Kulog, kidlat, malakas na hangin at ulan ang namayani sa gabing iyon. I wanted so much to went downstairs and look for Nanay Mildred pero ayoko naman syang istorbohin. Alam kong maghapon syang pagod kakalinis sa buong bahay maging sa pagaasikaso sa'kin at kung iistorbohin ko pa sya sa pagpapahinga n'ya ay kawalang awa na ang matatawag sa gagawin kong 'yon.
Mukhang may bagyo pa, takot pa naman ako sa kidlat at sa tunog ng kulog. Wala na lang akong nagawa kundi magtalukbong ng kumot at tahimik na nagdasal na sana ay tumigil na ang pag ulan.
I'll try my best to sleep even though I'm still bit hesitant. And God! Dala na rin siguro ng pagod sa maghapong activities sa school ay 'di ako trinaydor ng mga mata ko at kusa na silang pumikit.
Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa ibaba. Maybe the maids are already preparing my breakfast kaya ginawa ko na rin ang parte ko. Kumuha ako ng tuwalya at isang puting roba mula sa isa kong closet at naglakad na patungo sa bathroom para makaligo.
It took me for almost an hour to finished my bath kaya dali dali na akong nagbihis ng uniform. I still blow dried my hair kahit alam kong malelate na ako, I put some liptint on my lips bago ko kinuha ang bag ko sa aking study table at nagmadaling bumaba para makakain na ng almusal. Gosh, mukhang tinapay na lang ang makakain ko dahil malelate na talaga ako sa school. It's already 6:45 in the morning at 7 o'clock ang time namin.
Nasa ikatlong baitang na ako pababa sa hagdanan ng mansyon ng mapansin kong may kakaiba sa mga kasamahan ko sa bahay. They are all gloomy. Anong meron?
"Nanay Mildred, bakit parang ang lulungkot n'yo? Ano po bang meron ha? Ang aga aga ah." saad ko habang naglalagay ng jam sa aking tinapay. Kailangan ko na kase talagang magmadali kundi lagot ako kay Rayrick neto. Mag brabrain storming pa naman kami para sa Sci sub namin.
She stay on the nook, looking at me with pity.
"Nay? may problema po ba? bakit ang tahimik n'yo ngayon? ay aba di ako sanay ng ganyan kayo. 'Di ba dapat sinesermonan mo na ako ngayon dahil late na naman ang alaga mo?Nakaka--" pinutol nya agad ang sinabi ko at ang mga binitawan nyang salita ang nakapagpaguho ng mundo ko.
"Elle, wala na ang mga magulang mo," yun lang at tuloy tuloy ng umagos ang mga luha n'ya na alam kong kanina n'ya pa pinipigilang lumabas.
I frozed for a moment. 'Di totoo 'yun 'di ba?
Tumayo ako at lumapit kay Nay mildred at hinawakan ang mga balikat nya, "Nay? Ano ka ba agang aga nagpaprank ka, masama ho 'yan. Susumbong ko kayo kina Mama at Papa."
Pero hindi e, hindi naman marunong si Nay magprank. Pero ano 'toh?
My tears suddenly fell already. Hindi pwedeng mangyari 'yon. Paano na ako kung tuluyan na talaga silang wala?
"Naaksidente sila kagabi habang papauwi na dito. May bagyo pala at hindi nila nalaman 'yon. Sa byahe ay bumuhos ng malakas ang ulan at sa isang bangin, dun sila nahulog. Elle anak, sorry sa nangyari sa mga magulang mo" she hugged me after uttering those hurtful words.
Is this f*cking real?! My parents...were just gone?
"Isinugod sila sa ospital pero dead on the spot na sila. Malalang sugat ang natamo nila sa aksidente, halos 'di na nga sila makilala-"
"Saang ospital po?Gusto ko po silang makita!"
"Friego Medical Hospital nak pero kumalma ka muna pupuntahan natin sila mamaya, tapusin mo na muna ang almusal mo."
I didn't listen to her at agad nagtatakbo papalabas. There, I saw Manong Efren at agad sinabihan sya na kelangan naming pumunta sa hospital.
"Manong, sa hospital kung nasaan ang mga magulang ko. Dalian nyo po" minaobra agad nya ang sasakyan at ilang sandali lang ay nasa hospital na kami.
Abot abot ang tahip sa puso ko habang patungo sa kwarto kung nasaan ang mga magulang ko na itinuro sa'kin ng nurse.
Room 45,46,47 and 48. I opened the door and saw two bodies lying on a white bed. Underneath of a white blanket as well. Kanina gusto ko silang makita pero ngayon, mukhang hindi ko makakaya.....pero gusto kong kumpirmahin!Baka..baka nakaligtas sila hindi ba?Ayokong mawalan ng pag asa pero nung lumapit ako at naglakas loob na itaas ang nakatakip sa katawan ng una kong nilapitan ay wala na lang akong nagawa kundi umiyak dahil I saw my mother, pale and lifeless.
"Mama? 'Ma, bangon ka na oh. Tara na sa mansyon, lalabas pa tayo para icelebrate ang pagiging top in class ko po 'di ba? Bangon ka na 'dyan 'ma."
Ang sakit, ang sakit sakit dahil wala man lang akong nagawa para mailigtas sila.
"Pa?," untag ko habang lumapit na rin sa pangalawang bangkay na katabi ng kay Mama.
I cried more when I saw his face. Halos 'di na sya makilala dahil sa mga sugat na nasa kanyang mga mukha.
"Papa, bangon na kayo ni mama oh uwi na tayo sa atin, sorry po dahil pasaway ako sa inyo. I promise babawi ako sa inyo, bumangon na lang po kayo 'dyan. Mama, Papa!"
Bakit? Bakit sila pa? Anong dahilan para sila ang unahin nyo gayong wala naman silang hangad para mapabuti ako? Bakit sila pa? Bakit?
Wala na lang akong nagawa kundi sisihin s'ya dahil hinayaan nyang mapahamak ang mga magulang ko. Pero ang totoo? ako ang may kasalanan dahil ni minsan ay 'di ko napahalagahan ang kanilang mga sinasakripisyo para mapabuti lamang ako.
I never noticed how they really want to be with me but they just can't dahil malaki ang ginagampanan nila sa kompanya.
Wala akong ginawa kundi magreklamo at magmaktol dahil 'di sila makagawa ng oras para sa akin without noticing their sacrifices just for me to have a nice future. To have a better life.
I am so worthless. I am selfish and I'm not a good daughter.
Nalaman ko na hindi sana sila uuwi ng mansyon dahil napapansin na din nila na 'di maganda ang lagay ng panahon pero dahil naisip nila ako, na takot sa kulog at kidlat--kahit delikado ay tinuloy nila ang byahe papauwi.
Ayaw nila akong natatakot at nag iisa. Buong buhay ko, naniwala ako na wala akong halaga sa mga magulang ko. Hindi ko napansin, na ang lahat ng ginagawa nila ay para sa akin.
Paano na ako? Paano na ngayon? Gayong ang mga natitirang nagmamahal sa akin, ay wala na....
YOU ARE READING
Hidden Truth (Isla Verde Series #1)
RomanceThis is a story about the girl who have been thought that the man which she have been loved was a thief coz them to drift apart. After so many years, the hidden truth about it was been came out and finally the man was proven innocent. The girl becam...