Angela POV
Tahimik na nasa sasakyan kami ni MY Loves, papunta sa ospital, ngayon kasi ang check up namin at nagpupumilit na sumama si My Loves.
“Kinakabahan ako” NApatingin ako sa kanya kasi nagsalita sya
“Huh? Bat ka naman kinakabahan?”
“Ayokong marinig ang mga sasabihin ng doctor hindi ko kaya” mahina ang boses nya habang sinasabi yun. KAhit ako man ayoko syang isama sa mga check up ko kasi alam kong masasaktan at maapektuhan sya pero wala akong magagawa bilang Fiance nya kailangan nyang malaman ang kondisyon ko
“Gusto mo sa labas ka na lang? ako na lang kakausap kay doc” Hinawakan ko ang kamay nya at nginitian sya
“Ayoko. Kailangan kong malaman kung anong mga bawal sayo para maalagaan kita ng maayos” Sabi nya sa akin
“Okay” yun na lang ang nasabi ko at nakarating na kami sa ospital
~~
Pagkapasok namin sa ospital biglang tumigil sa pagtratrabaho yung mga Nurse at nakangangang nakatingin kay My Loves
>____________<
Grrrr. Ang mga mata nila ang sarap dukutin!
“Hmp! My Loves buhat mo ko!” nakangusong sabi ko sa kanya
“Huh? Bakit?” nagtatakang tanong nya
“Basta! Buhat mo ko! Yung sweet ah!” sabi ko at agad naman nya akong binuhat. Yung parang bagong kasal na buhat, inirapan ko yung mga nurse na ngayon ay nakayuko na lang
AKIN SYA KAYA WAG NYO SYANG TITIGAN >_______<
Hanggang nakarating kami sa Office ni Dr. Lopez ay buhat buhat pa rin nya ako kaya pagkakita na pagkakita sa amin ni Doc napanganga sya
“Anong eksena yan Angela?” tanong nya sa akin
“Ang lalandi kasi ng mga nurse nyo ditto eh! Parang kakainin ng buhay yung My Loves ko!” Nakanguso kong sagot sa kanya at napatawa na lang sya
Naupo na kami at nakangiting nakatingin sya kay My Loves
“So you must be Mark? Angela’s Fiance?” Tanong ni Doc sa kanya
“Yes Doc” seryosong sagot nya
“Mabuti na lang at nakilala na kita, matagal na kitang gustong makilala para mapagusapan ang kondisyon nya. Ang buong akala ko si Trey ang fiancé” asar ni doc sa kanya
“Epal lang yun doc. Feelingero Tss. Matandang binata kasi eh” asar na sabi ni Myloves at napahalakhak si Doc sa sinabi nya
BINABASA MO ANG
Side Story: 100 days with YOU (COMPLETED)
RomanceSide story ng I Accidentally Married A Gangster Story of Mark and Angela Salamat sa gumawa ng cover si Elle_tamz-tamz & Othehunjjy ~~ Supportahan nyo pooo sana itoo :)