"Elle!"
Dali dali kong pinunasan ang aking mga luha pagkatapos marinig na may tumawag sa aking pangalan.
"You're alone here, why?" nag aalalang tanong sakin ni Ray.
He sat beside me.
Humilig naman ako sa bench at humalukipkip. I took a deep breath before uttering a word.
"I just rested here, babalik rin naman ako sa loob. Mas gusto ko din dito kase maaaliwalas, sa loob kase parang 'di ako makahinga ng ayos," I looked at him "At alam mo naman na siguro kung bakit."
Ngumiti ako ng pilit bago muling tiningala ang langit. Dumikit s'ya sakin. Napatingin naman ako sa kanya dahil sa ikinilos n'ya. I raised an eyebrow.
"Oh bakit? Alam mo, bumalik ka na don. Iniwan mo si Ace, napakagentle man mo naman", nagpakawala ako ng isang pilit na tawa.
S'ya naman ngayon ang nag taas sa akin ng kilay.
"Why you're acting like you're still fine despite of what happened? You know what Elle? It's fine to be weak sometimes, hindi kelangan na umakto kang malakas kahit sa loob, dinudurog ka na."
He paused.
"Kaya nga andito ako e, nandito kami para alalayan ka, para daluhan ka sa oras na mag breakdown ka. Pero anong silbi namin kung pinipilit mo pa ring maging malakas? Let it out! Cry all the pain that you've feeling. You can lean on me, I am here to wipe your tears off."
And another batch of my tears stream down on my face.
He looked at me with pity.
Hinila n'ya ako para yakapin. Sumubsob naman ako sa dibdib n'ya para dun ipagpatuloy ang pag-iyak.
He's right, nakakagaan ng loob kapag nailalabas mo lahat ng sakit sa loob mo sa pamamagitan ng pag iyak.
"Ayan, iiyak mo lang. 'Wag nga lang sobra kase pumapangit ka."
Napakalas tuloy ako sa yakap dahil sa sinabi n'ya. Pinalo ko s'ya sa braso bago sinamaan ng tingin.
"Kahit kelan talaga, panira ka ng moment. Kainis! Sinasabi ko na nga ba, wala talaga akong matinong maaasahan sa'yo."
Humagalpak na naman s'ya ng tawa dahil sa sarili n'yang kalokohan.
"Yun oh, kanina ko pa kayo hinahanap tas nandito lang pala kayo? At naglalampungan pa! What the hell, Aztahaiah? Grabe ka naman", exaggerated na sabi ni Ace pagkatapos kaming datnan ni Ray sa ganoong sitwasyon.
Tumayo ako at dinuro duro s'ya na ngayon ay nakahawak ang kanang kamay sa bibig at ang kaliwa ay sa dibdib na para bang may nasaksihan s'yang pangyayari na hindi katanggap tanggap para sa kanya.
"You're being exaggerated again! He's just here to comfort me, kung makapagsalita ka parang may ginawa kami ah!", sigaw ko pabalik.
"Eh kase," hindi n'ya matuloy tuloy ang sasabihin n'ya "Ay basta! Kayo ha, pipili pa kayo ng lugar para mag usap, dito pa talaga sa tago? Who wouldn't have thought that you two were not doing something malicious huh? Masisisi n'yo ko? 'Di ba hindi?"
Bumuntong hininga na lang ako habang si Ray ay nagpipigil pa rin ng tawa at wala man lang pakialam sa iniisip ng malisosya kong pinsan.
"You know what girls, let's go inside. Ikaw Ace, baka hinahanap ka na din ng Mommy at Daddy mo. Ikaw naman Elle, siguro magpahinga ka na. Last day na bukas nina Tito at Tita, magiging mas busy ka bukas."
YOU ARE READING
Hidden Truth (Isla Verde Series #1)
RomanceThis is a story about the girl who have been thought that the man which she have been loved was a thief coz them to drift apart. After so many years, the hidden truth about it was been came out and finally the man was proven innocent. The girl becam...