Chapter 7

6.4K 56 8
                                    

Author’s Note:

The story continues. Malalaman niyo na kung bakit Coz u Are Da One ang title ng story na to. Be sure na alam nyo ang kantang You Are The One na nirevive ni Toni Gonzaga para mas feel. Enjoy!

CHAPTER 7

Day 3 – Booths and Continuation of Games

“OMG!”

Bulalas ni Mich nang makita ang mga naglalakihan, naggagandahan at nagkukulayang booths sa paligid ng buong campus. Lahat may kanya-kanyang distinction. Lahat may kanya-kanyang gimiks at mga pakulo. Nakakatuwang tingnan ang school namin ngayon. Sobrang alive na alive. Mababakas mo ang saya sa mga mukha ng bawat estudyante.

“Wag ka ngang sumigaw! Parang first time mo lang makakita nyan ah!” saway ko.

“Bakit ba! Namiss ko tong mga booth na to eh. Alam mo naman na tuwing foundation lang natin to nararanasan,” paliwanag nya.

Hindi nalang ako nagsalita pa at nagsimula na kaming mag-explore sa bawat booths.

“Pasok tayo dito!” paanyaya sa akin ni Mich.

“Ayoko nga!” sagaran kong pagtanggi.

Paano ba naman niyayaya niya kong pumasok dito sa horror booth na to. Nakakatakot kaya! Putek!

“Dali na! Libre kita ng tiket!” nagpain pa ng tiket ang hunghang.

“Ayoko talaga! Alam mo naman na takot ako sa multo diba?! Takot ako sa mga mukhang multo, asal multo at totoong multo! Ewan ko nga kung bakit hindi ako natakot sayo eh!” pang-aasar ko kay Mich.

“Excuse me! Ako yata ang pinakamagandang multo noh?!” pagmamalaki niya.

Naghilahan kami ng kamay sa tapat ng horror booth. Hindi namin alintana ang mga estudyanteng labas-masok sa loob nito. Hanggang sa…

Coz You Are The One (Complete Romantic Comedy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon