100 Days With You-25

3.6K 91 4
                                    

Angela POV

“Sasamahan na lang kita magpacheck up” pangungulit sa akin ni Trey

Simula nung sumakit ang ulo ko gabi gabi na nangyayari sa akin yun, pasakit ito ng pasakit at matagal na rnin bago ito mawala . Napansin ni Trey ang panlalata ko kaya kinausap nya ako mabuti na lang at busy ngayon si My Loves kaya hindi nya napapansin ito.

“Wag na Trey nakakaabala na ako sayo masyado, ako nang bahala sasabihan na lang kita” Nakangiting sabi ko sa kanya

“Pero paano kung atakihin ka habang papunta sa Ospital? Angela hindi ako mapapakali” pangungulit pa rin nya

“AKong bahala. Okay. Pag may masakit sa akin tatawagan agad kita”

Ayoko nang abalahin pa si Trey nahihiya na ako sa mga ginagawa nya. Nasakta ko na nga sya tapos aabusuhin ko pa ang kabaitan nya kaya ako na lang ang bahala sa buhay ko. Okay na sa akin na nandyan si Trey para bantayan at alagaan ako

.

.

.

.

Pagkadating ko sa Ospital dumiretso ako agad kay Doc at agad naman nya akong inasikaso at chineckup

“Hmmm. Ayun sa results palaki ng palaki ang tumor mo sa ulo Angela so kailangan moa gad maopera pakonti na ng pakonti ang oras mo” malungkot na sabi sa akin ni Doc

“Pero Doc hindi pa po ako handa eh”

“Im sorry Angela Pero kailangan mon a talagang magpaopera kung ayaw mong lalo pa itong lumala” Doc

“Pag-iisipan kop o muna” malungkot na sabi ko

“Well As for now itataas ko ang mga gamot mo. Hindi na kaya ng painkiller ang sakit ng ulo mo kaya dadagdagan ko pa and Please Angela inumin mo ito para gumaling ka at para pag naoperahan ka Malaki ang possibilities na mabuhay ka”sabi sa akin ni Doc at ngumiti lang ako.

Pagkatapos kong magpacheck up agad na umuwi ako para sabihin kay Trey yung sinabi sa akin ni Doc at as usual nagagalit nanaman sya

Ang kulit mo kasi Angela eh! Bakit ba ayaw mong magpaopera?!”

Kausap ko ngayon sa phone si Trey hindi ko na sya pinuntahan dahil tinatamad na ako

“Ayoko pa, Natatakot ako nab aka lalong mapadali nito ang p-pagkamatay ko” mahinang sagot ko sa kanya at narinig kong napamura sya sa sinabi ko

“Pwes kung ayaw mo munang magpaopera sabihin mon a kay Mark ang sakit mo dahil alam kong sya lang ang may kayang magpalakas ng loob mo”

 

“Lalong ayoko! Ayokong masaktan sya, Ayokong malungkot sya at lalong ayokong kaawaan nya ako. Sasabihin ko rin pero hindi pa ito ang tamang panahon”

Side Story: 100 days with YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon