Warning: To any Kiefer Ravena fans out there, this might be offensive for you. No offense meant though. This is all just for literature's sake.
Nandito ako ulit ngayon sa dorm ng lady spikers. Nung iniwan ako ni Bimby kanina, hindi ko na siya sinundan. Pauwi na yun eh, alangan namang sundan ko pa? Hindi pa rin nagpapakita ulit si Eros sa akin kaya sariling sikap ang ginawa ko para makabalik sa dorm ng lady spikers. Buti na lang, sa paglalalakad-lakad ko, nakita ko si Mika. Mukhang pauwi na siya kaya sinabayan ko na siya sa paglalakad. Habang naglalakad kami, naramdaman kong iba ang aura ni Mika kesa sa aura niya kaninang umaga. Kanina, parang ang saya saya at ang gaan gaan ng aura niya, pero ngayon malungkot at mabigat na. Anyare bebegurl? Syempre hindi ko naman siya makausap kaya naghintay na lang ako hanggang sa makarating kami sa dorm.
Pagdating namin sa dorm, agad pumasok si Mika sa room niya at padabog na nahiga sa kama niya. Napalingon si Ara, Kimmy at Carol sa kanya. Kung hindi ko lang talaga nafefeel na malungkot si Mika, nagkikikisay na siguro ako sa saya dahil nakita ko all at once ang Wafs plus Carol pa! Agad itinigil ng tatlo ang pag totong-its nila at nilapitan si Mika.
"Daks, anong problema?" malumanay na tanong ni Ara
We patiently waited for Mika to answer pero deadma si ganda eh. Ara, Kimmy and Carol then knowingly stared at each other. Dahan dahan silang lumapit sa bed at bigla nilang sabay sabay na dinaganan si Mika. Yes, kahit si Ara na injured sumali pa rin haha.
"Hoooy ano baaa? Ang bibigat nyo uy!" tili ni Mika. Hindi naman siya pinansin ng tatlo at lalo pang dinaganan si Yeye. Ang cute cute lang nila tingnan haha. Tawa na ako ng tawa kasi pinagkikiliti na ni Mika ang tatlo para hindi na siya madaganan ng mga ito. Di nagtagal, nagtawanan na rin silang apat. Watching the four of them laughing together just makes my heart feel so warm. Akalain mo yun, even dead people can feel.
Their laughter eventually died down and the room was filled with silence. Maayos silang nakaupo sa bed ni Mika. Nobody spoke. Ara, Kimmy and Carol were just waiting for Mika to open up. Alam ko medyo FC pero, wala na ako pakialam kaya umupo ako sa space sa tabi ni Mika. Ramdam na ramdam ko ang bigat sa loob ni Mika. Siguro kasi kaluluwa na ako kaya nararamdaman ko rin kung ang matitinding damdamin ng kaluluwa ng ibang tao. Matanong nga si Eros mamaya kung tama ba ang theory ko.
Bago pa ako tuluyang madistract sa mga iniisip ko, nabalik ang atensyon ko sa mga pinakamamahal kong volleybelles ng makarinig ako ng hikbi. Umiiyak si Mika. Agad kong sinubukang yakapin siya pero lumusot lang ako eh. Di bale, pinapailaliiman naman na siya ngayon ng group hug nina Ara, Kimmy at Carol.
"Ang sakit sakit na. Kahit anong gawin ko, hinding hindi ako matatanggap ng supporters ni Kiefer. Gagawa at gagawa sila ng paraan para sirain kami."
Nak ng teteng naman oh! Ang sweet sweet pa nga nila kaninang umaga tas ngayon nasasaktan na si Mika dahil sa existence ng mga fantards na napakakitid ng utak.
"Ye, tahan na. Wag mo nang isipin yang mga sinasabi ng iba. Ang importante, mahal mo si Kiefer at mahal ka rin niya. Kahit ano pang gawin ng mga haters, hindi kayo mabubuwag kung hindi kayo magpapaapekto." sagot ni Kimmy habang hinahagod ang likod ni Mika.
"Oo nga Ye. Diba laging sabi ni Kiefer sayo na ikaw ang importante sa kanya at hindi ang kung ano mang sinasabi nga ibang tao." suporta naman ni Carol
"Daks. Si Kiefer nga hindi nagpapaaekto sa opinion ng iba kaya dapat ikaw din. Kaya tahan ka na." saad ni Ara
"Eh yan nga ang problema eh. Naapektuhan ako k-kasi, kasi si Kiefer naniniwala na sa mga pinagsasasabi ng mga haters."
Agad ikinuwento ni Mika kung anong chismis na naman ang pinakalat ng haters niya. May nagsabi daw kay Kiefer na basketball player ng team B ng Ateneo na nakipaghalikan daw si Yeye sa isang lalaki sa bar. May video pa nga daw. Totoong si Yeye ang nasa video pero hindi siya nakikipaghalikan kay Kito. Oo, si Kito ang lalaki di umanoy 'kahalikan' niya sa video. Hindi naman sila naghahalikan eh, naguusap lang sila kaya lang ang anggulo nga video ay para minanipula para magmukhang naghahalikan sila. Nasa US si Kiefer ng panahong yun dahil sa training nila. Sabi ni Yeye, paulit-ulit daw siyang nagexplain kay Kiefer sa kung anong nangyari kaya lang ayaw maniwala ni Kiefer. Kiefer chose to believe the words of someone who he didn't know as good as he knows Mika. Mas kilala niya si Mika kesa sa team B dude na yun kaya sana, mas binigyan nya ng tiwala ang mga salita ni Mika. Kaya lang, wala eh. Kiefer had already let himself be caught in a web of lies.

BINABASA MO ANG
The Ghost of a Thomara Shipper
Fanfiction"Ara Galang is down! She's clutching her left knee! Ara Galang is in pain!" Pain? Ara? No, not my Ara. Please not my Ara. No. No. Ple--a! *clutches chest* A--ra! *blag* A thomara shipper dies of a heart attack after seeing Ara get injured. Her fami...