay may pupuntahan silang importante. Hindi naman nito sinabi kung saan sila pupunta kaya may pagtataka na sumunod na lamang si Vanessa. Isang simpleng dress ang kanyang isinuot matapos niyang maligo. Sinuklayan niya ang kanyang buhok at itinali iyon. Paglabas niya ng kwarto ay nasa salas si Russel at nakaupo sa sofa. Hinihintay siya.
Napangiti ito nang makita siya. Pinuri siya ni Russel dahil sa kanyang kasimplehan. Naglakad siya palapit sa nobyo at tumayo ito mula sa pagkakaupo. Ginawaran siya nito ng halik sa labi.
"Russel, paano kung mahanap tayo ng pamilya mo? Sigurado ako na ilalayo ka nila sa akin," natatakot na turan ni Vanessa.
Hinaplos ni Russel ang kanyang pisngi. "Ano ka ba, 'wag kang matakot, okey? Hindi iisipin ng pamilya ko na dito ako pupunta. Hindi nga yata nila alam ang lugar na ito, eh. Basta, mag-enjoy lang tayo at 'wag na natin silang isipin. Ang importante, tayong dalawa... magkasama na tayo."
Nasiyahan si Vanessa sa sagot ni Russel kaya naman medyo napawi ang kanyang pangamba. Kinuha pa nito ang kanyang kamay at hinagkan iyon. "Hindi pa rin magaling ang sugat mo sa daliri?" tanong nito. Nakita kasi nito na may benda pa rin iyon.
Mabilis niyang binawi ang kamay at inilagay iyon sa likuran. "Ah, eh... P-pagaling na siya. Ayoko lang na na-e-expose kaya may benda pa rin. B-baka ma-impeksiyon kasi..." Hiling niya ay hindi napansin ni Russel ang pag-aalinlangan niya sa kanyang pagsasalita.
Nagsinungaling siya dito nang sabihin niyang pagaling na ang sugat niya sa dalawang daliri. Ang totoo niyan ay hindi pa iyon magaling at mas lalo pang lumalala. Hindi niya kasi maintindihan ang kanyang sarili, gustung-gusto niyang sinasaktan ang sarili. Lalo na kapag naiisip niya ang mga gore movies na napapanood niya, mas umiigting ang kagustuhan niya na sugatan ang sarili o kaya ay kutkutin ang kanyang sugat. Noong isang araw ay ni-nail cutter niya ang paligid ng sugat niya sa daliri kaya lalong lumaki iyon. Hiniwaan din niya ng blade ang kabilang kili-kili niya. Pinaso pa niya iyon ng lighter para malaman niya ang pakiramdam ng napapaso. Masakit. Pero gusto niya ang pakiramdam.
Alam niya na hindi normal ang ginagawa niya sa kanyang sarili pero wala siyang magawa, hindi niya kayang pigilan ang kanyang sarili kapag gusto niyang saktan ang kanyang sarili. Parang may nag-uutos sa kanya na gawin ang bagay na iyon. Kahit masakit, gustung-gusto pa rin niya.
Pagkalabas nila ng bahay ay pinara na agad ni Russel ang naunang dumaan na tricycle. May sinabi itong pangalan ng isang shop pero hindi naman niya alam kung anong shop iyon.
Dahil sa kuryusidad ay tinanong niya ulit si Russel. "Sa'n ba talaga tayo pupunta?" bahagyang malakas ang pagtatanong ni Vanessa dahil maingay ang makina ng tricycle.
Tumingin ito sa kanya at ngumiti. "Basta. Malalaman mo din..." Hinawakan pa nito ang kamay niya na nakapatong sa kanyang hita.
Hinayaan na lang niya si Russel. Nakakaramdam tuloy siya na baka may sorpresa ito sa kanya kaya mas makakabuti kung huwag na niya itong usisain pa sa kung saan sila pupunta.
Hanggang sa huminto ang tricycle sa harapan ng isang dress shop. Napanganga si Vanessa nang alalayan siya ni Russel sa pagbaba dahil wala talaga siyang ideya kung ano ang gagawin nila doon. Ibibili ba siya ng damit ng nobyo? Pero sa nakikita niyang mga damit na naka-display sa labas ng shop ay mga damit iyon na isinusuot kapag may party-mga gown. Pagkapasok nila sa loob ay isang babae na may maaliwalas na mukha ang sumalubong sa kanila.
Nakangiti itong nagsalita. "Good morining, Russel! Siya ba 'yong mapapangasawa mo?" anito.
Tumango si Russel. "Yes, Miss Cathy, siya si Vanessa," sagot naman ng nobyo niya at ipinakilala siya nito sa naturang babae. "Vanessa, siya si Miss Cathy Jean Inocillos. Siya ang may-ari nitong Inocillos' Dress Shop at siya ang gagawa at tatahi ng wedding gown mo..."
"W-wedding gown?" Hindi makapaniwalang sambit ni Vanessa.
"Oh, bakit parang nagulat ka? Ayaw mo ba? Pinaplano ko na kasi ang lahat. Dalawang buwan na lang siguro at ikakasal na tayo-"
Hindi na niya pinatapos pa ang sasabin ni Russel at agad niya itong niyakap sa labis na tuwa. "Russel!" At lumuha siya sa balikat nito.
Masayang-masaya siya sa sorpresang ito ni Russel. Hindi niya kasi inaasahan na papakasalan pa siya nito. Ang buong akala niya kasi ay ganoon na lang sila-magsasama na lang sa iisang bahay at magtatago habangbuhay.
Ilang sandali pa nga lang ay sinukatan na siya ni Miss Cathy para sa ganyang wedding gown. Aliw na aliw ang babae sa sexy niyang katawan. Hindi daw ito mahihirapan sa paggawa ng kanyang trahe de boda. Nagpakita rin ito ng ilang designs at pinapili siya. Isang simpleng wedding gown ang nais niya. Habang sinusukatan siya ni Miss Cathy sa opisina nito ay matiyaga namang naghihintay sa labas si Russel. Naroon ito sa waiting area ng shop.
"Ah, Vanessa, dito ka lang muna, ha. Kukunin ko lang iyong ibang designs ng wedding gown baka may magustuhan ka pa doon," ani Miss Cathy.
"Sige po. Walang problema..." Pagkasabi niya no'n ay lumabas na ito.
Nang mapag-isa ay iginala niya ang kanyang mata sa buong office. Maaliwalas iyon at maraming nakasabit sa dingding na paintings ng mga babae. Hanggang sa mapadako ang tingin niya sa table ni Miss Cathy at hindi niya mawari pero nakuha ng atensiyon niya ang limang piraso ng karayom na nasa ibabaw niyon. Sa tantiya niya ay tatlong pulgada ang haba ng mga karayom.
Nagpalinga-linga muna si Vanessa at mabilis niyang kinuha ang mga karayom at isinilid sa bulsa ng kanyang suot na dress.
-----***------
MANGHANG-mangha na tiningnan ni Vanessa ang limang mahahabang karayom na nasa kanyang palad. Nasa banyo siya at nakaupo sa bowl. Isinara niya ang takip para makaupo siya ng ayos doon. Gabi na, tulog na si Russel at ito na ang kanyang pagkakataon para gawin ang kanyang kakaibang hilig. Habang nakatingin siya sa mga karayom ay iba't ibang eksena mula sa mga napapanood niyang gore movies ang pumapasok sa kanyang utak. Parang pinaglalaruan na naman ang isip niya ng mga iyon.
Napalunok si Vanessa dahil may naiisip na siya na gagawin niya sa mga karayom. Inilapag niya ang apat sa gilid ng lababo na nasa kanyang kaliwa habang ang isa ay kanyang hawak. Itinaas niya ang kanyang kaliwang kamay katapat ng kanyang mukha. Mas humigpit ang hawak niya sa karayom na nasa kanyang kanang kamay.
Marahan niyang inilapit ang matulis na parte ng karayom sa hinlalaki sa kanyang kaliwang kamay. Itinapat niya iyon sa dulo ng kanyang kuko doon. Walang pagdadalawang-isip na itinusok ni Vanessa ang karayom sa ilalim ng kanyang kuko sa hinlalaki. Napangiwi pa siya sa sakit nang bumaon na iyon. Ngunit hindi siya nagpapigil kahit sobrang sakit. Dahan-dahan pa rin niyang ibinaon ang karayom sa ilalim ng kanyang kuko hanggang sa halos kalahating pulgada na ng karayom ang nakabaon at may namumuong dugo sa loob ng kanyang kuko.
Humihingal siya matapos. May alanganing ngiti sa kanyang mukha.
Isang karayom pa ang kanyang kinuha at itinusok naman niya iyon sa ilalim ng kuko niya sa hintuturo. Isang karayom pa, sa hinlalato naman niya. Hindi na niya masyadong ramdam ang sakit sa pagtusok niya ng karayom. Sunod ay ang palasinsingan niya at ang panghuli ay sa hinliliit niya.
"A-ang ganda... Wow..." manghang sambit ni Vanessa pagkatapos. Sa paningin niya ay napakaganda ng ginawa niya sa kanyang sarili. May mga namumuo nang dugo sa loob ng lima niyang kuko. Ramdam niya ang hapdi at sakit ngunit sa hindi mawaring dahilan ay nasisiyahan siya.
Hindi pa siya nakuntento at hinampas pa niya ng bahagya ang dulo ng mga karayom sa dingding ng banyo para mas bumaon pa ang mga iyon. Mahina siyang napaigik dahil sa sakit.
Itinaas niya ang kanyang damit at kinalmot siya sa pamamagitan ng kuko na may karayom ang kanyang tiyan. Ngunit hindi nito nagawang sugatan ang kanyang tiyan dahil hindi naman ang matulis na parte ng karayom ang pinangkalmot niya. Ngunit hindi siya sumuko, kinalmot niya nang kinalmot ang kanyang tiyan hanggang sa lumikha na iyon ng gasgas at sugat.
Doon biglang bumukas ang pinto ng banyo. "Vanessa?!" Gulat na gulat si Vanessa nang makita niya sa Russel na papalapit sa kanya at may pagkabigla at pag-aalala sa mukha nito!
TO BE CONTINUED...
![](https://img.wattpad.com/cover/34855455-288-k18842.jpg)
BINABASA MO ANG
SICK
Horror(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kap...