100 Days With You-13

5K 108 15
                                    

WARNING medyo SPG heheheh

Angela POV

Nagising ako sa sinag ng araw sa bintana, At dahil din napakasakit ng ulo ko hindi ako agad makabangon. Habang nakapikit ang mga mata ko narinig ko na may nagbukas ng pintuan

“Sige po Doc maraming salamat po” Narinig kong salita ng isang tao na kaboses ni Trey

Doc? Bat may Doctor sa kwarto ko?

At doon ko lang napansin na iba ang amoy ng kwarto na to, amoy ospital so ibigsabihin nasa ospital ako?

“Angela?” Tawag sa akin ni Trey kaya unti unti kong binuksan ang mga mata ko

“T-Trey” Nanghihinang sabi ko at aktong tatayo sana ako pero agad nya akong pinigilan at inalalayan ulit humiga

“Magpahinga ka muna, Nagugutom k aba?” Seryosong tanong nya

“Ano? Ano bang nangyare?” kinakabahan na tanong ko kay Trey

“Kumain ka na muna Angela” seryoso nya pa rin sabi sa akin at ipinaghahanda ako ng pagkain

“Trey”

“Hindi ko tinanggap yung pagkain ditto sa ospital bumili na lang ako kaya kumain ka ng marami” Sabi nya at hinarap na sa akin yung mga pagkain, Kinakabahan ako, Hindi ko alam kung anong nangyayare

“Alam mo na ba?” Nakayukong tanong ko sa kanya

Napatigil sya sa ginagawa nya at humarap sa akin na may awa sa mukha

“Angela tigilan mo na to” Nakayukong sabi nya at hinawakan ang dalawang kamay ko

“A-Ayoko trey” Umiiyak na sabi ko

“Pero Angela—“

“Sana hayaan mo na ako sa ginagawa ko, Gusto kong sumaya Trey, At alam kong sasaya ako sa piling ni Mark” Pagmamakaaawa ko sa kanya pero tumayo lang sya at sinuntok yung pader

“BULLSHIT! THAT’S BULLSHIT! Angela paano ka sasaya sa kanya?! Nandoon ako sa oras na umiiyak ka! Ako ang karamay mo sa oras na nasasaktan ka. Angela masaya k aba?!” Sigaw nya sa akin

“Hanggang kasama ko si Mark masaya ako” sagot ko

Totoo naman eh kahit nasasaktan na ako hindi ko pa rin kayang iwan si Mark, ganun ko sya kamahal kahit hindi ako aang makakapagpasaya sa kanya ang mahalaga nakikita ko syang masaya

“Angela. Please. Nagmamakaawa ako sayo. Layuan mo na si Mark” sabi sa akin ni Trey

“Bakit Trey? Bakit ka ganyan? Bakit kung kalian kailangan kita nandoon ka? Kung kalian malungkot ako nandyan ka para pasayahin ako. Kung kalian mahina ako andyan ka para palakasin ako? Bakit mo to ginagawa?”

Side Story: 100 days with YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon