CHAPTER SIX
"HELLO? Deborah?" tanong ni Gerald sa unregisterd number na tumawag sa kanyang cellphone. International number ang nakalagay at isa lang naman ang maaaring tumawag sa kanya mula sa ibang bansa-ang asawa niyang si Deborah na nasa Canada. Pumunta ito doon para sa bakasyon. Halos isang buwan na rin ito doon.
"Yes, it's me, Gerald!" Halatang galit ang boses nito. "Ano itong nakarating sa akin na pinalayas mo daw si Chynna? How could you!"
Napailing siya. "Yes, totoo. Who told you?"
"Si Andrea!" Kilala ni Gerald ang sinasabi nito. Nanay ito ng boyfriend ni Chynna na si Vinz. "You are insane para palayasin ang sarili mong anak, Gerald. Are you really a father?!"
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo 'yan, Deborah?" mahinahong tanong niya. "Naging ina ka lang kay Chynna nang ipanganak mo siya. After that, wala ka nang ginawa kundi ang magpunta kung saan-saan. Kailan mo ba siya pinangaralan, ha? And now, you sound like a concerned mother to her."
"Because I am! Uuwi ako at ang gusto ko pag-uwi ko, 'andiyan na si Chynna!"
Magsasalita pa sana si Deborah pero naputol na ang linya. Naiiling na ibinalik na lang niya sa bulsa ang kanyang cellphone. Hindi niya susundin ang asawa. Hahayaan niyang matuto si Chynna. Sigurado naman siya na oras na matutuhan na nito ang leksiyon nito ay ito na ang kusang babalik.
---***---
SA isang hotel sa tagong parte ng Manila siya dinala ni Mike. Hanggang fifth floor ang naturang hotel at sa ikalimang palapag naroon ang hotel room niya. Ayos naman ang kwarto. Malaki para sa kanya. May isang malaking kama, maliit na dining area na para sa dalawang tao at living room, banyo at air-conditioned pa. Pwede na niyang pagtiisan para sa dalawang linggo niya dito.
Umupo siya sa mini-sofa at tumabi sa kanya si Mike. "Thank you so much, Mike!" pasasalamat ni Chynna sa kaibigan.
"You're welcome, Chynna. Sorry kung hindi ka talaga pwede sa bahay. Sinabi ko na naman ang dahilan. Don't worry, bibigyan din kita ng pera para naman may pang-gastos ka kahit papaano."
"Sobra-sobra na iyan, Mike. Hayaan mo, kapag pinabalik na ako ni daddy, babayaran din kita. I promise!"
Umisod palapit sa kanya si Mike hanggang sa magkadikit na ang kanilang braso at hita. Gusto sanang lumayo ni Chynna pero wala na siyang iipuran dahil siksik na siya sa gilid ng sofa.
Ngumisi si Mike. "Sinabi ko naman sa'yo sa call na may kapalit ito, 'di ba?" sabay himas nito sa kanyang braso.
Hindi inosente si Chynna para hindi malaman kung ano ang sinasabing "kapalit" nito. "M-mike, alam ko kung ano ang tumatakbo sa isip mo. Please, ayoko-"
"Anong ayoko?!" biglang naging mabalasik ang mukha ni Mike. Mahigpit siya nitong hinawakan sa magkabila niyang balikat at nakaramdam siya ng takot sa mahigpit nitong pagkakahawak doon. "Tinulungan kita at ang kapalit no'n ay you'll be my sex slave!"
![](https://img.wattpad.com/cover/34855455-288-k18842.jpg)
BINABASA MO ANG
SICK
Ужасы(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong puso, utak, mata at atay? Benta mo na! Story 2: FLY Isang pagkakamali. Isang insekto. Anim na buhay kap...