Chapter 6

31 11 2
                                    

"I'm sorry, hindi po makakarating si Theo. Pwede bang i-move nalang natin yung schedule?.. Ulit?" nahihiya kong sabi sa photographer.



"Okay Paula, para pareho tayong hindi nag sasayang ng oras. Kayo nalang po ang mag sabi ng schedule just message me okay?"



"Sige po, thank you so much. I'm so sorry, sobrang busy lang talaga ni Theo"



Pangalawang beses na itong na move ang sched namin para sa prenup shoot namin. Mukhang ako nalang ang may gusto sa kasalanan na ito. Hindi na ako natutuwa.



Habang nag hihiwa ng karne ay napatingin ako sa pinto ng mag bukas ito. Nang makita ko si Theo ay ibinalik ko ang tingin sa hinihiwa ko. Humarap ako sa lababo para hugasan yung karne at nilagay pan.



"Babe"



Patuloy lang ako sa pag hahalo dahil wala akong ganang kausapin siya. Dalawang beses na akong napahiya dahil sa hindi niya pag sulpot.



"Babe.. I'm sorry"



Gigil kong hinalo ang mga nasa pan "Aw--" nang maramdaman kong napaso ako ay padabog kong inilagay sa lababo yung pan saka ko pinatay ang apoy. "Kumain ka nalang sa labas. Wala akong ganang kumain" malamig kong sabi at nag lakad paalis sa kusina.


Umupo ako sa sofa at napahawak sa noo. Nakita ko nalang siya na tinungkod ang isang tuhod sa sahig habang nakatingin ito saakin. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at tumulo nalang ang luha ko. "Nauubos din ako" humihikbing sabi ko.


"I'm sorry.. Babe.. I'm really really sorry"


Sumandal ako at nag pahid ng luha "Theo, sabihin mo nalang saakin kung ayaw mo ng kasal"


"Babe" tumabi ito saakin at hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. Ilang sandali kaming nag katitigan "Gusto ko"


Pero may pag aalinlangan sa mga mata niya?. "Sigurado ka ba?"



"Mahal kita"


Pinanghawakan ko ang mga salitang iyon para isawalang bahala ang mga pag aalinlangan ko. Matutuloy ang kasal, halos buong oras ko nilaan ko para matuloy lang ito.


Pag lagay ni Kyla ng belo ko ay nag tama ang paningin namin sa salamin. Nag ngitian kami at tinapik niya ang balikat ko.


"This is Mars, magiging Mrs. Pablo ka na talaga.. Naiiyak ako ano ba yan" tinakpan niya ang bibig niya at kunwareng nag punas ng luha. Wala naman siyang luha e nag iinarte lang. "Sige na, enjoy mo muna yang pagihing lonely mo diyan, tawagin nalang kita ha" paalam niya at tumango naman ako. Pag labas niya ng kwarto ay ibinaling ko ang tingin sa sarili ko sa salamin.



Paano kung ako lang ang handa para dito?. Paano kung napipilitan lang si Theo gawin ito?.


Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Theo.


"Babe?"


"Theo, may chance ka pang mag backout--"



"W-what? Babe? Ano?"



"Theo..." ngayon ko lang namalayan na nanginginig na ang mga kamay ko. Mula sa salamin ay nakita kong tumulo ang luha ko.


"Babe? Babe? Are you there? Babe?"



Inalis ko ang phone sa tapat ng tenga ko saka ko pinatay ang linya. Pinatong ko ito sa mesa at nag punas ng luha. Ano 'to? Bakit ganito ang nararamdaman ko?. Nag ring ang phone ko at nakitang tumatawag si Theo. Hindi ko iyon sinagot at nanatili lang akong nakatingin sa salamin.



Sana Sinabi MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon