"I'm sorry, I didn't mean it okay?Mali ka naman kase ng pagkakaintindi e."
"Humihingi ka ng sorry pero may kasamang paninisi?Wow naman 'yon, Elle. Grabe."
Narito ako sa office ni Ace dahil di talaga ako mapapakali kapag di agad kami nagkaayos. Ngayon lang uli kami nagkatampuhan ng ganito, ang huli pa ay nung nalaman ko na nagpakamartyr s'ya ng lubos sa boyfriend nyang mukhang na ngang bulldog, mukha pang pera.
"Bakit ba kase ang init ng ulo mo kay Mr. Lamayo?Dati naman kapag nagaapprove at naghahire ako ng mga empleyado natin kahit walang permiso mo, okay lang sa'yo. Hindi naman tayo umabot sa sigawan. Bakit iba ata ngayon ha?" binalik nya na naman ang topic sa lalaking iyon. Nilalayo ko na nga e.
Astecryl Paige Buenavista is my cousin on my father side. Nag iisang anak si Mama, at nag iisang kapatid naman ni Papa ang ina ni Astecryl na si Tita Danica kaya bukod dito kay Ace, ay wala na akong ibang pamilya na maaari kong pagkatiwalaan sa paghahandle ng naiwang kumpanya nina Mama at Papa.
Ace had their own Furniture Company but when I offered her the position where she is right now, she immediately accepted it. Hindi ko 'yun inaasahan gayong gustong gusto niya ang kahit anong bagay tungkol sa paggawa ng mga furnitures at dito talaga sya nasanay at nahubog na, kaya nung tinanong ko sya kung bakit tinanggap nya ang alok ko sa kanya na posisyon sa aming company, she just told me that she badly wants to help me.
"Wala okay?," pagsisinungaling ko sa kanya "..mainit lang siguro ang ulo ko kaya kayo nadamay dalawa ni Mr. Lamayo" nag iwas ako ng tingin ng mapansin kong mapagintrigang paninitig ang binibigay nya sa'kin.
"Hmm,okay" she's not convinced of what I have said pero she knows her limits kaya di na rin nya ako kinulit tungkol doon.
"Oh, paano? I'll go ahead. I'll just finish my pending works. Sure ka ha bati na tayo."
She nodded and smiled.
Lumapit naman ako at niyakap sya.
"Sige na alis na bago ko pa bawiin mga sinabi ko hmpk."
"Nga pala, after ng mga pipirmahan at rereviewhin ko na mga files pupunta ako sa isang restau, inimbita kase ako ni Rayrick para sa isang lunch. Libre nya daw, ano G ka?"
Napatigil sya at mukhang may inalala pa bago bumaling sa akin.
"Couz, sino bang Rayrick? Yung bestfriend mo bang si Ray Lorrick? Omg, 'yung gustong gusto ka?" kinikilig nyang saad.
"Gaga ka, anong may gusto sa'kin? Tss, alam mong playboy 'yun ano ka ba! Sa tagal nyo na kaseng 'di nag kikita hindi mo na sya maalala."
"Nag-abroad kase sya 'di ba? Tas isang beses ko lang naman yun nakasalamuha nong libing lang nina Tita at Tito."
Rayrick went abroad to pursue his career there. To be a Doctor. It tooks almost 5 years before he came back. Dito naman na sya nagtatrabaho, sa Friego Medical Hospital pagmamay-ari ng pamilya nya. Kahit madali na maging Doctor agad sya dahil sa katayuan ng pamilya nya, nagsumikap pa rin si Ray at nagsimula sa pinakamababa dahil ayaw daw nyang dayain ang tadhana.
Tadhana my ass, Ray.
"Punta ka na sa office mo, may date ka pa pala sus. Hindi na ako, makakaabala pa ako sa inyo e. Gaga toh, nagimbita pa di naman pala sya ang manlilibre"
I made a face before closing the door of her office. Naku si Ace, dakilang shipper namin ni Ray grabe.
Like what I've said, I spent my remaining hours on my office signing and reviewing all the pending files that I had receieved.
YOU ARE READING
Hidden Truth (Isla Verde Series #1)
RomanceThis is a story about the girl who have been thought that the man which she have been loved was a thief coz them to drift apart. After so many years, the hidden truth about it was been came out and finally the man was proven innocent. The girl becam...