Chapter 2

8.9K 102 13
                                    

CHAPTER 2

December na! Ang bilis talaga ng panahon. Parang kaylan lang nung magsimula ang pasukan, mag-transfer dito sa Saint Rose High si Jasper at magkalapit kaming dalawa ni Tim. Hindi ko masabi kung naging maganda ba itong year na ‘to for me kasi bukod sa may away kami ni Jasper eh magkalapit naman kami ni Tim. You can’t have everything yata talaga eh.

“Uy bes, malapit nang mag-Christmas break ah. Anong plano mo?” tanong sakin ni Michelle.

“May Christmas party pa, bes. At isa pa, two weeks pa bago mag-break.” sagot ko naman.

“Kahit na, malapit parin yun noh?!” pilit ni Michelle.

“Maiba ako, bes. Halos ilang buwan na kayong hindi nagkikibuan ni Jasper ah? Wala ka bang balak makipag-ayos?” tanong ni Michelle.

“Sa kanya mo sabihin yan, Michelle! Wag sa akin! Ako ang nabastos hindi siya! Kung magso-sorry naman siya patatawarin ko naman siya eh,” sagot ko.

“Ang pagpapatawad, kusa yung binibigay hindi hinihingi lang.” litanya ni bestfriend Michelle.

“Oo, tama ka. Kung tatanungin mo ko ngayon kung napatawad ko na ba siya, oo ang sagot ko. Pero di ba dapat marunong din siyang umamin sa pagkakamali niya?” depensa ko.

Hindi na nakapagsalita pa si Michelle. Marahil na-realize niyang tama rin naman ako. Alam ko namang gusto niya lang kaming mapag-ayos. Magpapasko nga nama’t magbabagong taon tapos ganito kami ni Jasper. Kahit naman ganyan siya, iniintindi ko siya. Sumobra lang talaga siya nun. Siguro may pinagdadaanan yun.

During our English class…

“Okay class, let’s use this spare time to talk about your upcoming Christmas party!” sabi ni Sir Dionisio.

Siya ang adviser at English teacher namin. Mabait ito at game sa lahat ng bagay. Sa labas ng klase, you can treat him as a friend pero kapag nasa loob na ng klase, you should know that he is the teacher and you’re just a student.

“Yehey!” sigawan ang buong klase!

Ang wild! Hahaha!

“Mr Sanchez. Since ikaw ang class president, assign your officers sa mga gagawin niyong preparations. Make sure na lahat ay magpa-participate. Gumawa ka na din ng bunutan for your exchange gift!” utos ni Sir D.

“Ok po, Sir.” sagot ni Tim.

After gumawa ng bunutan para sa exchange gift, nagsimula na ang pagbunot. Yung iba natawa sa nabunot nila, yung iba dismayado. Yung iba nangiti pero ako…

‘Shocks! Oh my!! Si Jasper ang nabunot ko! Ano ba yan!’

Nung si Jasper ang bumunot. Bigla itong sumimangot. Baka ako nabunot nun ah?

“Uy, bes! Sino yan?” usisa ni Mich sa nabunot ko.

Pinakita ko lang sa kanya yung nakasulat sa papel at baka may makarinig. Natawa naman siya.

“Ikaw?”  usisa ko naman sa nabunot niya.

“Secret!” sagot niya.

“Anong secret! Hampasin kaya kita ng blackboard dyan! Sino yan!? Dali!” pagpupumilit ko.

Laking gulat ko naman nang ipinakita niya. Oh my gosh!

“Palit tayo!” sabi ko.

“Ayoko nga!” pagtanggi niya.

“Anong ayaw?! Dali na!” pilit ko pa.

“Bakit ba nakikipagpalit ka?! May rason kung bakit si Jasper ang nabunot mo noh?!” mahina nitong sabi.

Coz You Are The One (Complete Romantic Comedy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon