CHAPTER TWO
WALANG patid ang luha ni Koring habang nakatingin sa bangkay ng kanyang anak na si Tomas. Maputla na ang mukha nito at nangingitim na ang labi. Hindi ito masyadong naayusan ng punerarya na umasikaso dito dahil sa kulang ang kanyang bayad sa serbisyo ng mga ito. Dahil sa wala siyang pera upang magkaroon ito ng disenteng kabaong ay nagpagawa na lang siya sa kakilala niyang karpentiro ng kabaong gamit ang tabla at plywood.
Siya lamang ang mag-isa sa kanilang bahay. Walang kahit na isa ang nangahas na makipaglamay sa burol ng kanyang nag-iisang anak. Sino ba naman ang pupunta doon kung ang tingin sa kanya ng mga kapitbahay niya ay isa siyang satanista? Hindi naman lingid sa kanya ang tsismisan. Pero, totoo naman ang sinasabi ng mga ito. Isa siyang satanista ngunit matagal na siyang tumigil sa gawain na iyon simula nang mamatay ang kanyang asawa. Tutol kasi ito sa pagsamba niya sa diablo at hindi pa talaga siya matatauhan kung hindi pa namatay ang kanyang kabiyak. Kuwarenta y singko siya nang iwanan siya nito, kinse anyos pa lang noon si Tomas. At makalipas ang sampung taon ay si Tomas naman ang namatay dahil sa sakit nitong kanser sa baga.
Simula nang lumala ang sakit ng kanyang anak ay tinanggap na rin niya na anumang oras ay mawawala na ito. Alam naman niya na may paraan upang muli itong mabuhay nang wala na ang sakit nito. Ang hindi lang niya matanggap ay 'yong wala siya sa tabi nito nang mamatay ito. Nangako pa naman siya dito na sa kahuli-hulihan nitong hininga ay hindi niya ito iiwanan. Hindi sana mangyayari iyon kung tinulungan lang siya ng babaeng inalipusta siya noong isang araw!
Nakiusap siya sa babaeng iyon, nanikluhod ngunit sadyang wala yata itong habag sa tulad niyang mahirap. Pinagtulakan siya nito at pinahiya!
Unti-unti ay bumakas ang galit sa mukha ni Koring. Naglakad siya patungo sa altar kung saan may maliliit na rebulto doon ng mga nakakatakot na imahe. May matabang lalaki na may mahabang sungay-ang rebulto ng diablo! Hinaplos niya iyon habang nanlilisik ang kanyang mga mata.
"Matagal na kitang tinalikuran, ngayon, magbabalik-loob akong muli sa'yo... Buhayin mo lang ang anak ko!" turan niya habang nanginginig ang kanyang buong katawan.
—-***—-
"FOR God sake, Vinz, paalisin mo ang babaeng 'yan..."
Kahit nasa salas si Chynna at nasa kusina sina Vince at ang mommy nito ay dinig pa rin niya ang pag-uusap ng dalawa. Sa naririnig niya sa mommy nito ay mukhang ayaw talaga nito sa kanya. Sa unang tingin pa lang niya kasi dito ay masyado itong makaluma at ang tingin nito sa babaeng may makapal na make-up, nakasuot ng revealing na damit na tulad niya ay imoral.
"But mommy, she's my girlfriend!" Narinig ni Chynna na protesta ni Vinz.
"I know that! At hindi magandang dito mo siya patuluyin. Hindi pa kayo kasal. At nasaan ang hiya ng babaeng iyan? Talagang siya pa ang may gustong dito siya mag-stay. Pauwiin mo na siya, Vinz!"
Hindi na nakatiis pa si Chynna. Itinirik niya ang kanyang mga mata at iniluwa sa sahig ang nginunguyang bubble gum. Pinuntahan niya sina Vinz.
"Aalis na lang ako, Vinz," mataray niyang turan.
![](https://img.wattpad.com/cover/34855455-288-k18842.jpg)
BINABASA MO ANG
SICK
Horror(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kap...