naputol ang kwento ni ate pichi ng lumabas si sam sa kwarto agad naman ako pumunta sa kanya para kamustahin.
"o..ok ka na ba?" tanong ko agad sa kanya.
"oo..pero nahihilo pa ko ng konte. ano bang nangyari?? bakit ako nasa kwarto?"
then nagkatinginan lang kaming dalawa hangang sa narealize nya kung anong nangyari.
"shit!!! nakakahiya ang ginawa ko."
agad agad syang tumakbo papunta sa cottage at agad humingi ng tawad sa mga kasama nya dahil sa ginawa nyang iskandalo.
after non ay bumalik si sam sa kwarto at sinabing magpapahinga muna ulit sya dahil sa hangang ngayon e nahihilo pa din sya dahil sa kalasingan sasamahan ko sana sya pero hinila ako ni ate pichi at sinabing hayaan ko muna si Sam.
"ate naman e!!! chance ko na to!!"
"hoy malanding babae! baka nakakalimutan mong may BF ka!! tigil tigilan mo na si sam..tama na yung sakit na nararamdaman nya!! baka madagdagan mo pa!"
"teka teka tuloy muna yung kwento mo!" banat ko agad kay ate pichi.. change topic kung baga!
"ayaw ko na sa ibang araw na! tsaka hangang don lang ang pede kong ikwento..tsaka mas ok kung sya mismo ang magkukwento sayo."
pinilit ko si ate pichi pero hindi na sya nagsalita pa..
at around 3 am pagod na pagod na ko ng kakainom at kakaswimming kaya i decided to go to sam to check up on her.
but i saw someone standing in front of Sam's room.
lumapit pa ko saglit and to find out it was Yza.
she seem's troubled parang gusto nyang kumatok na parang hindi. so nilapitan ko na sya at ginulat.
"HOY!!!"
"Ay putek!!! takte nagulat mo ako ah..kaasar ka naman e..akala ko mamamatay na ako."
"oa mo naman teh!! oh ano pakay at ayaw pang pumasok? tutulog ka na ba? tara tabi tabi na tayong 3..kasya naman e dun ka sa kanan ni sam dun ako sa kaliwa." biro ko sa kanya.
tapos napansin ko na medyo nagblush si yza
"luka!! wag ka nga ganyan lalo akong kinakabahan" sagot naman nya agad sa akin.
"teka teka..Yza??? Gusto mo din si Sam??"
tapos tinakpan nya bibig ko.
"wag ka maingay!! baka may makarinig sayo!!"
"SERYOSO YZA??? kelan pa??"
"ay pambihira ka naman kaye!! sige isigaw mo pa.."
"ay sorry sorry.."
tapos non e hinila ko sya malapit sa may beach para don ko sya makausap ng matino.
"matagal ko na sya gusto nung unang beses ko pa lang dumating dito sa lugar na to..nung nakita ko sya nagustuhan ko na agad sya."
"oh e bakit ngayon mo balak magsabi sa kanya??dapat dati pa."
"lahhh!! tae mo teh!! wala ako balak sabihin sa kanya..sa tingin mo mglalakas loob ako e halos hindi sya bitawan ni elly kapag magkasama sila."
tapos parehas kaming tumahimik at umupo na lang sa isang tabi.
"ewan ko ba kaye..pero sa dinami dami ko ng naging jowa jowaan e kapag nakikita ko si sam e naninikip ang dibdib ko."
"jowa jowaan talaga?? at bakit naman nasasaktan lang ang peg?"
"siguro?? kasi kahit anong gawin ko hindi naman ako tinitingnan ni sam e..kaya buti ka nga kaye nakakastep forward ka na sa kanya e."
"ay hindi kaya!!! malakas lang ang luob ko at makapal ang mukha."
tapos non biglang yumuko si yza..
"oh bakit?? ano problema yza??"
"hindi ko alam!!! after ko malaman na hindi na sila ok ni elly parang nabuhayan ako at the same time natatakot.."
"ay mahal mo nga sya baliw!!"
"yun na nga e..ano ba dapat kong gawin??" tanong nya sa akin.
"ay magtanong ba naman sa akin. e ako tong mautas utas kay sam."
"aba luka may BF ka kaya..ay!!! advantage ko na to..single ako tapos committed ka.."
"ano gusto mo palabasin yza??"
"ibig ko sabihin hindi pala kita karibal kasi committed ka..may chance ako kay sam..buo na desisyon ko. bago matapos ang liga na to magtatapat ako sa kanya..promis!!"
after sabihin sa kin yon ni yza narealize ko na dehado ako..
committed ako kay Marco.
then i am here giving myself to sam.
nagising ako sa katotohanan na wala akong karapatan kay sam.
nagising ako sa katotohanan na madaming nagaabang kay sam.
nagising ako sa katotohanan na ano mang oras mawawala sa akin si sam.
nagising ako sa katotohanan na hindi naman akin si sam.
BINABASA MO ANG
my one great love - but she's a girl!
Romancewherever and whenever i look at her eyes. i just wanna say it out loud, "please be mine."