Nakangiti akong nag lalakad habang pababa sa building na 'yon, tama nga si kuyang guard ngayon ang swerte ko!.
Tumatalon sa tuwa ang puso ko, dahil natanggap ako sa trabaho, at panigurado na matutuwa ngayon ang nanay ko.
"Yes kuya!,natanggap ako!"niyuyogyog ko si kuyang guard habang sinasabi ang mga linyang 'yon.
"Tama na miss, nahihilo ako"reklamo nito sakin, kaya tinigilan ko na ang pag yugyog ko sa kanya.
"Ay sorry kuya, natutuwa lang kasi ako ngayon,dahil tama ka nga, ngayon ang swerte ko!, Ito na yata ang pinaka masayang araw sa buong buhay ko yes!"nakangiti kong saad.
Hanggang ngayon ay nakangiti parin akong pauwi sa bahay namin, dahil nga sa magandang balita na ihahatid ko sa nanay ko.
Pagkarating ko sa bahay namin ay kaagad akong mag ta-takbo sa harap ng nanay ko, excited na kasi akong ibalita sakanya na natanggap ako sa trabaho.
"Nay!"sigaw ko sa bahay namin, pero walang nasagot, kaya lumabas ako ng bahay para mag tanong sa kapit bahay kung saan sila nag punta.
Hindi kasi maganda ang kutob ko, bumibilis ang tibok ng puso ko ng hindi ko alam ang dahilan.
"Aling susan nakita nyo ho ba sina inay?"tanong ko rito,umiling naman ito.
"Oo, sinugod ang itay mo kani-kanina lang, jan sa malapit na hospital"
Nagtungo ako sa hospital na pinagdalhan sa tatay ko, hindi na ako nag isip basta ang alam ko lang ay makapunta ngayon sa kanya.
Mabilis lang rin naman ako nakapunta sa hospital na iyon, nag tanong agad ako sa nurse kung saan ang room na pinagdalhan sa tatay ko.
Pagkarating ko roon, nakahiga ang tatay ko na may dextrose ang nanay ko naman ay nakatulog sa kaliwang bahagi ng kamay ng tatay ko, hindi ko mapigilan mapaluha sa lagay niya ngayon.
"Nay"paunang banggit ko rito, nagising naman 'yon saka tumingin sa gawi ko.
"Anak?"
"Ako po 'to nay si dian"
"Kamusta pala lakad mo nak?"
"Natanggap na ho ako ng trabaho nay, pero ang tatay nakahiga naman jan"mahinang banggit ko rito, hindi ko kasi magawang mag saya dahil sa kalagayan ng tatay ko ngayon.
"Mag uumpisa palang ho ako nay, pero ang tatay naman inatake, saan ho tayo niyan ngayon kukuha ng pera"dagdag ko pa.
Hinawakan ni nanay yung kamay ko saka ako pina upo sa tabi nito.
"Wag ka mag alala nak, makakaraos rin tayo, wag mo munang isipin ang itay mo, mag trabaho ka muna, alam ko naman lalakas yang itay mo sa mga susunod na araw, kaya wag mo alalahanin ang itay mo malakas yan siya, saka kailan pala ang umpisa ng trabaho mo nak?"
"Bukas na ho agad, nay nang alas nuebe ng umaga"
"Oh siya sipagan mo ha, para maging regular kana jan"sambit pa nito sakin saka ako niyakap ng pagkahigpit higpit.
"Opo, nay dalhan ko nalang po kayo ng pagkain rito ni itay, uuwi narin ako, para maihanda ko ang pagkain nyo rito, babalik rin ho agad ako"paalam ko rito, kaya umuwi muna ako pansamantala,mabuti nalang ay may natira pa akong pera, at yon nalang siguro ang ipambibili ko nang pagkain ng itay.
Nang galing muna ako sa palengke para bumili ng mga gulay na lulutuin ko na ihahatid ko sa tatay.
Pagkatapos ko mamalengke ay mag tungo narin ako agad sa bahay namin, tahimik 'yon dahil ang mga kapatid ko ay nasa lola ko, inihatid pala sila ni nanay kanina dahil wala nga walang mag babantay saka nila sa bahay.
"Oh dian, ito kunin mo kaunting tulong yan para maipambili mo ng gamot ng tatay mo"salubong sakin ni aling mary jane, yung nasunugan ng bahay nung nakaraang araw, nagawa niya parin tumulong kahit siya ang may pangangailangan ng tulong.
"Salamat ho aling mary"nasambit ko nalamang rito, tumuloy sa pagpasok ng bahay namin.
Nilutuan ko nalamang si tatay ng pakbet alam kong paborito niya 'yon kaya sigurado akong kakainin niya yon.
Pagkatapos mag handa ng pagkain ay naglagay ako ng limang pirasong mansanas sa plastic bag at saka lumabas ng bahay.
Mag tutungo naman sa hospital para ihatid ang pagkain nila, bawal kasi ako ma late kinabukasan dahil nga ayon ang unang pasok ko sa trabaho.
Pagkatapos ko ihatid ang pagkain sa hospital ay naisipan ko nalang rin matulog dahil maaga pa ako para bukas.
*Kinabukasan*
Nagising ako nag pag ka aga-aga dahil nga alas nuebe ang usapan namin nung boss ko.
Boss na tawag ko dahil yon naman talaga yung tawag dun diba?
Boba lang ako pero nakakaintindi naman ako no wag n'yo na agad ako i judge.
Mag aalas syete palamang ng umaga ay naghanda na ako, nag luto nalang ako ng itlog at kumain ng bahaw na kanin, 'yun nalang kasi ang natitirang kanin saamin kagabi.
Hindi ko na madadalaw si tatay sa hospital dahil nga alas nuebe ang kitaan namin.
Saka alam ko naman na marami pang matitirang pagkain ron sa ibinigay ko sa kanila, dahil kaunti lang naman kumain si nanay at tatay, panigurado akong tatagal pa 'yon ng apat na araw.
Oo nga pala naka suot ako ngayon ng jeans at t-shirt na may kwelyo pa, galing kasi yon sa nanay ko, dati niya yon sinusot nung kabataan pa niya.
Nakasuot rin ako ng sandals na hindi gaanong kataasan.
Humarap muna ako sa salamin saka, nag lagay ng lipstick na ginagamit ako.
Oo na boba lang ako pero di ako malandi, kailangan lang talaga nito ngayon dahil nga dapat maganda parin ako, wag yung boba kana tas pangit kapa! Oh diba wag ganon.
Nag jeep nalang ako, papunta duon sa sm manila, pero dahil sa kabilang building 'yon ay kailangan ko pang tumawid sa kabilang kanto.
Pagkatapos ko tumawid, oo nakatawid ako ano kala nyo sakin?
Syempre boba kana sa lahat ng bagay wag lang sa tawiran kung gusto mo pa mabuhay.
Umakyat narin ako sa pagkataas taas na floor ng boss ko.
Saka pala alam ko narin ang pag punta sa room niya, dahil nga ilang besses na akong nag punta rito, malamang sa malamang ay matatandaan ko na ang kwarto 'to.
Pumasok na ako sa malamig na kwartong 'yon, nakatalikod nanaman ang upuan na nandun, kaya hindi ko alam kung may tao ba dun o wala.
"Sir?"banggit ko rito, pero bigla nalang iyon humarap, nanalaki nanaman ang mata ko, dahil yung lalaking boss ay yung......
BINABASA MO ANG
Ang Bobitang Babaita
RomanceSiya si dian kilala sa pinaka bobitang babae sa buong lugar Nila, hindi siya nakatapos ng pag-aaral dahil sa hirap nga ng buhay. Sa araw-araw nitong paghananap ng trabaho ay hindi niya aakalain na mas higit pa ang makukuha niyang trabaho. Ngunit sa...