Chapter 8

5.6K 49 4
                                    

Author’s Note:

Last three chapters nalang. Sa tatlong kabanata, tatlong lihim ang mabubunyag. Ang lihim na kalaban, ang lihim na dahilan at ang lihim ng nakaraan. Abangan ang mga rebelasyong magbabago sa takbo ng kanilang mga buhay. Magkaroon pa kaya ng happy ending ang lahat? Mukhang mauuwi sa tragedy ang ending ng romantic comedy story na to! Basahin na ang third to the last chapter!

CHAPTER 8

“Good evening Saint Rose High! Tonight we will crown the next Mr. and Ms. SRHS 2013! Are you ready?!”

Rinig na rinig dito sa backstage ang pagsisimula ng pageant. Grabe! Bigla akong nanlamig. First time ko kasi.

“Wag kang kabahan OK? Kaya mo yan.” Sabi sakin ni Mich habang inaayusan ako.

Naka-make up na ko. Inaayos na lang niya ang suot-suot kong damit. Theme wear kasi ang mauuna. Vintage ang theme kaya naman mala-Anne Curtis ang itsura ko ngayon.

“Ayan! Ang ganda mo Bes!” bulalas sa akin ni Mich pagkatapos niya akong ayusan.

Tumingin naman ako sa salamin para makita ang sarili ko. Grabe! Ang ganda ko nga! Walang duda! Hahaha! Feeling ko ibang tao ako ngayong gabing ito.

“Kaya wag ka nang kabahan bes. Sila dapat ang kabahan sayo!” pagpapalakas niya sa akin ng loob.

Sa backstage slash dressing room kasi na ito, ako lang ang may handler na kaklase. Lahat kasi sila may handler na mga bakla. Yung tipong nag-aayos talaga para sa mga ganitong pageant. Nakakaintimidate nga nung una eh pero naisip ko na wala akong dapat ikahiya. Hindi labanan ng handler ang laban eh, at kung labanan man ng handler aba palaban itong handler kong si Mich. Hahaha!

“Candidates, be ready.” Sabi sa amin ng organizer. Eto na talaga! This is it!

Kinabit naman sa akin ni Mich ang aking candidate number.

NUMBER 8

Coz You Are The One (Complete Romantic Comedy Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon