Chapter 12

352 55 24
                                    

Sinubukan kong tawagan si Pantaleon ngunit hindi ito sumagot, "He's never around when I need him." reklamo ko at binaba nalang ang tawag.

Natigil ako sa paglalakad nang nakita kong tumatakbo papalapit si Daryl saakin na parang bata. Maglalakad na sana ako pabalik nang tinawag niya ako, "Prof Tiu!" sigaw nito kaya wala akong nagawa kundi lumingon pabalik.

"I've got some intel that beef bone soup is on the menu today." bulong nito saakin.

"Intel, my foot." sabi ko at napalingon saaking cellphone dahil may tumatawag.

"Beef bone soup, come down, asap." bungad ni Tobias sa kabilang linya kaya napalingon ako kay Daryl nakangisi ngayon saaking harapan.

"Let's go. You had to study hard. Lunch is on me." sabi ko at naglakad ng una kaya agad itong sumunod saakin.

"I should give him a call if I end up taking the patient. He and I were quite close, although you hated him.." rinig kong sabi ni Tobias paglapit ko sakanilang dalawa ni Siobhan na nakaupo at kumakain.

"Who? You're friends with everyone." singit ko at umupo sa tabi ni Siobhan.

"Hello Prof Alsons, Prof Placencia.." rinig kong bati Daryl saaking mga kaibigan.

"Hello." bati pabalik ni Tobias at Siobhan, "Hey, you know Patrick, right?"habol na tanong ni Tobias saakin.

"Patrick Jimenez? I know him. He's your rival." sagot ko at sumubo ng kanin.

"My rival?" naguguluhang tanong nito.

"We went to school with him. He wanted to beat you so badly that he gave you tickets to a club during exams so you would party hard and bomb the exam." sabi ko at sinubo ang piraso ng beef na nasa aking hawak na tinidor.

"Hindi ko na maalala.." sabi naman nito.

"So, did you bomb the exam?" tanong ni Daryl kay Tobias na nasa kanyang tabi.

"No. He kept getting the highest marks because he got to unwind and de-stress at the club." singit ko at nagpatuloy sa pagkain.

"You guys know that I was totally crazy about Micheal Jackson back then. My pelvis popped out, and it's still missing." masayang sabi nito.

Lumingon ako sakanya, "Then what is that between your waist and butt now?" tanong ko.

"My pelvis." sagot nito.

"You said it's gone." sabi ko naman.

Tumingin siya sakanyang ibaba, "It just came back." sabi nito at hinawakan ang kanyang bewang.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo, "Didn't you see that? It came back just now." sabi nito at kinuha ang aking kamay saka nilagay sakanyang bewang.

Narinig ko ang tawa ni Siobhan, "Jusko, that was so lame." sabi nito. Tinitigan ko si Tobias saka binawi ang aking kamay at inambahan siyang sasapakin.

Nangibabaw ang tawa ni Daryl kaya napalingon ako sakanya, "That was hilarious, prof." sabi nito habang tumatawa parin.

"Look at you, Dr. Daryl Ocampo. You have a great sense of humour." sabi ni Tobias kay Daryl saka nagtatawanan ang dalawa kaya napapa-iling nalang ako at nagpatuloy sa pagkain.

Napatingin ako saaking cellphone nang bigla itong tumunog. Nakita kong pangalan ni Syrhane ang nasa notification kaya agad ko itong binuksan.

Syrhane:
sent a video

"Yung ang guwapo niya sa personal pero wala siyang social media." mahina kong basa sa nakalagay na mga salita sa video habang siya ay sumasayaw kaya hindi ko mapigilang matawa.

Syrhane:
Hala wrong send, nakakahiya naman.

Napa-iling ako habang natatawa sakanyang reply kaya agad akong nag-tipa.

Soren:
Ah talaga ba? Sinadya mo ata e.

"Syrhane?" rinig kong basa ni Tobias na sumisilip kaya agad ko itong binaba at nilagay sa bulsa ng suot kong coat.

"Yung kaibigan natin, Siob. Inlove kay Syrhane." halos bulong na sabi ni Tobias kay Siobhan ngunit narinig ko ito.

"Nagkita yan sila kagabi sa birthday party ng Lola ni Syrhane, e." habol na sabi ni Tobias kaya napa-kunot ako saaking noo.

"Paano mo nalaman?" tanong ko.

"Social media, bro." sagot nito at tinapik ang aking balikat.

"Gawan mo ako ng account." seryoso kong sabi kay Tobias kaya nagkatitigan kami.

Kalaunan ay natawa silang tatlo kaya napa-tingin ako sakanila at naisip kung may nakakatawa ba saaking sinabi.

"Grabe, Soren. Teka-" sabi nito at tumawa ulit kaya inambahan ko ulit siyang sasapakin saka pa siya napatigil at hinawakan ang aking kamao.

"Handang pumasok sa social media para kay Syrhane.." sabi nito.

"Prof Tiu" tawag saakin ni Daryl kaya napalingon ako sakanya. "Itaas mo ang bandera ng Cardiothoracic surgery." patuloy nito at tinaas ang kanyang kamao.

Nakadungaw lang ako kay Tobias habang may kinakalikot siya saaking cellphone. Nag-install siya ng Instagram at gumawa ng account para saakin.

"Anong gusto mong username?" tanong saakin nito kaya nag-isip ako.

"dr.sorentiu prof, para ma-angas." singit ni Daryl.

Nagtawanan ang dalawa kaya napatingin ako sakanila na nagkakasundo sa pinag-gagawa.

"sorentiu lang ang ilagay mo." sabi ko at dinilete ang mga naunang letra.

"Mauna muna ako, may rounds pa akong gagawin." paalam saamin ni Siobhan kaya tumango ako sakanya.

"Ayusin mo yan, wag kang maglagay ng kalokohan." sabi ko kay Tobias at uminom ng tubig.

"May picture ka ba ng sarili mo dito?" tanong saakin ni Tobias kaya napa-iling ako.

Bumuntong hininga silang dalawa ni Daryl at napapa-iling.

"Kailangan nating mag photoshoot, prof." sabi ni Daryl kaya napakunot ako saaking noo.

"Photoshoot? Bakit naman?" lito kong tanong.

"Para guwapo ka sa profile photo mo." sagot naman nito.

"Sige yan, tagilid ka lang tas hawakan mo kunware yang salamin mo." utos saakin ni Tobias habang hawak hawak niya ang aking cellphone para kunan ako ng litrato kaya sinunod ko ang kanyang sinabi.

"Sinong artista tong kinukunan niyo?" napalingon ako sa nagsalita at bagong dating na si Pantaleon.

"Tinawagan kita kanina, nasan ka ba?" tanong ko habang hindi parin gumagalaw.

"May surgery ako, kakatapos lang." sagot nito kaya tumango ako.

"Anong trip mo ngayon, Tobias?" tanong ni Pantaleon.

"Photographer ako ngayon, nagpagawa ng Instragram e." sabay turo saakin ni Tobias.

"Takte, kelan ka ba matatapos?" tanong ko kay Tobias habang hindi parin gumagalaw.

"Okay na." sagot nito kaya bumuntong hininga ako at umayos na ng upo.

Pagkatapos niyang maglagay ng profile photo ay pinost niya din ang tatlong kuha niya saakin na may iba-ibang angulo.

"Pwede ka ng maging photographer, prof!" sabi ni Daryl kay Tobias habang nakatingin saaking litrato.

"Ano bang account ni Syrhane?" tanong ko sakanila.

"Nako, nako. Excited ka masyado ha." malisyosong sabi ni Tobias habang may tinitipa saaking cellphone.

"Yan." sabi nito at binigay saakin. Agad kong nakita ang account ni Syrhane.

May 1.6M followers siya kaya nahiya ako at nagdadalawang isip kung i-fofollow ko ba siya o hindi.

"Alam kong nahihiya ka sa 1 follower mo dyan sa 1.6M followers ni Syrhane." natatawang sabi ni Tobias at tinapik ang aking balikat kaya nagkamot nalang ako ng ulo.

Doctor Series 1: Soren TiuWhere stories live. Discover now