GYMNASIUM (SECOND TO THE LAST)

34 3 0
                                    

THIRD PERSON'S P.O.V

"Hah..hah..."  di mapigilan ng buong Darwin hingalin. Nagalugad na nila ang buong eskwelahan, kaso wala pa rin no clue pa rin.

Mag-aalas dose na at wala pa rin silang napapala. At bukas na ang last day nila sa pag-sstay sa eskwelahan na iyon.

"Hay! Paano kaya kung iwanan na lang natin sila dito? Malay mo, pinaprank lang pala tayo.. Sayang paghihirap natin kung niloloko lang pala tayo ng mga iyon." Sabi ni Charles sabay inom ng tubig.

"Oo nga, paano nga kung niloloko lang tayo? Siguro tumatawa ang mga iyon ngayon.!" Sabi ni Isabelle na tila naiinis.

Bigla naman natahimik sina Verlon, Shiela, Jude, Maxine at Jana, biglang namutla ang mga mukha nila habang naalala nila ang nakakatakot na karanasan.

"Hay naku Guys! Paano naman kung hindi? Paano kung introuble na talaga sila ha? At nandito na tayo eh. Gym na lang ang di pa natin natitingnan? Kaya go lang ng go!" Sabi ni Hannah sabay tayo sa kanyang kinauupuan.

"Hay naku. Bala kayo. Basta ako aalis na ako dito. Ang susi ng gate di pa nga nakikita eh. Tapos sila hahanapin natin? Malalaki na nga sila eh. At tsaka last day na natin ngayon! Kaya mag-aksaya kayo ng panahon para hanapin ang susi ng gate." Sabi ni Mark Stephen sabay walk out.

"Oo nga, tama si Stephen. Aalis na din ako." Sabi naman ni Jairus.

"Sorry guys, kaso tama si Stephen eh. Aalis na din ako." Sabi ni Isabelle, sumunod si Michelle, si Rachelle at si Erika hanggang sina Jude, Shiela, Jana, Verlon, Maxine at Hannah na lang ang natira doon.

"Naku. Guys, tayo tayo na lang! Hayaan mo sila. Ang Darwin loyal yan sa isa't isa di ba?" Sabi ni Hannah ng nakangiti.

Bigla namang tumayo si Verlon.

"Sorry Hannah. Pero, ayaw ko nang maranasan uli ang nangyari sa akin." Sabi nya kay Hannah.

"Ah ok lang yan! Kami kami na lang." Sabi ni Shiela

"Oo nga Hannah. Ayaw na namin. Parang na-trauma kami sa nangyari." Sabi ni Jana..

"Hannah. I'm sorry. Ang ebidensya naman nasa cellphone ko di ba? Ang text message. Kaya sorry di ako sasama." Sabi ni Maxine.

"Hannah. Kahit ayaw ko pumunta sasama pa din ako. Ako kasing nag-suggest na tulungan sila di ba? XD" sabi ni Jude. Natawa naman ng onti ang sina Verlon.

"Salamat Jude. At para sa inyo. Sabihin nyo na din sa ibang Darwin. Pinaghirapan natin itong planuhin? Tapos ganito lang igaganti nyo? Ang Darwin, hindi nag-iiwanan." Sabi ni shiela.

"Let's go Jude.." Nagsimula na silang dalwa umakyat papunta sa gym. At naiwan naman sina Verlon sa  hagdan kung saan sila nakaupo.

...........

........

.....

...

..

"Ang dilim at ang lamig.." Sabi ni Shiela habang naglalakad.

"O-onga eh.." Sambit ni Jude na tila nanginginig sa takot.

"Oh! Ayan na tayo sa nay Gym!" Agad agad tumakbo si Shiela papunta sa pintuan ng Gym.

"Woi!! Wag mo kong iwan." Sabi ni Jude at nagmamadaling pumunta kay Shiela.

"Hays? Lock!! Paano na ito?" Sabi ni Shiela, sabay inaalog alog ang pintuan.

"Oh well! Ok lang yan, alis na tayo." Sabi ni Jude sabay walk out. Kaso hinila ni Shiela ang sleeve ng damit nya.

THE UNTOLD STORY OF SS3 DARWIN! (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon