Prologue

142 13 3
                                    

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.


----------



Pag karating ko sa tapat ng Vibin' Records ay napahinga ako ng malalim. Takte kahapon pa ako na papractice ng mga sasabihin ko pero pag dating ko dito parang bumabaluktot na naman ang mga dila ko.

"Be professional Paula... you really need his 'Yes'. Calm down" matapos kong mabola ang sarili ko na kakalma rin ako ay pinag patuloy ko na ang pag lalakad.

"Good morning Ma'am" bati ng guard at nginitian ko naman siya.


Pag pasok ko sa loob ay naramdaman kong tumayo ang mga balahibo ko pati sa paa. Nakakahiya baka may makapansin at sabihing natatae ako. Dumiretso ako sa Information desk.

"May appointment po sila Ma'am?" tanong saakin ng nasa information desk

"Yes po, I'm Paula V. Ariaga from Ritmusic Records. Nag pa-appointment po ako to meet Producer Theodore Pablo" sagot ko at tumango siya saka kinuha ang telephone.

"Wait lang po Ma'am ah" nakangiting sabi nito habang nasa tapat ng telephone ang tenga.

"Ok Ma'am" sagot ko naman at inayos ang sarili habang nag hihintay.

Lumayo saakin yung babae habang may kausap sa telephone na sa tingin ko ay si Theo-- Producer Theodore Pablo na ang kausap niya. Yeah, that's right. Hindi ko na siya pwedeng tawaging Theo nalang dahil isa na siyang Producer Theodore Pablo ang laging trending at sikat na Producer ng bansa. Lahat ng mga kantang prinoduce niya ay nag hi-hit sa mga music platform. That's why I'm here dahil kailangan siya ng kompanyang pinag tatrabahuan ko, ang Ritmusic Records.

Nalaman kasi namin na mag eend na siya ng contract dito sa Vibin' Music kaya heto ako... Mag po-propose. Sana lang hindi ako mapalayas.. Sa kabila ng naging past namin. Hay! Ano ba yan! Nagiging personal na!.


"Ok Ma'am, hinihintay na po kayo ni Sir Theo--- Lucy, pasama naman si Ma'am sa studio ni Sir Theo" utos niya sa isnag kasamahan nila.

Wait? Studio? Hindi pwedeng meeting room? Studio?. Ganun ba kalakaran dito? Saamin kasi sa meeting room dapat kung contact ang pinag uusapan dahil mas formal--- fine whatever. Baka nga ganito sila dito.

Tahimik lang akong sumusunod sa babaeng empleyado na sobrang iksi ng skirt. Sana pala nag pantalon nalang ako kasi malamig dito, maiksi rin kasi yung skirt ko at hindi ko alam kung bakit ako nag suot ng ganito. Para mas matured tignan?.

"Thank you" nakangiting sabi ko sa babaeng huminto sa tapat ng isang pinto.

"You're welcome po" sagot naman niya saka nag lakad paalis. Sinundan ko siya ng tingin at dahan dahang napatingin sa pangalan ni Theo na nakadikit sa pinto.

Ngayon nalang ulit kami mag kikita pag katapos ng araw na iyon.

Theodore Pablo'


Napaatras ako ng isang hakbang. Para bang sa pangalan palang niya nalulula na ako.


May mukha pa ba talaga akong maihaharap sakanya?

"Babe!"

"Paula!"

"Babe bakit? Anong problema? Bumalik tayo doon.."

"Ok lang ako! Gusto ko! Wala akong sinabing ayoko Paula! Gustong gusto ko! Bakit mo nalang ako basta iiwan ng ganito!?"


"Huwag mo akong iiwan please Paula hindi ko kaya.."


Wala ako sa sariling napatakip ng bibig kasabay nun ang pag tulo ng luha ko.






---
Awit Series #2
"Sana Sinabi Mo"

Sana Sinabi MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon