DoppleGanger

34 3 0
                                    

Third Person's P.O.V

"Nakaraan na nang ilang minuto nang makita ko sina Angel at Anjanette. Nasaan na kaya ang mga iyon?" Tanong ni Alexandria kay Leona.

"Hindi ko nga din alam eh. Pero bakit mo naman sila hinahanap ha?" Tanong ni Leona habang inaayos ang mga gamit sa bag.

"Ah, kasi hiniram ni Angel yung pamaypay ko. Eh medyo mainit ngayon." Sabi ni Angel kay Leona.

"Ah, ok. Gusto mo hanapin natin?" Tanong ni Leona kay Alexandria.

"Sige ba. Thank you ah." Tumayo na si Alexandria sa kanyang kinauupuan at nagsimula ng maghanap. Bigla naman nilang nakasalubong si Hannah habang naglalakad sila.

"Ah Hannah!" Tinapik ni Alexandria ang balikat ni Hannah, at tumingin naman siya nang nakangiti.

"Oh hi? Bakit?" Tanong ni Hannah.

"Ah Kasi, nakita mo ba si Angel? Nasa kanya kasi ang pamaypay ko eh." Sambit ni Alexandria.

"Ah oo! Nasa Canteen. Nakita ko kasi si Angel pumasok doon kasama si Anjanette." Sabi ni Hannah sabay turo sa canteen.

"Ah sige thank you!" Sigaw ni Alexandria.

Naglakad na muli si Aexandria at Leona.

Napatingin naman si Hannah sa may canteen at napakamot ng ulo.

"Bakit ganun? Nakabukas ang ilaw kanina doon ah?" Tanong ni Hannah sa sarili. Pinagkibit balikat na lang iyon ni Hannah at nagpatuloy sa ginagawa.

"Hays, baka naman wala siya dito?" Tanong ni Alexandria sa sarili.

"Oo nga eh? Nakasara at nakapatay ang ilaw." Sambit ni Leona sabay kamot sa ulo nya.

"Pero, dapat tingnan pa rin natin di ba?" Sambit ni Alexandria. Tumango lang si Leona. Lumapit sila sa gate na naka-lock.

"Grabe. Wala nga ata talaga sila dito." Sabi nya sabay alog sa may gate.

"Pero, bakit ganun? Ang gulo nung loob." Sambit ni Leona habang nakatingin sa loob.

"Ha? Patingin nga." Tumingin rin si Alexandria sa loob. At oo nga, magulo nga. Mga lamesa nakakalat mga upuan na puro nakataob.

"Parang binagyo ang loob." Sambit ni Alexandria at tumingin kay Leona.

"O--onga." Sabi ni Leona, na tila nanginginig.

"Bakit Leona? May problema ba?" Tanong ni Alexandria.

"Wa-wala.." Sabi nya habang nanginginig.

Kitang kita sa mukha ni Leona na kinakabahan sya. At para bang may nakita syang nakakatakot mula sa loob.

"Ano nga?" Tanong ni Alexandria.

"A-ayun kasi.." Tinuro ni Leona nang nanginginig na daliri nya ang loob ng canteen.

"Oh? Ano naman. Magulo?" Sabi ni Alexandria.

"Hindi! Tignan mo kasi nang mabuti!!"  Lumapit lalo si Alexandria, at may nakita syang pulang likido sa floor.

"Ha? Ano yan? Baka naman Ketchup." Sabi ni Alexandria confidently. Kaso sa loob looban, kinakabahan sya at iniisip na baka nga dugo iyon.

"Ah.. Oo nga." Sabi ni Leona, ngumit lang si Alexandria at nang pagharap nila.

"Wahhh!!!" Napasigaw silang dalawa sa nakita nila.

THE UNTOLD STORY OF SS3 DARWIN! (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon