Kabanata 1: Unexpected

19 0 0
                                    

"Ms.Elle? Hinihintay na po kayo sa meeting room. Nandun na po halos lahat ng kasapi ng board maging mga Architect at Engineers," saad ng sekretarya kong si Yeschy.

"Alright. Susunod ako" I smiled at her.

"Sige po"

Sinarado ko ang aking laptop bago tumayo at kuhanin ang mga kakailanganin sa meeting na iyon.

Wearing my dark blue jumpsuit partner with a royal blue coat, I look more intimidating. Dahilan ng pagkakataranta ng mga empleyado ko. May ilan namang bumati sa'kin bago ako nakarating sa meeting room.

Nadatnan kong kumpleto na nga sila kaya nagdiretso na ako sa aking upuan para masimulan na din ang meeting.

"So, Good Day. Sorry for being late. Nagpatawag ako ng meeting dahil may mga importante akong sasabihin."

Hindi pa ako nangangalahati sa sasabihin ko ng biglang may nagtanong na sa akin tungkol sa aming paguusapan ngayon.

"Kabilang po ba sa pag uusapan namin ang team ng mga Architect at Engineers?," tanong ng isang lalaking nasa mid 30's ang edad. I bet he's part of Architect Team.

"Obviously, Mr. May ilang changes na magaganap. Batid nyo naman na may on going project na ginagawa ang Engineering team, alam nyo rin na mataas ang expectations ko na maabot ninyo ang mga gusto ng ating clients..." I paused for awhile.

"..so it means, I want Mr. Montenegro-The Head of Engineering team to made a representation para sa project na tinutukoy ko. I want to see what's the plan at anong klaseng mga kagamitan ang gagamitin sa project na iyon. Kung iyon ba ay sakto sa gusto ng ating mga kliyente na nasa mid class lang."

May sasabihin pa sana ako pero agad akong natigil ng nagtaas ng kamay ang isa sa alam kong parte ng Engineering Team.

"Yes, Mr?"

He's a bit hesitant to speak pero nagawa pa rin naman nyang magsalita, "Iba na po ang Head ng ating Engineering Ma'am," pagbibigay alam nya sa akin.

What?!Pero kelan pa at bakit di ako na orient?

"What are you talking about?," kunot noo kong tanong dito dahil naguguluhan ako kung bakit bigla na lang may nabago nung nawala ako ng isang linggo para bisitahin ang isla ko sa may Palawan.

Before he could utter a word, may iba ng nagsalita para sa kanya.

Wearing a white long sleeves and a black slacks, the man in front of me looks so neat and professional of what he's wearing. His new hair cut and the way he dressed were all new to me pero kahit maraming naging changes sa features ng mukha nya and his body built, my memories of him in the past was still crystal clear. Naaalala ko pa lahat simula ng makilala ko sya hanggang sa magtapos at mag iba ang landas naming dalawa.

"The C.O.O, appoint me for this position. And yes, I'm already the head of Engineering team. I will make sure that we'll gonna achieve what's the client expectations on us." mataman nyang sinabi bago umupo sa kanyang silya. Kaya pala may nakareserve na upuan don dahil sa para sa kanya pala iyon?

And he had the guts to answer me like that kung sa isang simpleng meeting na nga lang ay nalelate na sya? Psh, 'yun ang di pa rin nagbabago sa kanya. Ang pagiging iresponsable.

Ayokong magalit pero base sa inaasta nya ay mukhang may pinagmamalaki na sya ah?Nakalimutan nya bang nasa kumpanya ko pa rin sya? Psh, the nerve of this guy.

"Well, if that's the case let's end this. Ipapatawag ko na lang uli kayo para sa presentation nina Mr. Lamayo. Meeting adjourned"

Nagsialisan na isa isa ang mga nasa loob ng kwartong iyon at kami na lang ni Elvo ang natira kabilang ang aking sekretarya.

Hidden Truth (Isla Verde Series #1)Where stories live. Discover now