Chapter 14

316 35 10
                                    

Syrhane was on my side when I woke up, laying on my arms with her head on my neck, and I couldn't help but smile since she was pouting like a baby.

Habang nilalagay ko ang kanyang mga takas na buhok sa likod ng kanyang tenga ay biglang tumunog ang aking cellphone kaya bumuntong hininga ako at maingat itong inabot na nasa side table ng aking kama.

"Yes?" bungad ko kay Benjamin na tumatawag.

"Prof Tiu, we've found a heart donor for Trevor." sabi nito kaya napangiti ako dahan-dahang inangat ang ulo ni Syrhane upang hindi siya maistorbo sakanyang tulog.

"Alright. I'll be there." sabi ko at agad pinatay ang tawag.

Dali-dali akong nagtungo sa kusina upang magluto ng agahan ni Syrhane. Nag prito lang ako ng itlog at bacon dahil yon lang ang alam kong paano lutuin. Pagkatapos ay nagtungo ako sa banyo upang maligo at mag-ayos.

Habang nagbibihis ay sinulyapan ko si Syrhane na mahimbing parin ang tulog kaya hindi ko maiwasang mapangiti saka ako'y yunuko at dinampian siya ng halik sa noo at labi upang paalam dahil kailangan ko ng magpunta sa hospital.

Soren:
I can't help but kiss you because you pout like a baby. I need to get to the hospital right away because there is an urgent matter. Breakfast is on the table for you, so eat it before you go to work, okay?

Pagkatapos kong mai-send ang aking text ay agad kong pinaandar ang aking sasakyan at nagtungo na sa hospital.

"This morning, we discovered a donor. Trevor was at the top of our list based on blood type, weight, and other factors. We waited for the brain death declaration because we thought the situation would alter. The initial evaluation and transplant have both been confirmed." paliwanag ko sa mga magulang ni Trevor.

"Trevor will be getting the heart and we'll go ahead with the transplant." patuloy ko at ngumiti sa mag-asawa.

"Thank you. Thank you, Dr. Tiu.." naiiyak na sabi ng ama ni Trevor.

"The donor is six years old and weighs 18kg. Blood type A, which is the same as Trevor." sabi ko sakanila.

"I can't believe this miracle is happening to us.." sabi ng ina ni Trevor sakanyang asawa.

Paulit-ulit itong nagpasalamat saakin, "Don't thank me. Thank the donor's family for making such a difficult decision." sabi ko kaya tumango silang dalawa habang umiiyak dahil sa saya.

"Alright, then." sabi ko at nagpaalam.

"Professor Tiu.." tawag ni Daryl na kanina pa nakasunod saakin habang naglalakad kaming dalawa sa hallway.

"Hmm?"

"Jane's turn will come too, right?" tanong nito.

"Yes, ofcourse. I trust that it will." sagot ko at nakangiting lumingon sakanya.

Jane suffers from hypertrophic cardiomyopathy (HCM) and is experiencing refractory heart failure symptoms, necessitating a heart transplant. She's been here for three months and I feel awful seeing and checking her in the PICU with a VAD on her because she's still little. As her doctor, I can't help but feel disappointed with myself since every time I see Jane's mother for an update, she has the look in her eyes that she's on the verge of giving up.

Nagtungo ako saaking opisina at bumungad doon ang aking tatlong kaibigan na nagtatawanan. "Oh, nandyan ka na pala." sabi ni Siobhan nang nakita niya akong pumasok.

"Grabe, ang lakas talaga ng mga loob niyo. Akala niyo naman sainyong tong opisina." sabi ko kaya nagtawanan silang tatlo at nagturuan kung sinong nagyaya na dumito saaking opisina.

Umupo ako sa tabi ni Pantaleon at kumuha ng packed lunch na inorder ni Siobhan saka nagsimulang kumain.

"Yung usapan natin na mag seafoods, tuloy natin yon bukas. Ang hindi pupunta ay puputulan ko." sabi ni Siobhan at tinuro kami isa-isa.

Tumango ako sakanya habang kumakain dahil bukas ng umaga ko gagawin ang heart transplant ni Trevor kaya wala akong surgery sa gabi.

"Wag po!" ma-dramang sigaw ni Tobias saka tinabunan ang kanyang gitna gamit ang dalawa niyang kamay.

Pinakita ni Siobhan ang kanyang mga daliring naka-porma ng gunting at nilapit ito kay Tobias kaya hindi ko maiwasang matawa sa kakulitan ng kaibigan.

"Wala pa nga kaming anak e, teka muna." natatawang singit ni Pantaleon kaya pati ako'y natawa.

Nilipat ni Siobhan ang kanyang tingin saamin dalawa ni Pantaleon at pinakita ang kanyang mga daliri na naka-porma ng gunting kaya agad akong napalunok saaking kinakain at kinuha ang throw pillow na nasa aking gilid saka nilagay ito saaking hita para tabunan ang aking gitna.

Pagkatapos ng kulitan ay nagsialisan na din ang tatlo dahil may kanya-kanyang tumawag sakanila na mga residents patungkol sakanilang mga pasyente at iniwan saakin ang kanilang mga kalat at pinagkainan.

Pagkatapos kong linisin ang aming mga pinagkainan ay biglang tumunog ang aking cellphone. Si Prof Wilfred Pascua iyon, ang chief professor sa Cardiothoracic surgery.

"Are you vacant?" bungad na tanong nito.

"Yes, prof. What's the matter?" tanong ko naman pabalik.

"Come to my office. I have something to tell you." sabi nito kaya bigla naman akong kinabahan kung tungkol saan ba ang sasabihin niya.

Kumatok muna ako, "Come in." sabi nito kaya pumasok na ako sakanyang opisina.

"What is this about, prof?" tanong ko saka naupo sa sofa.

"I'm retiring soon.."

"And I want you to take over my position as a chief professor of Cardiothoracic surgery." sabi nito.

"This is too sudden.." napatingin ako sa kawalan at na blanko ang isipan.

"I know. Ikaw lang ang pinaka inaasahan ko dito. Konti lang ang mga doctor sa department natin, hindi kagaya sa general surgery na marami at ikaw lang ang pinaka-responsable." wala akong masabi, nanatili lang akong nakatulala sa kawalan.

"Soren, I'll give you some time to consider it. I understand that this is a significant deal for you because you're still young for this job, but it's also a chance. Consider that for a moment." patuloy nito at tinapik ang aking balikat.

Pagkatapos naming mag-usap ay wala sa sarili akong naglakad pabalik saaking opisina.

Being a chief professor is a huge honor. It's too abrupt, and I'm still not prepared. However, as my professor stated, our department has a small number of doctors. Some residents have even moved to another department since CS is too difficult for them.

Napatingin ako sa bintana ng aking opisina at napansing gabi na pala. Bigla namang may kumatok sa pintuan, "Come in." sabi ko at bumungad saakin si Daryl.

"Do you want to step out with me for some fresh air? The stars are out." sabi nito.

Bumuntong hininga ako at tumango, "Sure." Marami akong kailangang pag-isipan at parang makakatulong ang pag mumuni-muni sa kawalan kaya ako sumang-ayon.

"Can I scrub in for tomorrow's surgery, prof?" tanong nito habang naglalakad kami patungo sa rooftop ng hospital.

"Benjamin is my main assistant for the surgery tomorrow." sabi ko kaya bumuntong hininga siya. "But, if you really want to. You can scrub in and be the second assistant." nabuhayan naman siya saaking sinabi at nagpasalamat saakin.

Itutulak ko na sana ang pintuan papasok sa rooftop ngunit natigilan ako nang nakita ko ang ina ni Jane na umiiyak habang nakaupo sa bench.

"What's wrong, prof?" tanong ni Daryl saaking tabi.

Tumalikod ako at sumandal sa pintuan, "Hang on in a minute." sabi ko.

"Right.." sabi ni Daryl at tumalikod din dahil nakuha niya agad kung ano ang ibig kong sabihin.

Doctor Series 1: Soren TiuWhere stories live. Discover now