Mula sa batang nakatayo sa isang katamtamang lawak na kalsada. Natatanaw ko ang malinis at makinis na daan kung saan napapalibutan ng naglalakihan at naglalaguan na mga punong may masaganang berdeng dahon. Masagana at malamig sa pakiramdam ang saliw ng hanging amihan na anumang minuto’y nanunuot na sa buong katawan.
Napahawak at napapikit pa ako sa aking kalamnan nang madama ang lamig at preskong galing sa kalikasan ngunit kasabay noon, agad akong napahiyaw, hindi dahil sa muntik akong masagasaan kundi dahil sa kalabit nang aking katabi. “Grabe ka naman makasigaw, may balak ka bang maglabas ng sama ng loob? Tumataginting ang iyong tili, animo’y may nanakit sa ’yong mapangahas.”
“Ako’y huwag mong intindihin, nais kong damhin ang ganda ng kalikasan. Bagamat, narito ka kasama ko, alam kong hindi mo napapansin itong gandang kalikasan. Kaya naman nais kong alayan ka ng munting kuwento, bakasakaling makita mo ang gandang nasisilayan ng aking balintataw.”
Napakaganda ng lugar na ito, mula rito sa itaas natatanaw natin ang malawak na kalangitan na sadyang kay gandang pagmasdan sa kulay dagat nitong anyo, maging ang nakakagaan na puting kulay na humahalo sa kalangitang ating natatanaw, maging ang ibon na sadyang animo’y sumasaliw at nag-aawitan habang pumapagaspas ang muntik papak. ’Di ba, sadyang napakaganda? Ramdam mo ba ang natural na ganda, o tulad nila, mukha nakalimutan mo na ang tunay na kahulugan ng pag-asa?
Natatandaan mo pa ba, palagi tayong tumatakbo at naglalaro sa dakong ito. Madalas sinusulatan natin ang kalsada gamit ang chalk. Kumukuha pa tayo ng mga ito sa eskwelahan at namumulot ng katamtamang laki ng bato upang gawin pamato. Naalala mo rin ba, palagi tayong may dalang goma sa kamay at inilalagay sa gitna tapos gamit ang isang goma hinahagis natin upang maipatong doon at kung anong matamaan magiging sa atin na.
Natatandaan mo ba ang mga larong ating madalas na nilalaro noon, o tulad nila internet at gadget na ang mahalaga? Natatandaan mo pa ba ang panahon na palagi tayong tumatakbo sa maliit na tindahan? Gamit ang sentimong hawak, bibili tayo ng tao-tauhan o ang paperdoll, may teks, pogs at goma pa. Madalas tayong tao ng kalsada, kung saan nilalaro ang mga iyon, maging sa ating paglalaro hindi nawawala ang Patentero, Piko, Chinese Garter, Dr. Kwak-kwak, Tumbang Preso, Step by Step, Agawan base, Bahay-bahayan, tagu-taguan, Langit-Lupa, Sili-sili Maanghang at marami pang iba.
Naaalala mo pa ba noon ang kantang, Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagkabilang kong sampu nakatago na kayo, isa, dalawa, tatlo at ang Nanay, tatay, gusto kong tinapay, Ate, Kuya, gusto kong kape, at maging ang Gloria, gloria labandera at marami pang iba. Tanda mo pa noon, palagi tayong nakikipaghalubilo sa kapwa natin bata sa pamamagitan ng personal interaction at face to face getting to know each other, samantalang ngayon, sa social media like Facebook, Twitter, Instagram at kung saan-saan na lang.
Nasaan na ang fun, enjoyment, friendship face to face, walking down the street while talking, laughing, etc? Ngayon madalas, wala ka ng makikitang ganoon ang excitement sa mga mata. Madalas dedmahan na lang, kawalang pakialam sa paligid at hindi na marunong rumespeto sa nakakatanda. Noon, madalas umaga pa lang kapag may nakita kang nagwawalis sa labas, babatiin mo ng maganda umaga, o ang aga natin, ah, ngayon kapag makita ka, dadaanan ka na lang na para kang hindi nag-i-exist sa madla.
Noon, umaga pa lang may nagtitinda na ng pandesal sa labas, may pa-champorado, pansit, lugaw na may itlog, spagetti, pansit-palabok at maiinit-init na siopao sa labasan, e ngayon, lutong-ulam, kanin ang nag-i-exist, may gulay pang kasama. Noon, hindi ka natatakot lumabas, maglakwatsa kahit umaga, hapon at tanghaling-tapat dahil bibihira ang gulo, nakawan, panggagahasa, at kung anong krimen. Samantalang ngayon, wala ka ng makita sa kalsada, kundi mga sasakyan at pailan-ilang nasa labas. Depende na lang sa mga liblib na lugar na kahit papaano nauuso pa rin ang pag-uumpukan ng magkakapitbahay.
Tanda mo pa noon uso ang kawanggawa, bigayan ng ulam, masayang usapan, kuwentuhang puno ng halakhakan e ngayon, kuwentuhang tsismisan sa kapwa kapitbahay. Nasaan na ang mabuting ugnayan ng bawat indibidwal, animo’y nalagyan ng langis ang bonbunan at nawala sa katinuan. Nasaan na ang pagkakaisa, pagmamahalan at katahimikan, bakit mukhang napuno ng kaguluhan at kawalang pagkakaunawaan? Nasaan na ang dating mamamayan bakit mukhang naparam?
Natatandaan mo pa ba noon sa paaralan, uso ang palibreng sopas, lugaw, at iyong pangmeryenda na gawa sa monggo na ibinibigay sa elementary students? Iyong may kaniya-kaniyang schedule kung sinong kukuha ng bawat tray sa canteen upang kumuha ng pagkain at dadalhin sa classroom? Iyong kung saan puwedeng kumuha ang mga walang baon dahil libre naman at kapag tapos na ang resis, kukunin mo ulit at dadalhin sa paghugasan at ibabalik sa canteen.
Iyong uutusan ka pang kumuha ng katamtamang tray na may lamang pangbenta ng guro gaya ng dilis na pula at iyong beans na puti na matamis, iyong hinahalo sa halo-halo ng chowking. Iyong uso pa noon Rebisco, Zesto, Creamstick, Stick-o at kung ano-ano pa. May cleaning schedule pa noon bawat row, kung saan may gamit pang medyas na malaki para sa sapatos para makintab ang sahig. Higit sa lahat may mga babasahing storybook tulad ng, Ang pagong at ang Matsing, Mga prinsesa na Fairytale, uso pa noon ang pinapasagot na math na nakalagay sa square na puti, ibabakat mo roon tapos sasagutan na, either, Addition, Multiplication, Division and etc.
Nasaan na ang mga iyon? Nasaan na ang magandang klaseng aralin noon? Nasaan na ang bonding noon? Nasaan na ang nakakatulong na pakulo upang mas mag-aral ng mabuti ang mga estudyante? Nasaan na ang may pa-Colouring Book, ang pagsha-share ng book kapag natapos ng basahin ng isa, dahil kapag uwian na ibabalik na sa bookshelves tapos magsimula sa harap nakapila ang mga estudyante upang lumabas ng classroom hanggang sa gate dahil hihintayin mo ang kukuha sa ’yo pauwi bago ka palabasin ng guard? Nasaan na ang magandang Tema ng Edukasyon, bakit parang wala ng natutunan ang mga estudyante sa kasalukuyan?
Iyong parents, ate, kuya na ang gumagawa o kung sinong puwedeng gumawa at bayaran na lang. Nasaan na ang may kalidad na pagkatuto sa tunay na kahulugan ng pag-aaral at kaalaman? Nasaan na rin ang magagandang values na madalas itinuturo sa paaralan noon, bakit parang wala ng kuwenta ngayon; ginagawa na lang nilang katatawa-tawa ang Values Education. Nasaan na ang mabubuting asal na dapat ginagawa ng mga kabataan ngayon? Nasaan na ang mahirap ngunit may magandang kalalabasan na pagkatuto na makakatulong sa hinaharap?
Ano pang matutunan ng mga batang henerasyon kung palaging Internet, Social media, K-drama, Tiktok, Bigo, Twitter, Instagram, Mobile Legends at kung ano-ano pang pinagkakaabalahan ng mga kabataan ngayon ang matutunan nila? Kung tutuusin ano bang mapapala nila riyan? Ano bang mapapala nila, matutong magmura, manglait, mag-Lovelife, magsasayaw, buhay ng artista, maglabas ng laman-loob? May matutunan ba sila sa respeto, o mas lalala lang ang kaadikan ng mga kabataan sa karahasan, exposure sa matured content kung saan doon na sila nakapokus, nakalimutan na nilang magpokus sa pag-aaral at pagkatuto para sa future outcome sa hinaharap.
Hindi ako against sa happiness ng bawat indibidwal pero kung kawalang respeto, prinsipyo, dignidad at disiplina sa mga bagay na pinagtutuunang pansin, may magbabago pa ba sa susunod na henerasyon o sadyang magiging maalam lang ang mga tao sa lahat ng aspeto at makakalimutan na nila, ang ugali, mabuting asal, at Diyos pa rin ang mas mainam sa mundo?
Hindi ko alam pero napakalayo na ng mundo sa mundo noon. Napakagulo at maraming pagbabago ang sumisira sa magandang kinabukasan sana ng mga susunod na henerasyon, kung hindi maagapan at matuturuan ang mga kabataan ng tunay na halaga ng mundo sa kasalukuyan, tuluyan ng magiging magulo ang mundong kinabibilangan natin sa kasalukuyan. Kawalang respeto, kawalang disiplina sa pangarap, sa pag-ibig, sa desisyon, sa trabaho at marami pang iba.
Mauuwi lang ang lahat sa isang masaklap na katotohanang kasabay ng paglago ng kaalaman, buhay, hightech na mga bagay ay ang kawalang pagpapahalaga sa Diyos, Kultura, Nakaugalain, Ugali, Aralin, Pagkatuto sa lahat ng mas mahalaga at sa kung paano ba ang tamang pagkatuto sa kahalagahan ng tunay na buhay sa mundong dapat lakarang ng makabagong henerasyon.
Wala na ang masayang t’yansa upang maging maayos ang lahat kundi napalitan ng pagbabago na babago sa maayos pa sanang buhay sa mundo. This is the chances that become a changes that no one knows what impact may appear in the next generation. The saddest part of changes that there’s no room for chances if no one wants to deal with it anymore.
BINABASA MO ANG
Writing Challenge Entries (Definition Of Creation)
RandomPinagtagpong letra para makabuo ng madamdaming salita. Nagmula sa may akdang may linlang ng kataga. Nakabuo ng madalamhating tinig ng musika, naarok dahil sa puso't damdaming itinugma. Mula sa obra maestrang nilinlang, siyang nagbibigay kahulugan sa...