100 Days with You-34

3.1K 97 11
                                    

Mark POV

Masakit sa pakiramdam na yung simpleng bagay na lang nagsisinungaling pa yung taong mahal mo, Yung akala mo hindi ka na nya sasaktan pero nasaktan ka pa rin nito. Inaamin ko nasaktan ako ng sobra sa ginawa sa akin ni Angela dahil hanggang ngayon naglilihim pa rin sya sa akin, Alam naman nya na kaya kami nagkahiwalay dahil sa pagsisinungaling nya at eto nanaman sya ginagawa nya

~Flashback

Pagkagising na pagkagisng ko kinapa ko si My Loves kung katabi ko pa rin sya pero laking gulat ko wala na sya, Agad akong nag-ayos at hinanap sya pero wala akong nakita kahit anino man nya, Pumunta akong kusina at nakita kong may nakahapag na pagkain doon at may note

My Loves! Hindi na kitang hinintay magising, maaga akong umalis, uwi din ako agad, Loveyouuu <3’

 

“Ganun ba kahalaga yung kaibigan nya at hindi nya ako nahintay gumising?”

Kinain ko na lang ang hinanda nyang pagkain at hinitay syang umuwi, Nang magtanghali na kukuha sana ako ng pagkain pero nagulat ako dahil wala na kaming stock kaya no choice ako at pumunta akong Mall, pagkatapos kong mag-grocery naopagisipan ko na umuwi na agad baka kasi nasa bahay na si My Loves pero may nakita akong isang tao na kamukhang kamukha ni My Loves at nagkakatuwaan sila ni Trey lumapit ako sa kanila at hindi ko napansin na nasa harapan na nila ako

“Kailan pa nagging babae si Trey?”

“Sinungaling ka pa rin hanggang ngayon” At naglakad na ako palabas sa mall at hindi hinintay si Angela

~End of Flashback

Kasalukuyan akong nagmamaneho at ang cellphone ko ay walang tigil sa pag-ring, hindi koi to sinasagot dahil alam kong si Angela ang tumatawag, wala akong balak na kausapin sya dahil galit nag alit ako baka ano pang masabi ko at lalo pang lumaki ang gulo

Tumigil ako sa isang park na malayo sa condo namin, gusto ko munang mapag-isa hindi ko pa kayang harapin si Angela at si Trey.

Angela POV

“Trey..Hindi pa ba umuuwi si My Loves? T-trey nag-aalala na ako b-baka anong n-nangyare dun” Kanina pa ako palakad lakad sa condo namin ni My Loves kanina pa kasi namin sya hinihintay pero hindi pa sya dumadating gabing gabi na nga.

Noong nakita nya kami ni Trey agad ko syang hinabol pero hindi ko sya naabutan hindi man lang nya ako binigyang ng time para magpaliwanag, Maling mali talaga yung desisyon ko na hindi sabihin sa kanya ang totoo lalo lang lumala ang sitwasyon

“Shhhhh. Angela tumigil ka na sa pag-iyak makakasama sayo yan” At niyakap ako ni Trey habang pinapatahan nya ako sakto naman dumating si My Loves na walang kareareaksyon ang itsura agad akong tumayo para lapitan sya pero lumayo lang sya

“Kung maglalandian kayo ditto sa Condo ko lumayas na lang kayo” Malamig na sabi nya at naglakad

“M-My Loves Let me explain… P-please?” Nauutal na sabi ko at napatigil sya sa paglalakad

“Explain? Hindi pa ba sapat yung kasinungalingan na sinabi mo? Angela ang sabi mo sa akin BABAE ang kikitain mo pero nakita ko kayo ni Trey na masayang kumakain sa labas at ngayon naman nagyayakapan kayo? Anong kagaguhan to?! Angela naman! Hanggang kailan mo ba balak akong saktan? Hindi pa ba sapat lahat ng pananakit mo? Bat kaibigan ko pa?!” Napatakip ako ng mukha ng Makita kong sunod sunod ang luha na lumalabas sa mata nya

Mark hindi mo kasi naiintindihan, sana hayaan mo akong magsalita

“Mark magpapaliwanagy nga daw si Angela” Sabi naman ni Trey pero sinmaan lang sya ng tingin ni My Loves

“Isa ka pa eh! Ano nanaman bang kagaguhan to ha Trey?! Binigay mo na sya sa akin diba?! Bat ba hindi mo sy layuan?!” At inatake ni My Loves si Trey at sinuntok ito lumaban din si Trey at pinagsusuntok sya

“Bakita ba kasi hindi ka making sa paliwanagy nya?!” Sigaw ni Trey habang nagusuntukan sila ni My Loves

“Kitang kita na ng dalawang mata ko ang kagaguhan nyo! Ano pang gusto mong malaman ko?!” At sinuntok ito ni My Loves ng malakas at napahiga si Trey

“Tama na! My Loves! Tama na! Nasasaktan ka na!” Niyakap ko sya sa likod pero tinulak lang nya ako at napaupo ako sa sahig at napahawak sa ulo ko

Shit. Wag ngayon. Hindi ako pwedeng atakihin ngayon. Dahan dahan akong tumayo at pinigilan sila pero malakas si My Loves kaya hindi ko sila mapigilan

“TANG INA NYO!” Galit nag alit si My Loves at duguan na ang mukha nilang dalawa ni Trey, Sinipa sya ni Trey hanggang mapunta sa ibabaw ni Mark si Trey

“ANGELA IS DYING! PUTANG INA MAMAMATAY SI ANGELA!” Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Trey sabay na pagkirot lalo ng ulo ko

“Ahhhhh!!” Malaks na sigaw ko hanggang sa mapaupo ako

“T-tama na p-please” Nahihirapan na sabi ko habang pinipilit na kalimutan ang pagkirot ng ulo ko. Agad na lumapit si Trey sa bag ko at kinuha ang gamot ko habang naman si My Loves tulala na nakatingin sa akin

“Fuck.Fuck.Fuck. Ito Angela inumin mo” agad nya binigay ang gamot ko at pinainom sa akin to. Hinarap ni Trey si My Loves

“Narinig mo ba ako? Angela is dying, kaya ko sya kasama kanina dahil nagpacheck up sya sa doctor nya at inaya ko lang syang kumain sa labas, anong masama dun, Alam kong wala ako sa lugar para sabihin to pero yun lang ang alam kong paraan para mapatigil ka, tanong mo na lang Angela kung may gusto ka pang tanong” at naglakad palabas ng condo si Trey habang ako naman nagpapahinga at nakatitig kay My Loves na ngayon ay palapit na sa akin

“S-sorry na…Hayaan mo sana akong magpaliwanag” umiiyak na sabi ko pero niyakap nya lang ako

“Ano nanaman ba to My Loves? *sniff* Iiwan m-mo nanaman ba ako?” Sumubsob sya sa leeg ko at doon sya umiyak, Ito ang kinatatakutan ko ang iwan sya at Makita syang masaktan. Niyakap ko na lang sya at hindi muna ako nagsalita nasasaktan ako tuwing nakikita syang umiyak

Im sorry My Loves

~

Enjoy Reading!!

Side Story: 100 days with YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon