Chapter: 10

8 1 0
                                    

"dian, would you want to go with me?"sambit ni carl sa malamig nitong bosses, hindi ko alam kung ano ang nang yari sa baklang 'to biglang naiba kasi ang bosses nito.

Naging malamig at parang matigas na ang bosses nito ngayon.

"Ano?"tinignan ko naman 'to ng patanong.

"Sabi ko pwede kabang sumama sakin?"sagot nito habang nakatitig sa mga mata ko.

"Saan pupunta?"tanong ko naman rito pabalik, saka muling sumubo ng kanin, grabe ang sarap ng ulam nila rito.

"Where are you two going?"sambit ni boss adriane sa malamig nitong bosses, hindi ko alam kung galit ba siya dahil sa tono ng bosses niya.

"Mall"sagot naman ni carl rito, kaya bumalik ako sa pagkain ng kanin kasi di ko naman sila naiintindihan e.

Nag usap pa sila ng matagal, pero di ko na 'yon pinakinggan kasi puro ingles yung sinasabe nila, dudugo ang ilong ko pag pinakinggan ko pa sila.

"DIAN!"nabigla ako at muntik nang mabulunan dahil sumigaw yung boss ko, kaya tumingin agad ako rito.

"Si-sir?"

"Come with me now!"buo nitong bosses ang bumalot sa buong bahay nila, napalunok ako bigla, dahil hindi ko alam kung bakit parang galit siya.

"ARE YOU GONNA COME WITH ME OR NOT?"sigaw nito muli sakin, kaya dali dali akong tumayo mula sa mesa at ngayon naka salubong na ang dalawa nitong kilay habang naka tingin saakin.

Hinila ako nito palabas at sumakay sa kotseng sinakyan namin kanina.

Umupo siya sa harap, hindi katulad ng inupuan niya kanina.

Ngayon ay wala na kaming kasamang alalay niyang naka black, kaming dalawa lang yung nandun sa kotse niya at bigla niya 'yun pinaharurot.

"MAG PAPAKAMATAY KABA SIR?"sigaw ko sa kanya kasi sobrang bilis ng pagpapatakbo niya at sigurado akong di niya maririnig pag bumulong lang ako.

"KUNG GUSTO MO PALANG MAMATAY BAKIT SINAMA MO PA AKO?"sigaw ko muli.

Ang ganda ganda ko tapos mamatay lang ako sa lalaking to.

Aba t*arantado mag drive, gusto naman pala mamatay nag sama pa.

Maya maya lang nandito na kami sa sm manila, inihatid niya pala ule ako dito.

Lumabas siya at binuksan yung pintuan ng kotse nito sa gawi ko.

Kaya lumabas rin ako at sumunod sa kanya, maya maya pa ay may sumalubong sakanya na naka itim rin na katulad ng suot ng ibang alalay niya.

Ano ba meron sa itim?, Nagluluksa ba sila araw araw?.

Naglakad kami papasok ng sm kasama yung mga sumunod na nakakulay itim na alalay rin niya.

Mga nakasalamin din silang itim at hindi ko alam kung diretsyo ba silang tumingin.

Bakit kasi kailangan nila mag salamin sa loob ng mall?.

Maya maya lang pumasok kami ni boss adriane sa isang kwarto, dinala niya pala ako sa isang bilihan ng mga damit.

Hindi ko alam kung ano gagawin namin rito, kaya napatingin ako dun sa boss ko.

"Sir?, Anong gagawin natin dito?"tanong ko rito, bumuntong hininga muna 'to.

"Pumili ka nang damit, kahit ano"utos nito sakin, kaya pumunta na ako roon nag isa isa ng hanap.

Lumapit muna ako ulit sa kanya para manigurado lang "libre ba to sir?"paninigurado ko rito, aba wala akong perang pambili no.

"Oo, pumili kana bilisan mo kahit ano na ang piliin mo bibigyan kita ng limang minuto"sambit nito kaya dali dali akong nag tatakbo dun sa loob ng kwartong 'yon.

Nananlaki pa ang mata ko ng makita ko ang presyo ng mga damit na 'to.

"Ang mahal!"bulong ko sa sarili ko, ano bang presyo to? Ginto.

400, 500,700,1000. Ang mga presyong naroon, kaya kumuha ako nang damit na halagang 400 lang, ang kapal ko naman kasi kung kumuha ako ng mas mamahalin.

Kumuha lang ako ng tatlong t-shirt at isang dress na nag kakahalagang 400.

Pagkatapos non ay bumalik ako sa gawi ni boss adriane at ipinakita ko ang apat na damit na kinuha ko.

"Ayan na lahat?"tanong nito sakin, kaya tumango lang ako rito at kinuha naman nito ang dala kong apat na damit saka dumiretsyo sa cashier.

Maya maya lang dala na niya ang apat na paper bag at sumunod naman ako kung saan siya pupunta.

"Pag dating mo sa company ko ang susuotin mo ay itim"sambit nito sakin. Kaya napatingin ako sakanya.

"Bakit ba lahat kayo naka itim sir?"tanong ko rito, dumiretsyo lang ito ng lakad.

"nag luluksa ba kayo?"muli kong tanong rito, napahinto naman siya saglit saka humarap sakin.

"Oo"nasagot nalamang nito saka tumuloy sa paglalakad.

Nag luluksa? Bakit namatayan ba sila? Masama ba yung tanong ko?

I text ako sa 09********* kung mali ba yung tanong ko.

"We're here, do you wanna eat something?"tanong nito sakin, kaya kumunot lang ang noo ko.

"Huh?"tanong ko naman dito, hindi ko kasi siya naintindihan.

"Ang sabi ko andito na tayo may gusto kabang kainin?"muli nitong tanong ngayon naman ay tinagalog niya na ang sinabi niya.

"Ikaw bahala sir basta libre"sambit ko rito, aba syempre siya nag dala sakin dito e.

Ngayon ko lang napansin na nasa harap pala kami ng nagtitinda ng buko juice.

"Here"inabot nito ang large na buko juice saakin, ngayon ko lang kasi napansin na nandito pala kami.

Iinumin ko palang yung buko juice nang biglang lumipad 'yon sa kamay ko at sumigaw yung boss ko.

"DAMM! ARE YOU F*UCKING BLIND?"sigaw niya dun sa lalaki na tumakbo sa gawi ko.

lumapit naman 'yon sa gawi ni sir at hinawakan ang kwelyo nito.

"Ang tapang mo ah"Sambit nung lalaking bumangga sa buko juice ko.

Medyo nagulat pa ako sa nangyari kaya tulala akong nakatingin lang sa kanila.

"Gusto mo bang suntukin ko yang mukha mo?"

"Wala akong pakelam kung ano man yung natapon! Akala mo papalag e!"sigaw nito sa harap ng boss ko.

Medyo may kalakihan ang katawan nito kumpara sa boss kong payatot.

"Ano di ka makapag salita?"tanong nito sa boss ko, aambahan niya na sana yung boss ko.

Nang bigla kong tabigin ang kamay nito na sasayad na sana sa mukha na ni boss adriane....

Ang Bobitang BabaitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon