me and her loneliness.

257 2 0
                                    

Ilang araw na ang nakakaraan after namin maka-bonding ng konte si Sam, after non di na ako ulit nakasilay sa kanya. Yung nakalagay na sched ng game next Saturday pa at ang chismis hindi daw makakalaro si sam. “ANO BA YAN!!” sigaw ko noon habang nakahiga sa kama, “nakakaasar! Bakit kasi hindi sya maglalaro sa Saturday!! Nakakabwisit!!” todo emote ako ng biglang pumasok si Ate Pichi sa kwarto, “hoy luka! Pahinge ako ng yelo ha. magiinum kami.” paalam ni ate pichi sa akin, pinsan ko din sya sa mother side, “aba aba aba!!buhay ka pa pala??” biro ko sa kanya, minsan lang kasi umuwi si ate pichi dito kasi sa city sya nagwowork. “grabe ka naman. Syempre no alive and kicking pa ako!” banat nya naman sa akin, lumabas sya ng kwarto para kumuha ng yelo, tapos sinundan ko sya sa may kusina. “Aga nyo naman ata maginum? Masama yan sa health ate.” Paalala ko sa kanya, syempre concern din naman ako sa mga luka kong pinsan.

“eh wala e..dinayo ako dito nina Cha wala na akong magawa nakakahiya naman tumangi.”

“sinong Cha? Sus!! Gusto mo din uminom..sige na balitaan mo na lang ako mamaya.” Babalik na sana ako ng kwarto pero naalala ko si vince, dami pa namin pagchichikahan e.. “Teka teka! Punta ba si vince sa inyo?” tanong ko agad sa kanya, syempre partner in crime ko yun e.

“si vince??susunod ata? Di ko lang sure, tetext daw ni Cha e, pati si sam ata pupunta, tinext ko e.”

Ha? ano daw? Si sam?

 Tapos tsaka lang nag sink in sa akin yung sinabi ni ate pichi, agad agad ko syang nilapitan tapos hinawakan ko sa braso at inalog alog, sobra akong naexcite!

“WHHHHHHHHAAAAAAAT!!!!!! Ate!! My number ka ni Sam? Close kayo? Pano nangyari yon? Seryoso ka? Bakit hindi mo nabangit sa akin yan dati pa??” ang derederetso kong tanong sa kanya..

“hinay hinay lang sa tanong uy!!at ang sakit ng hawak mo ha!”

Binitiwan ko si ate pichi, “ay..hehe sorry..peace! naexcite lang.”

“sus! Ganito kasi yon kaye..Last year diba may liga, e close friend sya ni Cha, si cha kasi ay classmate ko nung highschool, kaya ayun naging kaclose ko na din si sam. Tumatambay tambay na kami noon dyan sa bahay, nag inum pa nga kami jan sa terrace nyo e..” paliwanag naman sa akin ni ate pichi.

“dito sa bahay?? Bakit hindi ko yun alam?” panghihinayang ko naman sa chance na nakalagpas..nakakaasar.

“ay oo teh!! Busy ka sa pakikipaglandian noon kay Annie at nakakulong ka lagi sa kwarto. Dyan ko pa nga dapat sya patutulugin sa kwarto mo noon kasi lasing na lasing sya, e kaso nung ginising kita para ipagpaalam sayo na dyan nga sya patutulugin e nagalit ka at pinalabas mo ko ng kwarto tanda mo na?”

Isang malaking pagkakamali at isang malaking chance ang pinalampas ko noong araw na iyon. Sobra akong nanghinayang. Nakakalungkot. Chance ko na makachansing sa super crush ko! Grabeeeee!!! Ang tanga tanga ko kasi! Hmmmp!! Sayang!! Makachansing sana ako sa abs nya!

“naalala ko na.eeee!! ate!! Papuntahin mo sya daliiiii..tapos lasingin mo at dito mo na patulugin ha.” biro ko sa kanya. Actually hindi biro yon, seryoso ako sa sinabi ko.

Tapos tumawa si ate, “nakaw nakaw!! Tigil tigilan ang kalandian ha..lalo na kung ikaw! Tsk tsk! Kawawa naman si sam kapag pinaglaruan mo lang. Magfocus ka na lang sa jowa mo uy!”

“grabe ka naman ate..”paawa effect ko sa kanya.

“biro lang..iba kasi si sam, she suffered enough-” tapos bigla ng tumahimik si ate pichi. Parang may na-sense ako na may alam sya tungkol sa pinagdaanan ni sam.

“ano yun?? Share naman dyan!!” pero wala ng sinabi si ate tapos umalis na.

Grabe! Lalo tuloy akong naintriga kay sam. Sobra naman ata seryoso ng pinagdadaanan nya at napaka confidential?

my one great love - but she's a girl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon