IX: Fixity of Purpose (WATC2020/OctoberVerse)

54 13 3
                                    

     Sa malawak na lugar na kulay kahel ang mundo isang babae ang nakayukyok sa sirang spaceship na ayaw ng gumana. Sa sampu nilang pumunta tanging siya na lang ang nabuhay nang bumagsak ito rito at hindi na alam ngayon kung paano pa makakaalis sa lugar na iyon ngunit nagulat na lang siya nang may kumalabit sa kaniya dahilan upang mapahiyaw nang makita ang nakatayong naka-kulay silver na uniporme sa harapan.

     Nagpakilala itong si Styro at pinangakuan siyang hindi ito masamang tao at gusto lang siyang tulungan since ito ang trabaho nila bilang mga bantay sa outer space, kaya nang matapos ang mapanuring mga katanungan niya, na siyang sinagot nito ng maayos ay tumayo siya at sumama rito sakay ng kulay itim na katamtamang laki na spaceship. 

     Pagkapasok at pagkaupo agad siyang nakahinga ng maluwag alinsabay sa pagbibigay ni Styro ng pagkain. Nagpasalamat siya rito at sinimulang kainin ang mga pagkaing nakahanda, matapos iyon nakatulog siya nang mahimbing dahil na rin sa sobrang pagod at kalungkutang nararamdaman, bago kasi sila umalis sa planetang iyon inisa-isa niya ang mga importanteng gamit ng mga kasama sa tig-isang plastik upang magkaroon ng palatandaan sa mga nangyari, na siyang maibibigay sa mga kamag-anakan nito pagbalik sa Earth, pagkatapos noon sinunog nila ang mga naiwan upang kahit pa-paano gumaan ang pakiramdam niya sa pag-alis.

     Sa lalim ng mga iniisip ay tuluyang siyang nilamon ng dilim na siyang naalimpungatan nang marinig ang mga tinig na nag-uusap patungkol sa kaniya; nagtatalo ang mga ito kung sino at bakit siya naroon kaya naman, dahan-dahan siyang napadilat na siyang pagkagitla rin ng mga taong nasa harapan na pawang nakasuot ng silver na kasuotan. 

     Bumungad din sa kaniya ang madilim na lugar na pawang naglalakasang ilaw ang nagbibigay liwanag kung kaya nakikita niya ang marami pang kauri nito na pawang nakadungaw sa kani-kanilang tahanan, na nakukulayan ng puting tent na gawa rin sa spaceship. Nang mahimasmasan siya sobrang pagkagulat tinanong niya ang mga ito kung nasaan at bakit naroon siya ngunit nagulat na lang siya nang sabihin nilang dinala siya ni Styro sa lugar kung saan may kakayahan ang bawat isa sa kanilang magkaroon ng Fixity of purpose na ibig sabihin ay may quality of being permanent and not changing, sa makatuwid mga taong may matatag na pag-asa sa buhay at may matibay na pagtitiwala sa magagawang bagay kahit imposible. Mga taong determinadong gawin na nagkakaisa ang tamang adhikain sa buhay kahit pa anong makasagupang kahirapan.

    Dahil sa narinig, tuluyan siyang napatulala at napatanong ng bakit ngunit isang salita ang mas nagpagimbal sa kaniya; kapag nakabalik ka sa Earth, it's your choice kung paano mo babaguhin ang sangkatauhan.

    Mabilis lumipas ang isang Linggo at nakabalik na siya sa Earth kung saan nakikita niya ang mga bagay na hindi mauunawaan noon ngunit nang tuluyang maunawaan ang ibig pagkahulugan ng mga salitang iyon, doon niya nalaman na sa mundong ginagalawan puro mga kagahamanan, mapaggawa ng kasamaan at karahasan, takot sa katotohanan at mapanlamang sa kapwa ang bawat tao, mas pinipili nilang gumawa sa madaling paraan upang mabuhay at nililinlang ang sarili sa mga bagay na hindi naman nila totoong kakayahan.

     Kaya simula noon, ginamit niya ang kakayahan na magkaroon ng determinasyon sa sariling gumawa ng tama at naaayon sa pamamagitan ng paghihikayat sa mabuti kung saan kahit maraming taong ayawan siya dahil sa tamang ginagawa ngunit pinanindigan niya ang mga ito na siyang hanggang sa kasalukuyan ay may mga tao pa rin na handang gumawa ng sakripsiyo sa tama at maling ginagawa ng kapwa tao. May mga taong handa pa rin gumawa ng tama kahit pa sabihin ng iba na iba sila sa makabagong panahon na mayroon sa kasalukuyan.

     Sila ang mga taong iba sa nakakarami at may paninidigan sa sarili sa tamang prinsipyong dapat gawin ng taong nilinlang sa mundo, mga taong may sariling pag-iisip at hindi kayang diktahan ng iba, bagamat hindi lahat kaya niyang baguhin ngunit ang katotohanan pa rin sa realidad ng buhay ang magtuturo sa bawat isang mamamayan na bawat tamang ginagawa ay mabubunga ng mabuti habang ang kasamaan naman ay magbubunga ng pang habambuhay na parusa sa batas ng tao at Diyos na lumalang ng daigdig.

Writing Challenge Entries (Definition Of Creation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon