Tulala ko s'yang pinagmasdan palayo nang biglang lumapit si Nanay Mildred upang bigyan ako ng tuwalya.
"Iha, magpunas ka na muna at basang basa ka. San ka ba galing ha?" nag-aalala n'yang tanong habang sinusuyod ang kabuuan ko.
"Galing lang ho ako sa site sa Makati, binisita ho namin ng Head Engineer. Aakyat na ho ako sa aking kwarto" paalam ko sa kanya.
"S'ya sige iha, mamaya ay dadalhan kita ng sopas para naman magkalaman din ang tyan mo."
I nodded and went upstairs to take a bath.
Dumiretso ako sa bathroom at inilagay ang tuwalya sa isang gilid upang kumuha ng panibagong robe at towel. Binuksan ko ang gripo sa bath tub at naglagay ng maligamgam na tubig. Ang lavender na soap ay agad humalimuyak nang nilagyan ko ng ilang patak nito ang tubig. Hinubad ko ang aking mga damit at lumublob sa tub.
Pumikit ako at nilasap ang maligamgam na tubig na bumabalot sa katawan ko. Isang pamilyar na pakiramdam ang aking naramdaman, maraming taon na ang nakalipas.
"Ysrielle!"
Tawag saken ni Nanay Mildred habang nasa banyo ako at patuloy pa ring umiiyak. Hindi ko pa rin matanggap na wala na ang aking mga magulang. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang bawat araw ng wala sila sa tabi ko.
Sila lang ang bukod tanging nagbibigay lakas at dahilan ko upang ipagpatuloy ang buhay. Ngayong wala na sila, hindi ko na alam.
"Iha, lumabas ka na r'yan at magbihis. Mamaya maya ay dadating na si Attorney upang ilahad sa'yo ang last will ng iyong mga magulang."
Bumuntong hininga ako at agad tinapos ang panliligo kahit wala akong gana sa lahat ng bagay.
Pinatay ko ang shower at sinuot ang robe. Naabutan ko si Nanay na naghahalungkat ng damit ko sa aking closet. Gumuhit agad ang isang pamilyar na alaala sa aking isipan. Si Mama. Si Mama ang madalas naghahanda ng aking mga damit.
"Oh, bakit ka umiiyak?"
Hindi ko namalayan na may nakatakas na pala na butil ng luha mula sa aking mga mata.
"Iwan n'yo na po d'yan, 'Nay. Magbibihis na po ako, susunod ako sa baba" pilit ang ngiti ang ibinigay ko kay Nanay upang 'di na s'ya mag alala pa.
Lumapit s'ya sa akin at kinuha ang aking mga kamay bago ako hinila para sa isang yakap.
"Kakayanin mo lahat iha, alam ko 'yun. Nandito lang ako upang alalayan ka."
'Yun lang at iniwanan n'ya na ako sa kwarto upang makapagbihis na.
Sana nga. Sana makaya ko.
Suot ang isang simpleng white dress ay bumaba na ako sa aking kwarto. Malayo pa lang ay rinig ko na ang boses ni Attorney sa may sala.
Nakita n'ya ako ng malapit na ako sa kanila. Tumayo s'ya upang magbigay galang, tumango na lang ako at inilahad muli sa kanya ang upuan.
"Attorney, ano ang tungkol sa last will nina Mama at Papa?" curious kong tanong sa kanya.
Tumikhim muna s'ya bago sumagot, "Ms. Elle, aware ka naman siguro sa lahat ng ari-arian na meron ang iyong mga magulang hindi ba? At aware ka din na ikaw lang ang nag-iisang tagapag mana kaya ikaw lang talaga ang magmamana ng lahat ng naiwan nila". mahabang litaniya n'ya.
Hindi na ako nagulat pero ang bigat lang sa loob ko na malaman na sa akin na lahat naiwan ang responsibilidad sa ganito kong edad.
Pero wala naman akong magagawa dahil ako lang ang naiwan na maaaring magmana ng lahat ng iyon.
YOU ARE READING
Hidden Truth (Isla Verde Series #1)
RomanceThis is a story about the girl who have been thought that the man which she have been loved was a thief coz them to drift apart. After so many years, the hidden truth about it was been came out and finally the man was proven innocent. The girl becam...