ROOM NB9

71 5 0
                                    

"Maxine... sa tingin mo? ano meaning neto?" tanong ni Hannah kay Maxine sabay hawak sa kanyang balikat.

"Hi..Hindi ko alam." pautal utal na sabi ni Maxine habang nanginginig na hawak Ang cp nya.

Bigla namang nagsalita Ang isa sa mga Kaklase nila na nagpakalma sa buong Darwin.

"Sus! walang katotohanan yan. Niloloko lang tayo ng Sira ulo na Yan. Kaya wag na natin iyan bigyang pansin. Di ba Dan?" sabi ni Casco Sabay hawak sa balikat ni Dan.

Tinignan lang sya ni Dan at binalik ni Dan Ang tuon nya sa Rubics cube na nasira kanina ni Jude.

"Oy Dan! Di ba!" sabi ni Mcdo ay este Casco habang inaalog alog Ang balikat ni Dan.

"Oo na! Tae naman wag mo na ako guluhin busy ako kakaayos ng nasira Kong Rubics cube!" sigaw ni Dan sabay punta sa UNB.

"Darwin! Ma'am ! wag kayong mag-alala ah? Kasi ma'am! Pinaprank lang tayo nyan. Kaya don't worry!" sabi ni Casco ng nakangiti.

Bigla namang nagsalita si Ma'am Bandong.

"Yep! Casco is right! Let us not worry ourselves because of just a text. Malay nyo, pinaprank nga lang talaga tayo." sabi naman ni Ma'am nang nakangiti.

"Guys! Halika na.. kumain na tayo sa Canteen. Let us not stress ourselves!" pagkasabi naman ni ma'am nun ay umalis na sya at dumiretso sa may canteen. Sumunod naman Ang buong Darwin.

Maliban kay Dan at Casco.

nagstay silang dalawa sa UNB.

"Oh? Shiela at Aragon? Ano ginagawa nyo pa dito? Kumain na!!?" sabi ni Casco sa kanilang dalawa.

"Eh? May kinukuha pa nga ako dito eh? Excited masyado!" sabi naman ni Shiela kay Casco habang abalang-abala sa paghahanap ng kanyang cp.

"Oo nga! Ano ba Casco? Kumain ka na kaya dun!" sabi naman ni Aragon habang kiniliti Ang gilid ni Casco.

Bigla namang natigilan si Aragon sa pagsundot ng gilid ni Casco ng may nag-AYYIIIIEEE!

"Oy? Ano Yan? hahaha Ayyiiieee!!!" sabi naman ni Shiela kay Aragon.

"Sus. Ewan! Eh sino naman yang nasa Wallpaper mo?" tanong naman ni Aragon sabay turo sa Wallpaper ng cp ni Shiela.

":P Si Kuya J yan noh :P" sabi naman ni Shiela sabay behlat at sabay tago ng cp nya sa bulsa.

"hay naku! Kumain na nga kayo!" sabi ni Casco sabay kamot ng kanyang ulo.

"Opo boss! Eto na!" sabi ni Shiela sabay hila kay Aragon papuntang Canteen.

Si Casco na lang at si Dan Ang nasa UNB.

Pinuntahan naman ni Casco si Dan na tila sobrang abala sa kanyang Rubics Cube na nasira.

"Oh Dan ? ba't Hindi ka na kumain dun sa Canteen?" tanong ni Casco sa kanya sabay upo sa tabi nito.

"Hoy! Casco! Di mo ba nakikitang busy ako kakaayos Neto? at mahal kaya ito! Mga 500+! at original! Kaya aayusin ko to!" sigaw ni Dan kay Casco.

"Sus.? Talaga kung talagang 500+ yan at original ba't nasira agad ha?" tanong ni Casco habang nakangisi.

"Ay Ewan!" sabi ni Dan habang nakasimangot.

"Hahahah. Oh? Di ka makasagot.. XD nauto ka na naman." Pagkasabi nun ni Casco ay may narinig silang Tili.

Sa sobrang kaba at gulat ni Casco napayakap sya kay Dan na biglang nahulog ang Rubics cube at bigla ring nasira XD.

"ay puttt...!" Napasabi na lang ni Dan habang tinititigan ang namayapang Rubics Cube.

"Sorry Dan.. Natakot lang ako eh. Kainis kasi sina Shiela sinasanay ako dun sa X-rider -_-" sabi ni Casco kay Dan habang pinipigilan ang pagtawa at kinakamot ang ulo. Di siya pinanseen ni Dan at tinutuon pa rin ang panseen sa Rubics cube.

"Tulungan na lang kita dyan gusto mo?" Tanong ni Casco.

"Pshh.. Wag na! Tangnagawasamoo naman oh."

Napakamot si Casco at tinext ang kanyang nanay na ok lang sya, nagtext kasi nanay nya at tinatanong kung ok lang sya. Nailagay na ni Casco ang Cellphone sa bulsa at pinikit ang mata nya.

Mga ilang minuto ay....

Nagring ang cp nya.

Pagdilat nya ay nakita nya si Dan na pawis na pawis at maiiyak na dahil sa PEKENG rubics cube na nabasag.

Kinuha nya ang cp at saka tinignan ang mess.

From: 09498651923

"Casco. Si Denzel to. Sunduin mo naman kami nina Carlo sa room NB9 oh? Please.."

Pagtapos ni Casco basahin yun ay tuwang tuwa na kinalabit nya si Dan at sinabing nagtext sa kanya si Denzel.

"Dan..!! Dan!!! Halika samahan mo ko?!"

"Saan naman yan ha?"

"Kay Denzel nasa Room NB9 sya!! Please!"

"Ha??? Talaga!!? Sige sige wait lang."

Tumayo na si Dan at sumunod kay Casco.

"Oi... 'Wag kang matakot ah? Hawakan mo lang ang kamay koXD" sabi ni casco. Madalim as in sobrang dilim kasi ang hagdanan na ginamit nila kaya nasabi yun ni casco.

"Vacuole naman oh. Umayos ka nga casco!" Sabay hampas kay Casco. Tumatawa lang si Casco at nagsimula na silang umakyat.

"Hays. Ano ba yan parang walang thrill yung pag-akyat natin -.-" sabi ni Dan kay Casco.

"Ay.. Gusto mo nang thrill? Langya ka!"

Pagkasabi ni Casco nun ay may narinig silang malakas na kalampog. (Di nila namalayan na lock na ang gate nang hagdanan nila) at biglang may humalakhak na batang babae.

"Ay tae dan!!! Gusto mo nang Thrill tuloy!!!"

Sabi ni Casco sabay akyat nang sobrang bilis habang si Dan ay naiwan mag-isa dun sa panglabing isang hakbang ng hagdanan.

"Casco? Oh casco nasaan ka na!!"

Sigaw ni Dan. Hinihipo nya ang mga gamit na nadadaanan nya at nang may nahawakan syang malamig na kamay sa hawakan dun sa hagdanan.

Tumakbo sya paakyat nang tumitili.

#CANTEEN#

"haahhahaaaa XD oo nga eh! Mas cute si Jr kaysa kay kuya :P" sabi ni Shiela kay Elizabeth.

"HahahaXD naman na.. Yiee.. Baka kayo magkatulu..."

"Waahhhhhhh!!! Ahhhhh!!"

"Ano yun?" Sambit ni Leona.

"Ewan ko..." Sabi ni Charles.

"Parang baboy na ginagahasa XD" sabi naman ni Verlon.

Nagtawanan ang lahat at bumalik na ulit sa pagpaparty-party.

#DANCASCOBROMANCE#

habang tumatakbo paakyat si Dan ay nakabunggo sya ng isang lalaking maliit at nayakap nya iyon.

"Waahhh!!! Casco? Ikaw ba to?"

"Oo ako to! Aray masakit!! Tumayo ka nga!" Sigaw ni Casco. Tumayo na si Dan at tinulungan tumayo si Casco.

"Oh.. Yan na ang NB9! nakabukas ang ilaw... Tingnan natin sila sa Loob?"

"Gege.."

"Halika na"

"Oo na"

"Parang ayw mo eh."

"Gusto ko nga basta hawakan mo kamay ko?"

"Ok"

Pumasok na sila at nakita nila na ang mga silya sa loob ay nakaayos nang pa-square at mayroon nakadrawing sa blackboard na nakakaiba. Biglang nagsara ang pinto at nagdilim ang loob.

Tili ng tili at sigaw ng sigaw sina Casco ngunit walang nakakarinig sa kanila.

Maliban lang kay Verlon...

THE UNTOLD STORY OF SS3 DARWIN! (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon