Kabanata 3: Longing

6 0 0
                                    

Nagpaalam na ako kay Ray at nagpasalamat sa paghatid sa akin. Tulala akong bumalik sa aking opisina dahil naalala ko na naman ang pangyayari kanina.

Architect Gomez and Elvo had a something. I'm so sure of that. The way Fione held Elvo's arm, the way they talked I know there's something up. Pero 'di ko lang makumpirma or ayaw ko lang talagang  kumpirmahin.

Nakita ko naman na single ang status n'ya pero kung ganoon ano si Fione? fling lang? at marunong na palang maglaro ang probinsyanong 'yon ah. I wonder kung naging ilan na ba ang mga babaeng pinaglaruan n'ya sa mga nakalipas na taon na wala akong balita sa kanya.

Well, ano pa nga bang pakialam ko?

Nakaupo ako sa aking swivel chair at pinaglalaruan ang aking ballpen when my secretary entered the room. Gosh, may iba pa nga pala akong schedules for today. Bakit nakalimutan ko? naman oh.

"Ms. Elle? Ipapaalala ko po sana yung pagpunta nyo sa isang site sa Marikina."

"Oo, Yeschy. Kumain ka na ba ng lunch mo?"

"Opo. Sa cafeteria ako kumain kasama po ng ibang empleyado dito," she's my secretary since I handle this company. Mas matanda lang ata sya ng tatlong taon sa'kin pero ang ganda ng mukha at kutis nya. I wonder kung nagkaboyfriend na ba ito?

"That's great. Uhm, Chi? Wag mong mamasamain ah? 'Di ako chismosa, curious lang. Nagkaboyfriend ka na ba?" alanganin kong tanong sa kanya.

She suddenly blushed and her face redenned. I think I knew already base pa lang sa reaksyon ng katawan nya.

"Ay isus, you have a boyfriend 'no? Ipakilala mo naman sa akin. Eto talaga, 'di ka na iba 'no".

"Si Mr. Martinez po ma'am, isa sa nasa Engineering Department," nahihiya nyang saad.

"I hope he's treating you well. Sabihin mo lang sakin pag nagloko 'yun at agad nating tatanggalan ng trabaho"

Kita ko kung pano s'ya nagulat sa tinuran ko pero nung makita naman na natatawa ako ay umayos na muli s'ya at nakisabay na rin sa tawa ko.

"Oh sya, sino pala ang kasama ko na Engineer sa pagbisita ng site na 'yan?"

She cleared her throat first.

"Si Mr. Lamayo, Ma'am. Supposedly, si Mr. Montenegro po yung former head ng E.T kaso napalitan na s'ya so it turns out na si Mr. Lamayo na po ang sasama sa inyo."

Hays. Bakit ba lagi na lang kaming nagkakasama? I know na nasa iisa kaming lugar na ginagalawan pero sa dinami dami pa talaga ng maaari kong makasama doon ay sya pa?

Mukhang pinaglalaruan na nga talaga ako ng "tadhana".

"Okay, sige you may go now."

Yumuko s'ya bago sinarado ang pintuan. Tumayo ako at naglakad sa may glass wall ng aking opisina kung saan kita ang skyscrapers sa Makati. Hindi man kailangan ay nag oovertime ako para lang masilayan ang magandang tanawin mula dito kapag gabi.

Lahat ng problema at pagod ko ay nawawala kapag nakikita ko ang mga mumunting ilaw kapag gabi na nagmumula sa mga bahay, building at kung ano ano pang imprastraktura.

Now that he already came back, paano ko kaya uli s'ya patutunguhan? Paano ko maihihiwalay yung personal na problema ko sa kanya sa trabaho kung ang traydor ko na puso ay agarang tumitibok ng mabilis habang nandiyan sya?

Isa muling malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago bumaba para puntahan na ang site na aming bibisitahin. Ang lugar na iyon sa Marikina ay ang pending projects na iniatang sa aming kumpanya. May ilang nag aasikaso doon, pupunta lang kami para tingnan at tanungin kung ano at maayos ba ang kalidad ng mga produkto na gagamitin sa pagtatayo ng Condominium na iyon.

Hidden Truth (Isla Verde Series #1)Where stories live. Discover now