Nang bigla kong pilipitin ang kamay nito na ikinasigaw niya.
"Masakit ba?"
"Eh yung ganto?"mas lalo ko pang inikot ang kamay nito na ikinasigaw niya ng malakas.
"Parang awa mo na masakit"
"Ano ulet?"
"Parang awa mo na masakit, ayoko na!!"
"Hala di kita marinig!"
"T*ng ina kang babae ka pag ako naka takas rito papatayin talaga kita!"banta pa nito.
"Kung kaya mo"saka ko tinadyakan ang kamay nito na ikinabali ng braso niya.
Kaya mangiyak ngiyak na hawak nung lalaki ang kanang kamay nito, sanay kasi ako sa suntukan dahil nga sa lugar ko ay palaging may gulo kaya hindi na ako bago sa gantong sitwasyon!.
"Alam mo ba wala pa akong binibigyan ng persmiso na humawak sa katawan ko? Kasi lahat sila napipilayan!"sigaw ko sa mukha nung lalaking humawak sa braso ko.
"At kayong dalawa? Takot ba kayong mag isa lang bakit kailangan nyo mag sama ng mas matapang sainyo?"
"Halikayo lapit kayo sakin"sigaw ko sa dalawang to pero tumakbo nalang silang dalawa at iniwan yung isang mayabang kanina na akala mo sintigas ng bato eh, u-ugod ugod naman pala.
"Ok kalang ba sir?"tanong ko dun sa lalaki na binubog nung tatlo.
"Damm t*nga kaba nakita mong binugbog ako tas tatanungin mo ako kung ayos lang ba ako? Are you serious?"sigaw nito sa akin.
Aba ang kapal ng mukha niligtas na nga nag iinarte pa!
"Aba sige bahala ka dyan at baka bumalik sila at tuluyan kana"pananakot ko rito.
"Ikaw na tong tinulungan ikaw pa may ganang manigaw huh, ang kapal naman ng balat sa mukha mo"
"Aba sige bahala ka jan tumayo mag isa mo"
"HEYY CRAZY GIRL!"sigaw nito sa gawi ko.
"FINE!"
"HELP ME!"sambit nito syempre bobita lang ako pero busilak ang puso ko no!.
Tilungan ko siyang tumayo at naglakad kami sa napakalayong sakayan.
"Asan ba bahay nyo bakit wala kang dalang sasakyan, hindi ba mayaman ka tignan mo suot mo oh pang mayaman yan diba?"
"Oo mayaman ako kaya nga ako na holdap kanina"mayabang na tugon nito.
"Ah kaya pala na holdap ka"
"Kasi mayabang ka"dagdag ko pa rito.
"Nevermind! Basta dalhin mo nalang ako sa sakayan ng taxi"sambit naman nito kaya, nang makapunta na kami ron ay may huminto naman agad na taxi sa harap namin.
"Hey girl! What's your name?"pahabol nitong sabi sakin kaya muli akong humarap sa gawi nito.
"Diana sir"tugon ko naman rito saka ngumiti.
"By the way Thank you for saving me"sambit nito saka umalis ang taxi sa harap ko.
Kaya wala rin akong nagawa kundi umuwi na dahil malalim na ang gabi, at baka nag aalala na sakin ang nanay ko.
Dumaan rin pala ako dun sa nag titinda ng mamon na tinapay na sinlaki ng cake, para sana pang pamsalubong ko sa mga kapatid ko.
Binili ko narin si tatay ng gamot niya, palagi naman kasi nasaakin ang reseta ng gamot na iinumin nito.
Mabuti nalamang ay mayroon akong pera, na nalikom sa araw na 'to malaking tulong na rin yung na bahagi ni kuyang wirdong naka glass sa mall.
"Nay narito na po ako"pagtawag ko mula sa hagdanan ng pinto namin, oo nga pala nakiki bahay lang pala kami kumbaga nangungupahan lang kami rito, mabuti nalang at mababa lang ang singil ni aling Laylay saamin dahil kundi siguro ay palipat lipat kami ng tirahan.
"Nay gising paba yung mga bata?"tanong ko sa nanay ko nasa harap ko na pala siya.
"Si bryle ata at si rian gising pa pero si bryan tingin ko tulog na"
"Nay oh may kaunti akong pasalubong, saka pala may kaunti akong dalang pera, ito"iniabot ko ang tatlo pang libong pera sakanya at ibinigay ko rin ang gamot ng tatay.
"Nak, saan to galing?"gulat nitong tanong sakin, madalas kasing isang libo or pitong daan lang kasi ang naibibigay ko sa kanya araw-araw pero dahil sa tulong nga nung lalaki kanina sa mall ay pati rin ako natuwa dahil sa laki ng pera na ibinigay niya.
"Galing ho yan sa mall"naka ngiti kong sambit rito, nakita ko naman nag bago ang reaction nito.
"Nak!, Oo mahirap tayo pero di kita tinuruan mag nakaw hindi ba?"sermon nito sakin, kita ko naman hindi pumipikit ang mga mata nito signal na galit nga siya.
"Nay, di ko yan ninakaw ano kaba!"
"Boba lang ako pero di ako magnanakaw no!"
"Binigay sakin yan nung lalaki sa mall, saka sa ganda Kong to mag nanakaw lang?"taas noo kong banggit sa nanay ko, ngumiti naman ito saka ako niyakap.
"Akala ko ninakaw mo na nak e, sapak ka sakin!"banta naman nito sakin habang naka yakap.
Alam n'yo na kung saan ako nag mana ng katapangan?, Edi sa nanay ko, amazona yan e.
"Saka pala nay, kanina alam mo ba"
"May nag tapon ng buko juice ko at natapunan ang damit ko!"
"Alam mo ba kung ano ang ginawa ko sakanya?"pag kwento ko rito nakinig naman 'to sakin.
"Ano ginawa mo nak? Wag mo sabihin pinatay mo ha!"sigaw nito sakin.
"Grabe kanaman nay patay agad?, Bawal bang suntok lang?"
"Sinuntok ko yung mukha niya nay, ang yabang kasi tatalikuran ba naman ako nang hindi nag babayad sa buko juice na iniinom ko"mahabang kwento ko rio.
"Ayon nay, dumugo ang bibig bagay lang yun sa kanya apakayabang porket mayaman!"singhal ko pa sa nanay ko.
"Oh buti di ka pinakulong? Sayang"pang aasar nito.
"Anong sayang nay? Gusto mo ba ako makulong?"
"Hindi naman nak, nag papaalala lang"
"Ay wow nag paalala kapa sa lagay na yan nay ha"
"Ate dian!!"sigaw ni bryle saka ni rian at lumapit sa gawi ko, niyakap naman ako nito ng pagkahigpit higpit,
Malambing talaga ang dalawang 'to."Ate dian asan po yung pasalubong mo samin?"ani ni bryle sakin, saka ngumiti ng pagkalawak lawak.
"Nandun kay nanay itanong n'yo binigay ko sakanya"turo ko naman sa nanay ko at inilabas naman ni nanay yung mamon na sinlaki ng cake at kumain narin kami ng sabay.
Bukas ko nalang siguro ka-kamustahin yung tatay ko dahil alam kong tulog na 'yon nang gantong oras.
Mag aalas dose narin kasi ng hating gabi,kaya tahimik narin ang paligid namin.
BINABASA MO ANG
Ang Bobitang Babaita
RomanceSiya si dian kilala sa pinaka bobitang babae sa buong lugar Nila, hindi siya nakatapos ng pag-aaral dahil sa hirap nga ng buhay. Sa araw-araw nitong paghananap ng trabaho ay hindi niya aakalain na mas higit pa ang makukuha niyang trabaho. Ngunit sa...