SHEEEEETTTTT! Si Ara at si Thomas magkasama talaga! Ang kaliwang kamay ni Thomas nasa shoulders pa ni Ara at parang inaalalayan niya si Ara na maglakad. Sisigaw sana ako sa kilig ng biglang magsalita si Ara.
"Bimbs, yung phone mo oy" Ara nudged him pero wala lang reaction si Thomas. Instead, his gaze was fixed right at me. Medjo kinabahan ako. Nakikita niya ba ako? Sinundan naman ni Ara ang tingin ni Thomas pero lumusot lang sakin ang paningin niya. "Ano bang tinitingnan mo hoy?" Sinundot-sundot pa ni Ara ang gilid ni Thomas. Reluctantly, Thomas removed his gaze from me and faced Ara.
"H-hindi mo siya nakikita?"
"Sino?"
"Yang babae sa harap natin" sagot ni Thomas sabay turo sa akin. Tumingin ulit si Ara sa harap.
"Langya! Tinatakot mo ba ako?!" singhal ni Ara sabay hampas sa tiyan ni Thomas.
"B-but Ars, she's right there!"
"Eeeh Thomas! Wag ka nga! Baka di ako makakatulog mamaya!" magsasalita pa sana si Thomas, but Ara immediately covered her own ears, "Ewan ko sayo, bahala ka, wala akong naririnig!" Walang nagawa si Thomas kundi tumahimik na lang. He slowly picked up his phone and removed his gaze from me. Sinubukan niya rin ibaba ang mga kamay ni Ara.
"Oy, joke lang yun." Joke lang daw pero palihim naman siyang sumulyap sa akin, at ng makita niyang nandun talaga ako, mabilis naman niyang binawi ang tingin. Binaba naman ni Ara ang mga kamay niya at inirapan si Thomas. Nagmamaktol na nagpatiuna pang maglakad si Ara. Ang cute lang nilang tignan haha. Agad namang sumunod si Thomas at inalalayan ulit si Ara.
Nararamdaman kong natatakot si Ara kaya sinabi na lang ni Thomas na nagjojoke lang siya. Akalain mo yun? Totoo pala ang mga nababasa ko dati sa wattpad na matatakutin si Ara sa mga multo haha. Gusto ko sanang magstay at panuorin pa silang dalawa, kaya lang uncomfortable na masyado si Thomas eh. Nararamdaman kong natatakot din siya kaya umalis na lang ako. Hay, sayang. Huhu Thomara moment sana. Pero wow ha. May sixth sense si Thomas. Nakikita niya ako and most probably naririnig niya rin ako. Hmmmm. Magamit nga ang advantage kong to hihi.
.
.
.
6 hours later
Kainis. Ang tagal lumabas ni Thomas mula sa dorm nila Ara ha. Di rin ako makaalis dito kasi di ko naman kabisado an lugar at wala akong sense of direction. Baka pagumalis ako, di ko na mahanap ang daan pabalik ditto. Huhu ang dami kong namiss na Thomara moments. Naku, baka ang sweet sweet na pala nila tas di ko pa talaga sila napanuod. Huhu sayang ang chance! Pero di bale, pagnagwork ang plan ko sure ako marami pa akong Thomara moments na masasaksihan! Hihi i'm so excited!
"Oo malapit na ako. Oo nga. Nasa labas na ko." Lumingon ako at nakita ko si Kimmy. May kausap siya sa phone. "Oo nga kasi! Sige na, bye!" padabog pang ibinulsa ni Kimmy ang phone niya. Sino kaya kausap niya? "Arte-arte para namang di siya nagenjoy na bantayan si Ara" nagmaktol pa si Kimmy. Natawa naman ako sa sinabi niya. Ngayon sure na ako na si Thomas ang kausap niya.
Dumaan na si Kimmy sa harap ko at para lang akong timang na ngingiti-ngiting nakasunod ng tingin sa kanya. Hay ang swerte ko naman! Ay baka hindi masyado kasi nga patay na ako pero duh! Kakatapak ko lang sa La Salle at nakita ko na agad ang Wafs! Achievement yun! Papasok na si Kimmy sa dorm kaya sumunod ako sa kanya. Pagkapasok ko, pababa na si Thomas sa hagdan habang bitbit ang kaliwang rubber shoes niya. Umupo agad si Thomas sa may sofa at ipinagpatuloy ang pagsusuot ng sapatos. Lumapit naman si Kimmy at inilapag ang bag niya sa tabi ni Thomas.
"Chill ka lang bans. May 10 minutes ka pa." Natatawang sabi ni Kimmy. Si Thomas naman ay kakatapos lang magsapatos at tumayo na.
"Kimmy, if Coach Ramil is fierce, then so is Coach Juno. He's gonna kill me if malate ako ng kahit 5 seconds. I didn't bring my car pa naman" Inis na pageexplain ni Thomas. Sa sobrang pagmamadali niya, hindi niya napansin na nandun din pala ako at nakatayo lang malapit sa kanya. Si Kimmy naman, tinawanan lang si Thomas.

BINABASA MO ANG
The Ghost of a Thomara Shipper
Fanfic"Ara Galang is down! She's clutching her left knee! Ara Galang is in pain!" Pain? Ara? No, not my Ara. Please not my Ara. No. No. Ple--a! *clutches chest* A--ra! *blag* A thomara shipper dies of a heart attack after seeing Ara get injured. Her fami...