"Mama?" salitang dumudurog sa aking puso. Paulit-ulit kong naririnig ang tinig ng aking anak. Anak na aking minahal, inaruga at ipinaglaban. Ginawa kong lahat para sa kaniya at para sa kanila ngunit bakit parang ang sama kong ina.
Year 2002, "Mama, love you," nakangiting sabi ng anak ko. Paano ba naman, tuwang-tuwa siyang hawak ang certification niya. Kung saan siya nakapagtapos ng Kindergarten niya.
"Oo, anak ang galing-galing mo. Proud si mama sa 'yo. Aral ka lang ng mabuti," nakangiting balik ko sa kaniya sabay kiss sa pisngi niya. Tumutungo-tungo naman siya na ngayon ay naglalaro ng teletavis na laruan.
Year 2005, "Mama, bakit ka umiiyak? Anong problema?" tanong niya habang nakatayong nakatitig sa akin.
"Wala, anak. Walang problema. Kumain ka na ro 'n."
"Bakit lagi po kayong umiiyak? Nakikita ko kayong umiiyak gabi-gabi pati ba naman ngayong Umaga?"
"Wala anak. 'Wag mo akong intindihin. Kumain ka na ro 'n."
"Mama, alis ka na lang kaya, lagi ka naman nilang inaaway. Ayaw kong nakikita kang umiiyak. Alis ka na lang, Mama," dire-diretsong anito.
Wala akong masabi kundi lumuha at maawa sa kalagayan ko. Ramdam ko ang pamamanhid ng mga paa at kalamnan ko. She used to be my little daughter but now mag-grade 4 na siya. At sa mura niyang edad ay napaka-mature na.
Hindi ako nag-aral ng elementarya, sekondarya o hanggang kolehiyo. Simple lang ako ngunit kahit papaano nakakapagsalita ng mababaw na English kahit grade 3 lang ang inabot ng pinag-aralan ko. Sa edad na dose ay namasukan na akong katulong. Dinaya lang ang edad ko para makapagtrabaho. Palibhasa ay malaking bulas ako.
Year 1991, nang ipanganak ko ang panganay kong anak hanggang noong 1992 ang pangalawa. Pareho silang lumaki sa lola at lolo dahil kapapanganak ko pa lang ay kinuha na sila ng pamilya ng asawa ko.
Nakiusap sila sa aking aalagaan nila o dahil wala kasama o kalaro ang isa kaya kukunin ang isa. Ayaw ko. Ayaw kong mawalay sa mga anak ko ngunit dahil sa pagpayag ng asawa ko. Wala akong magawa kundi araw at gabi na lumuha at maghinagpis.
Araw, buwan, taon akong paulit-ulit na gumabay sa mga anak ko kahit malayo sila. Pumapasyal din ako sa probinsya at nagbibigay, nagpapadala ng mga grocery, laruan, mga damit para sa kanila. Ngunit masakit na wala at hindi man lang nalaman ng mga anak ko na galing sa akin ang mga iyon. Kundi galing sa kapatid ng asawa ko at hindi sa akin na ina.
Para akong nagtapon ng anak pagkalabas. Walang kwentang ina, at taong walang pinag-aralan. Palibhasa may masasabi ang pamilya at angkan ng asawa ko. Samantalang ako, dose pa lang wala ng mga magulang. Wala na sila sa mundong ibabaw.
Naiwan akong mag-isa na lumalaban simula ng maatake ang aking ama at ipasok ako sa trabaho ng aking sariling ina na hindi ko man lang napuntahan ng mamatay. Nasa Maynila ako at hindi pa uso ang telepono kundi telegrama pa lang ang sikat na komunikasyon.
Ganito siguro talaga ang buhay ng tao. Kaniya-kaniyang panahon at kwento kung saan iba't ibang emosyon ang pwede nating maramdaman at maranasan. It's part of our life.
Year 1995, nang dumating ang pangatlo na naging panganay sa natira ko pang anak. Pito ang anak ko, isa ang namatay. Masakit mamatayan ng anak dahil sa wala akong sapat na pera at dahil sa isang lasenggo ang asawa ko.
Wala ibang nakapagpapasaya kundi ang boteng puti na kung saan binabaliw ang tao. Madalas tuwing nakikita ko ang nakakalasing na inuming 'yon nagpa-flashback ang nakaraan. Isa rin ang aking ina sa lasengga at walang ibang ginawa kundi uminom at ipagpalit ang produkto at pagod ng tatay sa kung ano-anong sira na damit kapalit ang manok, delata, bigas sa mga barkada niya. Akala ko hindi ko na mararamdaman o mararanasan ang ganitong buhay. Ngunit mali ako.
Madalas pala kung anong karanasan ng tao ay mauulit lang upang gisingin tayo sa pagkakamali ng iba. Upang may baguhin tayo at matuto tayong makita ang pagkakamali sa pagkaunawa natin sa sitwasyon nila.
Year 2005, noong umalis ako upang mamasukan at makalayo sa mga kamag-anak ng asawa ko kung saan nakikitira kami at nawala ang personal space namin ng sarili kong pamilya kasama ng mga anak ko. Ganoon nga siguro ang buhay. Emosyonal, physicall, spiritual kang tatamaan ng pagsubok at problema sa buhay. Nakakapagod at nakakasawa pero kasama sa buhay.
Ilang taon akong hindi nakakauwi. Halos hindi ko na nakita kung paano sila lumaki at kung anong buhay mayroon sila habang wala ako. Bilang ina, masakit para sa akin na iwan at malayo sa aking mga anak. Siguro naging selfish ako para isipin o lumayo ako sa mga kamag-anak ng asawa ko kaalinsabay sa pagkawala ng muwang ko sa kung ano nang sinapit ng mga anak ko.
"Umuwi si Mama," dinig kong sabi ng anak ko sa kapatid niya habang tuwang-tuwa nakatitig dito. Bakas ang kasiyahan at pagkakaroon ng pag-asa sa mga mata ng mga ito. Parang nabunutan ng tinik at nagkaroon ng kakampi.
Hindi ko alam kung ano at paano ngunit napaluha na lang ako nang lapitan at yakapin sila. Ang papayat nila parang buto't-balat na hindi nakakakain. Samantalang nakatira sila sa pagkalaki-laking farm ng mga baboy at manok. Awa at pagninibugho ang nararamdaman ko pero wala akong magawa. Dapat ama nila ang lumalaban para sa kanila hindi ako na ina at ama pa nila.
Ganitong nga siguro ang buhay ng tao. Nakakalungkot at sobrang nakakasama ng loob ang mga pagsubok at problema na dumarating sa buhay ng mga tao. Ganito ba talaga ang buhay o sadyang kasama ito upang malaman nating buhay pa tayo. Sobrang nakakalungkot at nakakaubos ng lakas ang mga pangyayari na yumayanig sa bawat pagkatao natin na nabubuhay sa mundo.
Paulit-ulit at laging ganito ang routine ko habang palipat-lipat din ng tirahan ang mga anak ko sa mga kamag-anakan nila. NPA or No Permanent Address lang ang peg ng buhay nila ika nga ng mga makabagong ekspresyon na ginagawa ng mga bagong henerasyon.
Year 2012-2013, panahong yumanig ang mundo ko. Nasa unang bahagi ng kolehiyo ang aking anak. Pinagsikapan kong mapaaral siya upang magkaroon ng magandang kinabukasan. Ngunit sa kadahilanang hirap kami at walang pambayad ng kuryente at mapuputulan na, pinambayad niya ng kuryente ang pera na pang-tuition niya.
Tumataginting na 18,000 na utang ko sa amo ko bilang katulong ngunit sa isang iglap huminto siya at parang binalewala ang pagsisikap at paghihirap ko. Hindi ako makakain, walang lakas ang mga tuhod ko upang magtrabaho pero pinipilit ko dahil sa utang ko. Ang hirap maging ina pero mas mahirap maging ama pa ng mga anak ko.
Nag-aral ng kolehiyo ang asawa ko pero ang kahinaan ng loob ang pinagsikapan niyang gawin sa halip na maging breadwinner ng pamilya. Mas pinili niyang maging katulong ng tita niya kaysa magkaroon ng magandang kinabukasan sa hinaharap alang-alang sa mga anak namin.
Year 2016, muling sumubok ang anak ko upang mag-aral ulit. Pangarap niya raw ito at sa pagkakataong ito ay pagsisikapan niya raw makatapos kahit hirap at umiiyak siya. Muntik nga siyang hindi matanggap sa pampublikong kolehiyo dahil sa sinabing nag-awol daw siya at hindi nagpaalam ng huminto siya ng pag-aaral 2nd semester ng 1st year college, one week before to 2nd year college.
But this year, she gonna make it. Though gumawa siya ng promise letter na hindi na niya uulitin ang nangyari ay sa awa ng diyos ay pinagbigyan siya. Hindi siya gaya ng ibang mga mag-aral na nabuntis ng maaga kaya huminto. Kundi nagtrabaho at nag-alaga siya ng maysakit noong panahong iyon, kaalinsabay sa pagkakaroon din niya ng karamdaman sa Tuberculosis. Ngunit sa awa ng diyos, natapos din niya ang 6 months medication niya.
Year 2018, nang magkaroon ako ng kinakasama liban sa ama ng mga anak ko. Masakit, mahirap at iba't ibang emosyon ang nararamdaman ko pero wala akong magawa, para sa kanila ito at para sa sarili ko dahil hindi ko na kayang magtrabaho ng ako na lang. Mahina na ang mga tuhod ko at hirap na ako dahil lagi akong nagkakasakit.
Alam kong mali at mahirap pero sumugal ako alang-alang sa mga anak ko dahil akala ko makakaya kong buhatin sila lahat pero anong nangyari? Kapalit nito ang kalayaan ko at kamaliaang babago sa buhay naming lahat.
Mahal ko ang mga anak ko pero masakit ang mga nangyari sa akin sa pamilya ng asawa ko. Hindi ko makain kung paano at ano ang ginawa nila para sirain ang buhay ko. Alam kong wala akong dapat sisihin pero hindi ko maiwasang manisi at magalit sa kanila.
Pakiramdam ko sinira nila ang buhay ko at niloko lang nila ako sa maling marriage certificate at dahil sa sapilitan ang kasal namin ng asawa ko. Wala akong choice dahil wala rin akong uwian. May sarili na silang pamilya sa una at sa pangalawa. Nag-iisa rin ako babae.
BINABASA MO ANG
Writing Challenge Entries (Definition Of Creation)
RandomPinagtagpong letra para makabuo ng madamdaming salita. Nagmula sa may akdang may linlang ng kataga. Nakabuo ng madalamhating tinig ng musika, naarok dahil sa puso't damdaming itinugma. Mula sa obra maestrang nilinlang, siyang nagbibigay kahulugan sa...