Chapter 2- The Ghostly Adventure Begins!

486 39 10
                                    

Nasa tapat ng dorm ng Lady Spikers ako ngayon. Kasama ko pa rin si Eros. Actually, hindi ko mararating ang dorm nila kung hindi ko kasama si Eros. Pano ba naman, nagpatiuna pa ako kanina eh hindi ko naman talaga alam kung saan ako pupunta. Nagkandawala-wala tuloy kami. But Eros just snapped his fingers and poof! We became Koko Krunch! Pero syempre, chos lang yun. Sa isang pitik lang ng mga daliri ni Eros, nagteleport na kami papunta sa dorm ng Lady Spikers. Kainis nga eh. Pinahirapan nya pa talaga akong maglakad kanina eh pwede nya lang pala kaming iteleport. Pero salamat na nga rin lang. At least dinala nya pa rin ako dito.

"So, ano na? Pumasok ka na." Wait. Di ako prepared. "Hay nako. Para namang makikita ka nila. Hindi mo na kailangang magprepare. Sige na, have fun!" At talagang tinulak pa talaga niya ako palapit sa dorm. Kala ko ba anghel to? Ba't nanunulak? Hay, makapasok na nga lang.

Nasa tapat na ako ng front door ng dorm. I was about to turn the knob when my hand went through. I lost my balance kaya nasubsob ako sa door at lumusot na rin ang buong katawan ko. Hay nako, ang feeler ko talaga. Patay na nga, magbubukas pa talaga ng door eh pwede naman lumusot na lang.

"Eros anong gagawin ko?" Nilingon ko si Eros dahil dineadma niya ako. Kaya lang, paglingon ko wala na siya. Lumabas ulit ako para tingnan kung nasa labas ng ba siya kaya lang wala din. "Eros?! Eros ba't ka umalis?" Huhu pano na to? Wala na akong guide huhu. Hay sariling sikap na ako neto.

Bumalik ulit ako sa loob. Napatalon pa ako sa gulat ng pagkalusot ko ay si Mika agad ang nakaharap ko. Ako pa tong naturingang multo, ako pa talaga ang nagulat. Nag nakarecover ako sa pagkagulat ko, pumatigbabaw naman ang kilig.

"AAAAAHHHH! YEYE MY LOVES!" hindi ko na napigilan. Napasigaw na ako. Di bale, hindi naman niya ako nakikita at naririnig eh haha. Mukhang lalabas si Yeye pero nagpause siya sa harap ng door kasi may katext pa siya. Pangiti-ngiti pa si Yeye hapang type ng type sa phone niya. Naintriga naman ako. Bago ako namatay ay likhang chismosa na talaga ako so ngayong patay na ako, why should I be any different? Haha. Tumabi ako sa kanya at sinilip kung sinong katext niya. Napatalon talon na ako sa kilig ng makita ko kung sino ang katext niya.

MY LITTLE EAGLET

Si Kiefer Ravena lang naman po ang katext niya! Hay kahit patay na ako, pakiramdam ko nabuhay ang Miefer heart ko. Solid Miefer supporter kasi ako, pero syempre Thomara talaga ang pinakamahal ko sa lahat. Hihi kinilig tuloy ako lalo ng maalala ko ang Thomara. Kahit team edit, ako parin ay kumakapit! Haha rhyme pa yan ah! Sumulyap ulit ako sa phone ni Mika at sinubaybayan ko ang exchange of messages nila

Kiefer: Good morning love! Napanaginipan kita kagabi. Hihi

Mika: Good morning din love! Naku, napaghahalataang baliw na baliw ka talaga sakin. Haha. Ano ba panaginip mo?

Kiefer: HAHA I won't deny it love. I really am crazy about you ;)

Kiefer: Anyway, sa panaginip ko kasi kinasal na daw tayo. Haha weird lang kasi sa ilalim tayo ng dagat kinasal pero hindi ka si Ariel kasi ikaw si Snow White tas ako si Prince Charming XD Pero bahala na kung weird basta kinasal tayo ^_^

Mika: Haha weird nga! Pero cute ;)

Mika: Love, punta na ko school ah? Text you later na lang. Mahal po kita! :*

Kiefer: Sige love. Puntahan na lang kita later after ng class mo J Mas mahal po kita! :*

Ipinasok na ni Mika sa bulsa niya ang phone at nangingiting lumabas. Ako naman, heto at hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan ko. Na double dead na ata ako. Hindi kasi ako nakahinga sa kilig haha.

Nang makarecover ako sa kilig, nagtour muna ako sa buong dorm ng Lady Spikers. Hindi gaanong magara, pero ang linis at ang kumportable ng atmosphere. Isa-isa kong pinasok ang rooms nila. Narealize ko na by batch pala ang room assignments nila this year. (A/n: Kunwari lang to ha) Excited akong makasalubong ulit ng Lady Spiker kaya lang lahat ng rooms walang tao. May pasok yata sila lahat. Unang room na napasok ko ay yung room ng rookies tas yung room naman nila Kianna. Ang cute ng room nila kasi iba iba ang kulay at may mga pangalan pa nila. Pink yung sa side ni Kianna, Blue kay Eli, Yellow kay Aduke, Red kay Desiree at Orange kay Audrey. Yung room naman nina Majoy, Justine at mga kabatch nila ang sunod. Malinis din naman, kaya lang sa side ni Justine ang dami daming lab reports na nakakalat sa tableniya. May stuffed toy pa siya na skeleton sa bed niya haha. Yung room naman nila Kimmy ang sunod. Ito yata ang pinakamalinis na room. Nalaman kong kay Kimmy yung pinakamalinis na side nang Makita ko ang picture nila ni Mela sa table niya. Huli kong napasok ang room ng mga pinakamamahal ko sa lahat. Ang room ng bullies! Sayang nga lang kasi di din ditto room ni Kimmy. Kinilig ulit ako ng makita ko ang side ni Mika. Pano ko nalaman kung asan ang side niya? May customized comforter lang naman po siya na puno ng pictures nila ni Kiefer. Katulad yun nung pinost ni Kiefer sa instagram niya XD Nalaman ko naman kung saan ang side ng kambal base sa beddings nila na same na same ang design. Magkaiba lang yung kulay. Kay Cienne yata yung purple at kay Camille naman yung green. Nalaman ko naman kung san yung side ni Carol base sa nakapatong sa ibabaw ng mesa na nametag na may nakasulat na pangalan niya. Ang daming stuffed toys sa bed ni Carol. Iba-iba pang animals! Haha. Last bed na nilapitan ko ay sa Arababy ko. Hindi nakaayos ang higaan niya. Kung titingnan, parang kakabangon lang ng natutulog doon. Yung table niya, punong puno ng letters from fans. Siguro mga get-well-soon letters yun. May isang basket din ng fruits at may flowers din.

Get well soon Ara! The entire DLSU MBT is praying for you! J

Yun ang nakasulat sa card na nasa basket ng fruits. Kinilig naman ako ng inimagine ko kung sinong naghatid nun. Sana si Thomas hihi. Chineck ko ang flowers pero wala namang card. Umupo na lang ako sa bed ni Ara. Ang weird kasi hindi ako lumusot haha. Nanotice ko na lumulusot lang ako kapag may sinusubukan akong hawakan. Pero pag umuupo ako o kaya sumasandal, oks lang. Hay, kung kaya ko lang gawin, inayos ko na siguro tong bed ni Ara. Baka kasi nahirapan lang siyang ayusin dahil injured siya. Tatayo na sana ako at magliliwaliw sa kung saan ng mapansin ko na may stuffed toy palang turtle si Ara. Naisip ko nab aka kay Carol lang din yun. Kaya lang, nung tiningnan kong mabuti, nakita ko na may nakwintas palang nametag sa pagong.

Bimby

X___X

O___O

OMG!!! SI THOMAS BA ANG BIMBY NA ITO??? Para na akong naghahyperventilate sa kilig dito. Ayoko umasang si Thomas yun pero sino ba ibang Bimby sa La Salle? Alangan namang si Bimby Yap talaga nagbigay nun. Hay nako hindi na mapakali ang Thomara heart ko. Oo nga at patay na ako pero buhay na buhay ang pakiramdam ko. Kailangan kong maipalabas ang kilig ko kaya tumayo ako at nagpatalong talon. #NOCHILLTHOMARA

"OMG Lord! Totoo na ba to? Ito na ba ang katuparan ng Thomara dreams ko?"

*BLAG!*

Gulat na napalingon ako sa kung saan nanggaling ang sound. Una kong nakita ang cellphone na nasa floor. Pagangat ko ng aking paningin, narealize ko na hindi ang pagong na stuffed toy ang katuparan ng Thomara dreams ko. Ang katuparan ng Thomara dreams ko ay kung anong nasa harap ko.....

SI ARA AT SI THOMAS MAGKASAMA!!!!!

Wala na. Triple dead na ako.

The Ghost of a Thomara ShipperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon