CANTEEN PART 2

45 4 3
                                    

*ANJANETTE'S POINT OF VIEW*

Napatingin na lang ako kay Angel, tawa kasi sya ng tawa. Na-trap na nga kami tapos ang ginawa nya lang ay tumawa, di man lang sya aware sa nangyayari ngayon?

"Hahahahah!" Tawa pa rin ng tawa si Angel tila ba walang katapusan. Tinitigan ko na lang sya. Maya maya ay napaupo na lang sya sa tabi ko, hawak ang kanyang tyan sa sobrang kakatawa. Napaupo sya sa aking tabi, habang tinititigan ko siya.

"Angel??" Ayun na lang ang nasambit ng aking mga labi. Maya maya ay tumawa na naman sya. Ano bang mayroon dito? Hindi ko na mapigilan,hinawakan ko siya sa magkabilang balikat at inalog. Habang sinisigawan ko siya.

"Annggeelll!!! Anong nakakatawa? Na-trap na nga tayo tapos tumatawa ka pa!!! Wooyyy!!!" Sigaw ko sa kanya. Maya maya ay natigilan na sya sa pagtawa at tinignan ako, pero di nya parin inaalis ang kamay sa kanyang tyan. Pero nagsimula ulit sya sa pagtawa na talagang kinainisan ko.

"Anj, natatawa ako dahil sa kanina. Sabi mong walang multo? Eh sino yang nasa tabi mo?" Tanong ni Angel sabay turo sa likuran ko ng nakangisi.

Napatigil ako ng sinabi nya yun, tinanggal ko ang mga kamay ko sa magkabilang balikat nya.

"Whoy, Angel, 'wag mo naman ako lokohin oh.." Sabi ko sa kanya ng may pagmamakaawa ang tono.

"HA HA HA! Oo nga, ayun oh tingin ka doon, nakangiti nga sya eh.may lumalabas pa nga sa bibig nya eh HA HA HA!" Hindi na ata makagalaw sa sinabi nya. Nanlamig bigla ang aking dalawang balikat.

"Nais nyo bang..makalabas?" Biglang may bumulong sa aking tenga. Nanginig ang aking buong katawan, nanlamig ang aking dalawang kamay at tumaas ang aking mga balahibo.

Napatayo ako at tinitigan si Angel mula sa aking ibaba.

"HAHAHA! Sabi sa iyo nandyan sya eh!!" Sigaw nya sa akin, dahan dahan naman akong lumingon sa aking likuran.

"Wahhh!!!" Napaupo ako sa sahig sa sobrang pagkagulat ko.

Nakakita ako ng lalaking nakatayo at nakangiti mula sa akin. Ang kalahati ng mukha nya ay wala na, at duguan ang damit nya. Ang kanyang mga bibig punong puno ng dugo.

"May balak pa din pa kayong umalis dito?" Tanong nya. Biglang humangin ng malakas, nagsitalsikan lahat ng upuan sa loob, at palapit sya ng palapit sa akin.

"Hu--huwag kang lumapitt!!" Sigaw ko sa kanya, kaso lalo lang ata syang ginanahan. Lalo syang ngumiti, at may nahuhulog na ngipin mula sa bibig nya na punong puno ng dugo.

"Bakit? Maglalaro lang naman tayo di ba?" Sabi nya sarcasticly.

Bigla syang may nilabas na BUTCHER'S KNIFE mula sa kanyang likuran, at puno rin ito nang dugo.

"Anong gagawin mo dyan!!" Tanong ko sa kanya. Tumawa sya at dinilaan ang likidong iyon sa butcher's knife.

"Humanda ka.. Malalaman mo din." Sabi nya.

"Huwaaggg!!!!"

THE UNTOLD STORY OF SS3 DARWIN! (COMPLETE!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon