falling

40 1 0
                                    

malapit na ang semi finals at pasok ang team namin sa semi finals.

syempre ang galing galing kaya ng pinsan ko!

pero..

Kapag minalas malas ka nga naman, team nina Sam ang kalaban namin.

"hay!!! patay na!! utas na tayo nito!"

buntong hininga ng isa kong teammate.

"hahaha!!! ienjoy na lang kasi natin ang game." sabay sabunot sa bruha kong teammate.

then dumating na ang team nina sam, pero laking gulat namin ng mapansing wala si sam.

"wooooo!!! my chance na tayo nito!" sigaw ng iba kong teammate.

pero hindi pa din ako makapaniwalang wala siya.

i mean gusto ko na wala sya, pero gusto ko din sya makita.

"Hindi ko alam!!!" sigaw ko.

"hoy!!! anong pinagsisigaw mo dyan!ikaw ha!!  si sam na naman ang iniisip mo!!"

patsusada ng pisan ko sa akin.

"Cuz!!! anong gagawin ko!! hindi ko na alam!!"

"yan kasi!!! sobrang landi!! ayan!! mukhang kinakarma ka na!!"

"grabe ka naman!pero gusto ko sya makita ngayon."sabay sabi ko sa pinsan ko.

"wag ka nga!! kapag dumating yon naku!! wag na tayo umasa sa championship!!!"

pero hindi ko na talaga alam!! gustong gusto ko na talaga sya makita hindi ko na alam kung ano ba tong nangyayari sa akin.

nakatulala ako ng may kumulbit sa akin.

ang akala ko si sam, pagtingin ko si Yza pala.

"oy!! luka ka! akala ko kung sino na! ikaw pala."

"akala mo si sam no?"

ay!! pano kaya nalaman ng luka?

"wala si sam ngayon! kaya wag ka na umasa." biro sa akin ni yza.

"ay gusto ko nga wala sya e..hello katakot kaya sya maglaro." palusot ko kay yza.

"pero sabi nya kagabi baka daw humabol sya pero hindi sya sure." sagot sa akin ni yza.

"eh??magkatext kayo kagabi??wow..duma-the-moves ka na ha."

"ha?? hindi naman yon mahilig magtext, magkasama kami kagabi." sagot muli sa akin yza.

EH?? MAGKASAMA SILA??

pakiramdam ko nanlamig ako sa sinabi ni yza, pinagpawisan ako ng malamig, para bang natatae ako sa narinig ko. dami agad tumakbo sa isip ko. parang nainikip dibdib ko na para akong sasabog.

magkasama sila kagabi?

anong ginawa nila?

sino sino sila?

san sila nagpunta?

magkatabi ba sila?

anong pinagusapan nila?

anong meron?

ano ng meron sa kanilang dalawa?

"HOY!!"sigaw sa akin ni yza.. "bakit natulala ka na jan??"

"ehh??ha?? hindi ah.."

magkukwentuhan pa sana kami ng bglang pumito ang referee hudyat na kelangan na mag warmup ng bawat team.

hangang sa makalipas ang ilang minuto e nagstart na din ang game.

para akong tanga kasi, silip pa din ako ng silip sa may pinto ng gym.

wala ako paekalam kung dumating man sya at talunin kami, ang gusto ko lang mangyari e makita ko sya ulit.


umarangkada ang team namin noon ng 1st set halos di makascore ang Croc dahil sa lakas ng pinsan ko, hangang sa lumamang na nga kami ng malaki.

malakas din naman maglaro ang pinsan ko, umabot din sya ng provincial pero iba pa din ang palarong pambansa na tulad ni Sam. iba pa din si sam. ibang iba.

humihiyaw ako noon sa bench pero pakiramdam ko lutang ang isip ko, kasi patuloy ko pa din iniisip na sana dumating si sam.

Umabot ang score namin ng 23-16, malaki laki na ang lamang namin at natapos ang 1st set na wala man lang sam na nagpakita.

nag change na ng court pagkatapos biglang naghiyawan ang tao at biglang may mabilis na lumampas sa akin..paglingon ko...

"SI SAM!!!!!"

tatakbo syang pumunta sa Coach nila at bumati, pero nakita ko ring nakipag eye to eye contact sya kay Yza.

ano bang meron?? bakit iba ung nararamdaman ko?

matapos yon ay dali dali na syang nagpalit at nagstretch ng konti sabay pito ng referee at sabay lahat ng players pumunta sa kanikanilang posisyon.

napatingin ako sa pinsan ko na parang may sinasabi. hindi ko maintindihan dahil sa hiyawan ng tao.

"HA???!!! ANO SABI MO??!!!"

"TANGA!! FIRST SIX KA!!!TUMAYO KA JAN!!"

tapos tinulak ako ng isa kong team mate..

ay pambihira kung kelan andito si Sam tsaka nila ako papasok???

pagtapak ko sa court napatingn agad ko kay Sam.

ang dami dami ko iniisip tungkol sa kanya..puro ako what if..lutang na naman ang isip ko nito habang naglalaro,

then she smiled at me.

i felt my knees get weak as my heart went crazy.

it's so unfair sam.

i want you to stop making me feel this way, and with that smile??

how can i resist..

im falling hard...





my one great love - but she's a girl!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon