Chapter 5

484 102 28
                                    

"Soren!" agad akong napa-lingon kay Tobias na kakapasok lang saaking opisina.

"Ano?" tanong ko.

"Grabe ka!" tumatawang sabi nito at pumalakpak.

"Gago, ano nga?" tanong ko ulit.

Napalingon ulit ako nang biglang bumukas ang pintuan ng aking opisina saka sunod na pumasok si Pantaleon at Siobhan dala-dala ang kanilang nag-tatanong na mga mukha.

"What's the deal with you two?" tanong ni Siobhan at lumapit.

"Iba ka talaga, Soren." natatawang sabi ni Pantaleon at pumalapak.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" lito kong tanong at nilipat lipat ang tingin sa tatlo kong kaibigan.

"Gago, kalat sa social media yung picture niyo ni Syrhane Gallardo!" napa-kunot ang aking noo sakanyang sinabi.

"Picture? Anong picture? Wala kaming picture." sabi ko dahil saaking pagkaka-alala ay hindi kami mag-kaibigan ni Syrhane para magkaroon ng picture na magkasama.

"Tignan mo." pinakita niya saakin ang kanyang cellphone at nanlaki ang aking mga mata dahil sa nakita.

Ito yung kanina na nasa hallway kaming dalawa habang pinupunasan niya ang aking pisnge.

"E gago ka! Ba't mo'ko nilagyan ng kiss mark?" sigaw ko sakanya at tinuro ang aking pisnge.

"Yon pala!" sabi nito kaya nagtawanan silang tatlo.

"Ang daming nagsasabi na bagay kayong dalawa kaya wag kang mag-alala." sabi ni Pantaleon at tinapik ang aking balikat.

"Lumabas na nga kayo." mahinahon kong sabi at tinulak ang tatlo kong kaibigan palabas sa opisina.

"Nangangamoy magkaka-jowa na ang ating kaibigan." bulong ni Tobias sa dalawa habang tinutulak ko sila palabas.

Wala akong kaaalam-alam sa nangyayari dahil wala naman akong social media at hindi ko alam kung paano iyon gagamitin.

Habang naka-sandal ako saaking swivel chair at naka-pikit, narinig kong bumukas ang pintuan kaya bumuntong hininga ako at hindi nag-abalang dumilat dahil alam kong isa ulit yon saaking mga kaibigan.

"Ano na naman?" pagod kong tanong.

"Si Syrhane to." rinig kong sabi kaya agad akong napa-dilat at napa-ayos ng upo.

"Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman kung nasaan ang opisina ko?" sunod sunod kong tanong sakanya.

"Secret." sabi nito at ngumisi saka umupo sa sofa kaya kinunotan ko siya ng noo.

"Did you already seen the picture?" tanong nito kaya umiwas ako ng tingin at sumandal ulit saaking swivel chair.

"I'm sorry about that." sabi nito kaya lumingon ako sakanya.

"Parang hindi naman." sabi ko at sinuri ang kanyang ekspresyon kaya tumawa siya.

"Kanino mo nalaman kung nasaan ang opisina ko? Pano kapag may naka kita ulit sayo? You're a public figure, you should take care of your image and avoid issues." sabi ko.

"Do you have a social media? My fans are curious about you." tanong nito.

"Seriously? May gana ka talagang tanungin yan pagkatapos kumalat yung picture?" tanong ko pabalik.

Tumango siya, "Yes. Why not? I mean, wala namang mali doon, diba? Wala naman tayong ginawang masama, so bakit ko i-bibig deal ang maliit lang na bagay?"

"Wala kang paki-alam sa mga sinasabi ng iba?" tanong ko ulit.

Tumango siya, "Yes, I don't care about their assumptions about me. Kilala ba nila ang buong pagkatao ko? Hindi naman kaya bakit ako masasaktan sa mga sinasabi nilang hindi naman totoo?"

Doctor Series 1: Soren TiuWhere stories live. Discover now