THE BACK STORY (HAPPY END)

48 3 2
                                    

"School namin ito ah?" Sambit ko sa aking sarili. At napansin ko na naka-school uniform ako. Bigla naman akong nakakita na kumpol kumpol na estudyante sa may basketball court. Agad agad naman akong lumapit.

"Mga bata kayo! Wala kayong galang sa nakakatanda sa inyo.!!" Nakarinig ako ng pagsigaw. Familiar sa akin ang boses na iyon. Nakipagsiksikan ako at..

"HAHAHAH! HOY TANDA, TUMAHIMIK KA NGA." sabi ng isang estudyante sabay bato ng bola sa ulo nung matandang lalaki.

"HAHAHAHAHA! OO NGA, TUMAHIMIK KANG HINAYUPAK KA." sabi nung isa pang estudyante sabay tusok ng ballpen sa kamay nung matandang lalaki. Nagbatuhan ng mga crumpled na papel ang mga estudyante habang tumatawa.

"Ahh!!!" Napasigaw na lamang sya sa sakit. At maya maya, biglang naiyak. Nakatitig sya sa isa sa mga estudyante.

"ANAK! ILIGTAS MO KO.." Tumingin ako sa direksyon kung saan sya nakatitig at nakita ko ang babaeng mukhang diwata. Sa kaputian at kagandahan. Biglang nagsitingan ang mga estudyante sa babae.

"Hi--hindi mo ako anak!!" Biglang tumakbo ang babae, nilagay ang mga kamay sa matang luhaan.

"ANAK!!!" sigae nung matandang lalaki.

.......

.....

....

....

....

Maya maya, biglang nagliwanag uli.

*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Sir Aladeen.. Sorry to say, you're fired." Bigla akong natransport sa isang opisina. May nakaupong matandang babaeng, nakasalamin at may nakalagay  na "PRINCIPAL" sa kanyang lamesa.

"Pero!! Kailangan ko ang trabahong ito.. Para sa aking anak.." Sambit nya saaby hawak sa kanyang sombrero. Biglang napatingin ang babae na PRINCIPAL sa damit ni Aladeen, at nagbuntong hininga.

"Sir. Parati ka pong napapadamay sa gulo. Kapag nakarating ito sa media..." Di natapos ng principal ang sasabihin nya ng sumigaw si Mr.Aladeen.

"Eh kaya mo ako tatanggalin sa trabaho para dyan sa Anak mong basag ulo! Bakit hindi mo i-expell yang anak mong si Dariell!" Sigaw nung Lalaki. Napatayo naman sa kinauupuan ang Principal.

"Oo pinagtatakpan ko siya! Kaya please umalis ka na sa harapan ko. Kung hindi, ang anak mong si Armasia ang ipapa-expell ko!" Sigaw nung Principal. Agad agad namang tinapon nung Aladeen yung sombrero nya sa principal at agad agad lumabas. Sinundan ko siya. At nakita ko ang DARIELL na nangtritrip sa kanya nung nasa basketball court kami.

....

...

Nagliwanag na naman muli.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

"Ah Armasia. Hi?" Bigla akong natransport sa Music Building. Nakita ko yung Dariell tinawag yung Armasia. Yung anak nung Janitor na si Aladeen. Yung Armasia ay naka-puting t-shirt. Kakagaling lang sa practice nila sa marching band. Kaso bago umalis sinuot nya muna blouse nya.

"Ah yes? Bakit Dariell?!" Tanong nung Armasia. Napaatras naman sya ng onti.

"Well. Tawag ka kasi ni Mrs.Ethra sa may NB9." Sabi nung Dariell sabay kamot sa kanyang ulo.

"Ganun ba? Sige.." Sinundan ni Armasia si Dariell hanggang sa makapunta sila sa NB9.

"Ah? Dariell. Wala naman si Mrs. Ethra ah?" Tanong ni Armasia.

THE UNTOLD STORY OF SS3 DARWIN! (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon