Chapter 14

29 11 1
                                    

Nang makapag final retouch na ako ay lumabas na ako ng kwarto. Inaya ako ni Kyla na pumunta ng mall para daw mag shopping.


"Takte ka! Bakit hindi ka pa rin nakabihis!?" iritang tanong ko ng makita ko siya sa sala na nakataas ang dalawang paa sa center table habang nanunuod. Ibinaling niya ang tingin saakin at kumunot noo ako.


"Uhm.. may ibang sasama nalang daw sa'yo" nakangiting sabi niya.





Bumagsak ang dalawang balikat ko "Tungkol na naman ba ito sa blind date kemerut?" inis kong tanong.



"Hmm.." sabay kaming napatingin sa cellphone niya ng tumunog ito. Tumingin siya sa screen at ngumiti "Bumaba ka na Mars, nasa baba na siya" sabi nito.


Umirap ako sa kawalan dahil sa inis. Matagal na niya akong kinukulit dahil sa blind date na sineset niya. Bahala na, tutal naka gayak naman na ako. "Pag ito gago ah! Mars sinasabi ko sa'yo!"


"Haha! Trust me, Mars" iyon lang ang naisagot niya.



Lumabas ako ng apartment namin at bumaba ng building para makita na kung sino ba yung nag kakandarapang maka date ako. Choss.


Pag labas ko ng building ay napakunot noo ako ng makita ang pamilyar na kotse at lalaking nakasandal dito. May dala siyang bouquet at nakashades.


"Theo?" takang tanong ko "Anong ginagawa mo dito?"


Inalis niya ang shades niya at lumapit saakin saka iniabot ang bouquet saakin. "Tara?"


Nag salubong ang kilay ko at akmang mag sasalita ng tumunog ang phone ko. Binasa ko ang message ni Kyla.


From: Mars
Closure nalang ang kulang, kekerengkeng ka na. Go girl!.



Bumagsak ang dalawang balikat ko at bahagyang napangiti dahil sa nabasa ko. Sira ulong Kyla, bakit hindi nalang niya sinabing si Theo pala ang makakasama ko ngayon edi sana nakapag smooky eye at dark lipstick ako tss.


Ibinulsa ko ang phone ko at tumingin kay Theo, ngumiti naman ito. "Saan tayo pupunta?" tanong ko.


"Hm.. Kung saan... natapos ang lahat" sagot niya at napaisip ako.


Pinag buksan niya ako ng pinto at pumasok naman ako. Baka ito na yung huling beses na makakapasok ako dito sa kotse niya. Pag pasok niya ay pinaandar na niya ang sasakyan.


"Alam ba 'to ni Delia?" tanong ko at narinig ko ang mahinang pag tawa niya.


"Oo naman, siya nga ang nakaisip nito e"



"Hehe seryoso?" napailing nalang ako "Your girl, hindi ba niya naisip na baka gahasahin kita?" pag bibiro ko at natawa siya habang umiiling.


"Gahasahin sa pupuntahan natin? I don't think so" sagot niya.



---


Hindi naman ako na-orient na roadtrip pala ang nais nitong si Theo. Limang oras na kaming nasa daan. Ang dami na naming napag usapan pero wala pa rin kami sa patutunguhan namin.


Hanggang sa unti unting naging pamilyar saakin ang dinadaanan namin.

Huminto siya sa tapat ng isang simbahan.

Sa simbahan kung saan kami ikakasal dapat, kung saan ko siya iniwan, kung saan natapos ang lahat.



Hindi ko na hinintay na pag buksan pa niya ako ng pinto, hawak hawal ang bouquet na binigay niya ay mabilis akong lumabas ng kotse.



Kaya pala naisip ni Delia na wala akong magagawang masama dahil sa simbahan pala ang patutunguhan namin. Ang brainy niya ah, in fairness pwede ko siyang maging friend.

Lumapit ako kay Theo at sabay kaming napatingin sa simbahan. Tipid akong napangiti pag katapos kong huminga ng malalim.


"Tara sa loob?" aya niya at tumango naman ako.


"Mauna ka" utos ko at nag kibit balikat naman siya saka naunang nag lakad.


Habang hinahatid ko siya ng tingin na nag lalakad papasok ng simbahan ay bumabalik sa ala ala ko yung araw ng kasal namin. Isang katanungan rin ang pumasok sa isipan ko.

Nung oras na tumawag ako sakanya at sinabi sakanya kung anong nararamdaman ko.. Sasabihin rin kaya niya saaking handa na siya?.


Mabuti nalang pala hindi ko iyon sinabi.



Kasi kung sinabi ko 'yon... Hindi kami hahantong dito, Hindi ko malalaman na hindi pala siya para saakin, hindi kami mag gogrow, hindi siya titingalahin ng maraming tao dahil sa career niya, hindi niya makikilala si Delia.. Ang babaeng sana'y nakatakda na para sakanya.

Muli akong tumingin sa kabuoan ng simabahan at napangiti. Nag lakad na ako papasok sa loob ng simbahan at nakita ko siyang nasa altar. Napansin kong walang tao sa paligid, siguro dahil martes ngayon at hindi araw ng misa.

Hawak ang bouquet na binigay niya ay nag lakad ako sa gitna, napatingin naman siya saakin at nangitian kami.



My Theo, hindi man ako ang babaeng nakalaan para sa'yo malaking parte ka ng buhay ko. Naging sa'yo ang kalahati ng puso ko, pero ngayon.. pakakawalan na kita dahil alam kong iyon ang mas makakabuti saating dalawa.'


Nang makarating ako sa tapat niya ay naramdaman kong nangilid ang luha ko. Nginitian ko siya.



"I'm sorry, Theo.. I'm sorry for what I did. Minahal kita ng sobra.. ang dami nating pangarap ng mag kasama pero tanggap ko ng hindi tayong magkasamang aabutin iyon" sambit ko at napansin kong nangintab ang mga mata niya habang nakangiti.


May kinuha siya sa bulsa niya at pinakita saakin ang maliit na box. Naramdaman kong tumulo ang luha ko ng buksan niya ito at nakita ko doon ang wedding ring namin dati.


"Gusto ko 'tong isauli sa'yo" sambit niya at tumango naman ako "Take this rings as a sign of our past. Thank you Paula" tumango ulit ako habang nakangiti saka kinuha ang box ng singsing sakanya at isinara ito.


"Hindi man ako naging Paula Ariaga Pablo-- hehe" sabay kaming mahinang natawa at nag punas siya ng luha "At least.. ang kapalit naman nun.. kung anong mayroon tayo ngayon" dugtong ko.


Narinig ko ang pag hinga niya ng malalim at ginaya ko rin siya. Ibinuka niya ang magkabilang braso niya kaya niyakap ko siya.




Everythings happened for a reason, hindi man naging perfect ang love story namin ni Theo, masasabi ko namang maganda ang naging ending namin. Napatawad na namin ang isa't isa mula sa bangungot na nangyari saaming dalawa. At iyon ang masasabi kong happy ending, 'cuz we both happy.


---

Sana Sinabi MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon