Minutes before death
“Go Ara! Woooh! Go Yeye! Go Kimmy! Go La Salle!! Woooooohh!!” Buong puso kog pagcheer sa favourite volleyball team ko. Kung makasigaw ako, parang nasa MOA talaga ako pero actually, sa TV lang naman ako nanunood. Napakaexciting ng laban. Ramdam kong gusto talagang bumawa ng babies ko mula sa pagkatalo nila sa game 1 ng semi-finals. Maganda ang distribution ni Kimmy ng bola at effective ang mga deceptions ni Mika. Ang daming nyang nadadalang players ng NU kaya mas naging effective ang plays nila. Cyd was on fire. Ara was just phenomenal. She was like volcano ready to erupt. She was at her A-game.
Nakakuha ng isang set ang NU, pero bawing-bawi din naman ng La Salle ang sumunod na set. Now we’re at the fouth set. Ang intense grabe! *Pak!* Ayun! Ang ganda ng palo ni Ara! They’re just a few points away from winning. Kim chooses Ara, Ara jumps and boom! It’s a kill! Pero wait. Ang puso kong kanina pang malakas ang pagtibok, lalo pang tumibok ng malakas. Ara is down. I started to worry. Nilapitan ni Coach Ramil at ng mga staff si Ara. Ara is crying. She’s clearly hurt. Gusto kong tumakbo papasok sa tv at lapitan si Ara. I wanted to hug her. Hindi na ako mapakali nang ilabas si Ara sa court. The commentator kept on saying that Ara was in pain. Pain? Ara? No, not my Ara. Please not my Ara.“No. No. Please no.” paulit ulit kong sambit.Ang sakit naman sa puso ang makita si Aran a nasasaktan. “No. No. Ple--a!” napahawak ako bigla sa dibdib ko. Ang sakit. The back of my neck started to sweat. I was starting to feel weak. My vision was starting to get hazy. I looked up, and all I could see was Ara in pain. “A--ra!” *blag* Ara’s face was the last I saw before everything went black.
Present time
Hay. Patay na nga talaga ako. I didn’t expect this. Ang pagkakaalam ko healthy naman ako. Pero sa narinig ko nung kinausap ni mama ang nag autopsy sa akin, cardiac arrest daw. Ni hindi ko nga alam na may problema ako sa puso. Napabuntong-hininga na lang ulit ako. Paano na ako ngayon? Bakit ba nandito pa ako? Ayaw ba akong papasukin ni God sa heaven? Bigla naman akong kinabahan sa naisip. Omg Lord! Patawarin mo na ako sa mga kasalanan ko! Please tanggapin mo ako sa heaven! Lumuhod pa ako sa harap ng altar namin at mangiyak-iyak na nagmakaawa. Bigla na lang may tumawa. Paglingon ko, pakiramdam ko para nasa heaven na ako. Chos! May isang gwapong nilalang kasi na tumatawa at nakatunghay sa akin. He looked about the same age as me. He’s wearing all white and he was emitting an aura of purity and kindness.
Mukha siyang anghel.
“Anghel naman talaga ako” Napanganga ako sa sinabi niya.
“Oo, nababasa ko ang nasa isip mo.” Singit niya bago ko pa man masabi ang tanong ko. Natatawang lumapit siya sa akin. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at tinulungan akong makatayo.
“Teka, susunduin mo na ako? Omg! Ibig sabihin pinatawad na ako ni Lord!” Humarap muli ako sa altar namin at paulit-ulit na nagpasalamat kay Lord. Narinig kong tumawa ulit ang anghel sa likod ko.
“Don’t be too excited. Hindi ka pa pwedeng pumasok sa heaven.” Parang gumuho ang mundo ko sa narinig. He laughed at the mortified expression on my face. Inexplain niya sa akin na siya ang guardian angel ko. Sabi nya rin na hindi pa daw ako pwede pumasok sa langit dahil may kulang pa daw. Lalo na man akong naguluhan dun. Isip ako ng isip kung ano ang kulang habang daldal naman siya ng daldal.
“Take note, hindi pa. Meaning not yet. Makakapasok ka rin. Kailangan mo lang muna bigyan ng peace ang sarili mo bago ka makapasok. Marami kang bagay na hindi nagawa kaya ngayong multo ka na, bibigyan ka muna namin ng laya na pumunta sa kung saan mo gusto at gawin ang kahit anong gusto mo. Pero syempre, you still have to abide by God’s rules. Bawal ibreak ang ten commandments ni God okay?”

BINABASA MO ANG
The Ghost of a Thomara Shipper
Fanfiction"Ara Galang is down! She's clutching her left knee! Ara Galang is in pain!" Pain? Ara? No, not my Ara. Please not my Ara. No. No. Ple--a! *clutches chest* A--ra! *blag* A thomara shipper dies of a heart attack after seeing Ara get injured. Her fami...