UNANG pagtatagpo'y kasiyahan ko
Aking nakilala isang tulad mo
Iyong ngiti'y sapat at tapat
Upang puso'y lumigaya at humalakhak
***
Ngunit kapalaran nati'y mailapSapagkat ika'y nagbago at nawala't
Napadpad sa malayo't iniwan akong luhaan
Sa dako ng kahapisan at kahinaan
***
Puso'y dumaing sa 'yo at umasaNawa'y mahalin pa rin tuwina
Ngunit ika'y bumitiw na
Sa pangakong binuo nating dalawa
***
Isa pang pagkakatao'y ibigayAting ibalik, kahapon sa nagdaa'y
Upang pusong namighati; kumalmang muli
Isa pusong nagtiis at nasawi
***
Paulit-ulit kong nais, MahalAko'y mahalin pa ulit
Pangako'y tupdin nating muli
Hanggang sa huling pagkakataon muli't
***
Sa aking puso'y makapilingTaong nagbigay saya at galing
Sapagkat puso'y sinidlan ng galak
Nang makasama at makilala't ikaw
***
Ngunit pilit mang mamutawiSalita at ibig ng damdamin ko
Kung sadyang ika'y bumitaw na
Puso'y wala ng magagawa pa
***
Pag-iisip at puso'y kaniya naPagmamahal niya'y siyang nais pa
Salita at luha ko'y balewala na
Sapagkat siya na'ng nagmamay-ari pa
***
Kaya ako'y bibitiw naAking Ginoong minamahal pa
Sapagkat pagbitiw mo'y katumbas
Ika'y bitiwan na
***
Paalam, mahal kong GinooNawa'y kasiyahan mo'y makamit
Kahit kalungkutan ang kapalit
Sa puso mong sasaya at magiging buhay ulit.
***
It takes time to heal and be broken againYet one thing I love it
When things go wrong along the way
There's another you where I belong
***
To someone else who wants me tooSomeone who will love me unconditionally
And willing to give his/her full attention
To be the one I deserve and worth fighting for.
—MxGchef (Ghi);
BINABASA MO ANG
Writing Challenge Entries (Definition Of Creation)
DiversosPinagtagpong letra para makabuo ng madamdaming salita. Nagmula sa may akdang may linlang ng kataga. Nakabuo ng madalamhating tinig ng musika, naarok dahil sa puso't damdaming itinugma. Mula sa obra maestrang nilinlang, siyang nagbibigay kahulugan sa...