Chapter 3

36 12 3
                                    

Pag labas ko ng classroom ay nakita ko si Theo na paparating habang dala ang bag ng laptop niya. Nakangiti itong nakatingin saakin kaya mabilis kong hinanap si Kyla para humingi ng pulbos.



"Mars, penge pulbos" paalam ko bago mag kalkal sa bag niya. Hinayaan niya nalang ako dahil sanay naman na siya saakin.



"Babe"



"Wait lang Theo, paganda lang ako for you" sagot ko at narinig ko ang pag tawa niya.



"Theo, kamusta defense niyo?" tanong ni Kyla at sinamaan ko siya ng tingin.



"Linya ko yan e" inis kong sabi sakanya at binelatan niya ako.


"Ah hehehe, okay naman. Hindi naman masyadong nagisa, tara foodtrip tayo?"



Mabilis akong humarap sakanya "Ay ako nalang yung pwede" mabilis kong sagot.



"Ha? Pwede rin ako--"


"Hindi ka pwede" mariin kong sabi kay Kyla at pinanlakihan siya ng mata.



"Ay oo hindi pala ako pwede" pag babawi niya sabay kamot sa batok. "Babay guys enjoy! Humayo kayo at mag parami!" pahabol niya habang tumatakbo paalis.



"Hehehe ano daw?" natatawang sabi ni Theo habang hinahatid ng tingin si Kyla.



Habang nakatingin ako kay Theo ay bigla akong nakaramdam ng lungkot. Siyempre, gagraduate na siya, ako nalang maiiwan dito. Hindi ko na siya makikita lagi, mag hahanap na siya ng trabaho niya. Paano kung makahanap na siya ng girlfriend niya? Paano na ako?. Ganun nalang yun? Pag graduate niya tapos na rin lahat?.



"Okay ka lang?" tanong niya at mabilis naman akong tumango. "Ang kapal ng pulbos mo"


"Ay! Wait hindi pa nahalo" mabilis kong inayos ang pulbos ko.



"Halo? Simento lang? Hehehe!"


Inis akong tumingin sakanya "Kaasar 'to! Palitada kasi"



"Hahaha! Halika na" inakbayan niya ako saka kami nag lakad ng sabay.




Aminin mo, matapos kong ipakita sayo ang mundong ginagalawan ko, hindi nalang ako ang nahuhulog. Ramdam at kita ko Theo, ang sabi ng mga mata mo, Mahal mo na rin ako.




"Pablo, Theodore Dominguez"




Mabilis kong tinutok ang camera ko sa stage ng umakyat si Theo. Tinaas niya ang diploma niya habang nakatingin saakin. Napapangiti ako kapag nakikita ko siyang nakangiti, nakakahawa e. Ang cute parang hindi marunong umungol.



"Oh? Ba't parang hindi ka masaya?" tanong niya saakin.



"Masaya kaya ako" pag sisinungaling ko.



"Halika, ipapakilala kita kila Mama't Papa" aya niya at nanlaki ang mata ko.


"Sure ka?" natataranta kong tanong at tumango siya.


"Halika na, mabait sila" hinawakan niya ang kamay ko at parang nag taasan ang balahibo ko ng pinag interlock niya ang mga daliri namin. Ang init ng kamay niya, ang lambot parang bulak. Tamad kaya siya? Sabi kasi nila pag malambot ang kamay ibig sabihin tamad, pag magaspang naman masipag. Pero kung tamad man siya at ako ang napangasawa niya, ayos lang na ako ang bumuhay sakanya basta ang importante asawa ko siya. Masaya na ako dun.



Sana Sinabi MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon