Babaeng walang muwang sa realidad
Pumasok, nag-aral sa unibersidad
Kasama ina'y, nobyo, aklat at damit
Binatang ma-Tattoo sa kama tumambad
Tingin sa kabuuan niya'y nanlilisik
Daig pa'ng mangangagat ng mabalasik
Masaya't tahimik man kaniyang buhay
Malungkot at mamiss man kaniyang mahal
Walang sawang lalaban sa pag-aaral
Ngunit dahil sa babaeng may Tattoo
Nakisama sa sandaling kasiyahan
Mas nakilala pa binatang may burda
Siya'y nainis, nagalit at nahulog
Tingin nito'y hinuhubaran siyang labis
Mula sa inosente at mapagmahal
Tuwirang naguluhan-kaisipan
Pagkat masunurin naging masuwayin
Naging siya'y hambog at pala-sagutin
Ni-ayaw nang pakinggan payo ng ina
Sa nobyo siya'y may nililihim na
Pagpunta sa bahay-aliwan kita na
Naulit hanggang 'di na siya napigil pa
Bagong pakiramdam na siya'y malaya
Lubusang ninamnam hanggang sa magbago
Nang makapasok sa silid ng may burda
Nilibot paningin kahit hilo na
Natagpuan librong nahulog Klasika
Ngunit sa 'di inaasahang tyansa
Lalaking may burda nagalit sa kaniya
Labas ka na, baka 'di kita matantiya
Doon nagsimula, damdaming 'di alam
Siya'y naguguluhan na nang tuluyan
Pagkat damdaming hindi mapangalanan
Tuluyang nabigyan na ng kasagutan
Dahil sa pagtatagpong 'di inaasahan
Kaniyang katawan, nabuhay tuluyan
Sa unang karanasan ng kabuuan
'Di man siya ganap na nasa sukdulan
Naging hudyat, kaguluhan ng isipan
'Di tuluyang nagtagal, 'di nakayanan
Nobyo'y tuluyan niyang hiniwalayan
Pagkat damdamin, may burda na'ng laman
Sila'y naging mag-nobyo at nobya na nga
Nalaman ng ina, siya'y itinakwil na nga
Pag-ibig sa may burda, nag-uumapaw
Sila'y nagsama, iisang bubong na
Binigay lahat-lahat, 'di nagtira pa
Sa hindi inaasahan, pagkakataon
Dumating kaniyang kinatatakutan
After ng lahat, nawalang kahulugan
Siya'y nagmahal, winasak ng tuluyan
Nalaman niyang siya'y pinagpustahan
Damdamin niya'y 'di mapigil masaktan
Sobrang bigat kaniyang nararanasan
Nagmahal, nasaktan at pinaglaruan
Naging huling kataga, "Bangon, Violet.
Thank you so much AmbassadorsPH for this opportunity.
Hindi ko man inaasahan na isa ako sa mananalo pero lubos akong nagpapasalamat dahil nakatulong po ito sa akin upang mas maging masipag pa sa mga akdang isinusulat ko.
Maraming salamat po sa pagtitiwala. God bless po sa inyong lahat. Thank you so much.
BINABASA MO ANG
Writing Challenge Entries (Definition Of Creation)
RandomPinagtagpong letra para makabuo ng madamdaming salita. Nagmula sa may akdang may linlang ng kataga. Nakabuo ng madalamhating tinig ng musika, naarok dahil sa puso't damdaming itinugma. Mula sa obra maestrang nilinlang, siyang nagbibigay kahulugan sa...