FLY: Chapter Three

25.8K 878 117
                                    

CHAPTER THREE




"TIMING na timing talaga ang tawag mo kasi wala dito sina mommy and daddy. As usual, nasa business trip na naman sila somewhere in Europe. I don't know the exact country. And I don't care. Gano'n din naman sila, they don't care for me!" sabi ni Margaux habang nakasunod siya dito papunta sa guest room na sinabi nitong tutulugan muna niya.


Tumigil si Chynna sa likuran ni Margaux habang binubuksan nito ang pinto ng kwarto. Sa totoo lang ay ayaw sana niya na humingi dito ng tulong dahil sa alam niyang pagmamalakihan na naman siya nito. Lihim siyang naiinis dito. Bukod kasi sa nilalandi nito ang boyfriend niya ay masyado pa itong pabida sa kanilang magkakaibigan, eh, kailan lang naman nila ito nakilala.


Kanina ay humingi siya ng tulong kina Mike at Peter. Tinanong niya ang dalawa pang kaibigan kung pwede ba siyang makituloy muna sa bahay ng mga ito kahit one week lang. Si Mike, hindi daw pwede dahil wala siyang tutulugan sa bahay nito. Kay Peter naman na isang bakla ay hindi rin pwede dahil ayaw ng mommy nito na ubod ng arte! Kaya naman napilitan siyang kay Margaux humingi ng tulong. Pumayag naman ito agad dahil isang buwan itong magiging mag-isa sa bahay nila.


Kung hindi lang pati credit cards niya ay kinumpiska ng daddy niya ay hindi niya gagawin ang humingi ng tulong sa iba. Kilala siya ng mga kaibigan bilang isang malakas at matapang na babae. Sa kanilang magkakaibigan, ang pamilya niya ang pinakamayaman.


"So, here's your room... Medyo hindi pa nga lang nalilinisan kasi off kasi hanggang bukas si Yaya kaya kung hindi mo kaya ang dust, you can clean it for your self."


Hindi talaga alam ni Chynna pero naaartehan siya ng paraan ng pagsasalita ni Margaux. Itinirik niya ang kanyang mga mata sabay simangot. Ngunit agad siyang ngumiti nang pilit nang bigla itong humarap sa kanya.


"No, this is okey. Hindi naman maalikabok, eh." Naglakad siya papunta sa kama at ipinatong doon ang kanyang bag.


Lumapit sa kanya si Margaux. "Parang wala kang dalang damit, Chynna. You can borrow mine. Katukin mo lang ako sa room ko or siguro dadalhan na lang kita dito. And kapag nagutom ka, 'wag kang mahihiya na kumain, okey?"


"Yes, okey. It's better kung dadalhan mo na lang ako dito ngayon. I need to change."


"Yeah, sure." Lumabas na si Margaux ng silid na iyon.


"Bitch! Eh di, nautusan rin kita!" mahinang turan ni Chynna sabay higa sa kama.


Tumingin siya sa kisame at bigla niyang namiss ang bahay nila. Sana naman ay tawagan na siya ng kanyang daddy at pabalikin sa bahay nila. Masyadong mataas ang pride niya para siya ang tumawag dito at makiusap na pabalikin na siya sa kanila.


—-***—-


MAY saya sa puso na muling lumuhod si Koring sa apoy sa kanyang harapan na may limang talampakan ang taas. Naglalagablab iyon at sumasayaw sa ihip ng hangin. Halos malapit na iyong magkulay pula. Sigurado si Koring na iyon na ang Diablo. Dininig nito ang kanyang pagtawag dito!

SICKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon