100 Days With You-32

3.3K 87 6
                                    

Mark POV

“NO ASHLEY. Stay here” Matigas na sabi ni Kurt kay Ashley na ngayon ay kasalukuyan na nag-aaway sila

“Pero Kurt! Hindi kita pwedeng iwan dun! Dapat kasama mo ko. Laban ko din to” Sagot naman sa kanya ni Ashley

“Ashley. Sa tingin mo papaya ako na masaktan ka o masaktan ang mga anak natin? Ako ang Padre de Pamilya at ako ang masusunod” galit na sabi ni Kurt

“Pero Kurt—“

“Wala nang pero-pero. Maiiwan ka ditto kasama si Angela at protektahan nyo ang mga bata, mas ligtas kayo ditto. Tara na Mark” Nagmadaling lumabas si Kurt at hindi man lang nagpaalam kay Ashley. Galit nag alit na siguro si Kurt. Kung ako man ang nasa posisyon ni Kurt mas pipiliin kong ikulong ditto ang pamilya ko

“Intindihin mo na lang sya Ashley gusto lang naman nya na protektahan kayo, Sige mauna na kami. Mag-ingat kayo…. Bye My Loves” Sabi ko at nagmadali na at baka iwan ako ni Kurt

.

Naabutan ko si Kurt na seryoso ang mukha at nakasakay na sa sasakyan, kasama din namin si Joshua at mukhang wala din sya sa mood.

“Problema mo Joshua?” nagtatakhang tanong ko

“Tanong mo dun sa Eunice nay un at hindi marunong umintindi” Inis na sabi nya

Aww. Mukhang may away mag syota to ah

“Bakit?”

“Ayaw akong payagan na samahan kayo at kung ano ano pa ang sinabi, Mahal ko si Eunice pare pero minsan ang pagiging palengkera nya hindi ko na matiis” at ginulo nya ang buhok nya sa sobrang inis

“Nag-aalala lang naman yun sayo, Dati kasi bumalik sya na puro pilay ka, Girlfriend mo yun  kaya normal lang sa kanya na mag-aalala” paliwanag ko sa kanya habang umiiling

“Alam ko yun pero sana maintindihan nya na Gangster ang boyfriend nya at hindi maalis sa amin ang pakikipaglaban” at bumuntong hininga na lang sya

“Kailangan nyong ayusin agad yan at baka saan pa mauwi yan” Ako

“Oo naman hindi ko yun matitiis. Eh yung lalaki nay an anong problema?” sabay nguso kay Kurt na seryoso pa rin ang mukha

“Away mag-asawa” maikling sagot ko

Kung nagtataka kayo kung bakit ganun lang mag-react si Ashley dahil ay papunta kami sa Underground world. Bakit? Para hunapa ng sagot. Kailangan namin malaman kung sino ang umatake sa amin at ang hinala namin nasa underground world din yun. Hindi Malabo yun dahil marami din Galit sa The Breakers at sa grupo din ni Ashley.

Sa tinagal tagala namin na hindi nakabalik dun ay natatakot sila Ashley nab aka daw may umatake sa amin gusto niyang sumama kay Kurt pero hindi sya pinayagan dahil nag-aalala din si Kurt

Side Story: 100 days with YOU (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon